Na kahit na ilang taon akong nagtanim ng sama ng loob sa kanya. Nananatili pa rin ang pagkamiss ko sa kanya. Ang Tanging taong naging ka partner ko sa lahat ng bagay noon. 

"Papa" Ngayon, hindi ko na maloloko ang sarili ko. Miss na miss ko na ang papa ko. Sobra akong nangulila ng mga panahong wala sya. Na kahit anong pilit ko na magalit, Hinding hindi pa rin nawala ang pakiramdam na pangungulila sa kanya. 

"Patawarin mo ko anak. natagalan si Papa sa pagbalik." Sabi nito habang nakayakap. Nag angat ako ng tingin at doon, nakita ko ng malapitan ang itsura nya. Bakas sa mukha nito ang katandaan. Pero nanatili pa rin ang kanyang Kagwapuhan. Ang mga matang matagal ko ng hindi nakikita. 


"Papa, Miss na Miss po kita. Wala po kayong dapat ihingi ng tawad. Ako po ang dapat humingi ng tawad sa inyo."

"Shhh wag mo ng isipin iyon anak, naiintindihan ko kung bakit ka nagalit sakin. Kasalanan ko rin naman dahil hindi ako nagpaalam ng maayos sa inyo. Hindi ko alam kung hanggang kailan mananatili ang mga ala ala ko sa inyo. Ang alam ko, sa mga oras na ito. Na aalala kita, ang kapatid mo, ang Tita mo at higit sa lahat, ang Mama mo."

"Pa, Si Mama po..." 

"Alam ko anak, gusto ko, paglabas ko ng hospital, sabay sabay natin syang pupuntahan. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya. At higit sa lahat, gusto kong makita nya, na kumpleto na tayong tatlo ng kapatid mo."

Tumango nalang ako sa sinabi ni Papa. Mama, Narinig mo ?? Pupuntahan ka namin ni Papa, makukumpleto na rin tayo, kahiot na na wala ka na sa tabi namin, mananatili kang nasa puso naming lahat, dahil ikaw lang nag iisang Mama namin ni Ivan. 


Makalipas ang dalawang araw, lumabas ng hospital si Papa. At sa awa ng diyos. Hindi pa nakakalimutan ni papa na kasama na nya kame. Ngayon, Kasama sya, Si Ivan at ako, Nandito kami sa harapan kung saan nakahimlay si Mama. 

Nakatayo ako habang si Papa ay nakaupo sa harapan ng lapida ni Mama, Si Ivan naman ay nakayuko lang at mahahalata mo ang pagiyak nya. Alam kong masakit para sa kanya ang makita si Mama sa ganitong sitwasyon. Lumaki sya ng hindi kasama si mama. Kaya naman alam kong misss na miss nya narin ito. 

"Mahal, nandito na ako. Kumusta ka na ? Sabi ko babalik ako di ba ? Natagalan nga lang. Pero bakit hindi mo ko hinintay ? Di ba ang sabi ko, aayusin ko lang ang problema kay Papa ? Natapos ko na Mahal, Pasensya na kung natagalan, Pasensya na at kinailangan nyong mabuhay ni Pam ng kayo lang, Patawarin mo ko dahil hindi ko kayo agad napuntahan, Patawarin mo ko dahil wala ako sa tabi mo ng mga panahong kailangan moko. Mahal, Malaki na si Ivan, lumaki sya ng tulad ng sa gusto mo. Lumaki syang matalino at mabait na bata. Higit sa lahat gwapo pa. Syempre sabi mo nga namana nya sakin. Alam kong kung nasaan ka man ngayon, masaya kana. Antay lang mahal, Alam kong naghintay ka ng matagal, Pero pwedeng antay pa ng konte ? Susunud na rin ako. Just wait for me there."

Hindi ko mapigilan ang umiyak sa mga sinabi ni Papa. Alam kong, tama ang sinabi nya. Ayon kay Ivan, Nasa 3 taon na ang sakit ni Papa. Maswerte lang dahil na alala naya pa kame. Dahil sa ibang case ng sakit nya. Hindi na nakaka alala pa ang iba. At ang sabi ng Doctor. Sa susunod na atakihin si Papa, hindi na nya kakayanin pa. Pero Diyos ko, pwede naman pong humingi ng isang taon pa dba ? O kaya kahit 6 months lang, aalagaan ko lang po ang Papa ko. Wag lang po muna ngayon.

"M..mama." Napatingin ako sa kapatid ko na ngayon ay nakaluhod sa harapan ng puntod ni Mama.

"Mama, Ako po ito.. si Ivan, ang bunso nyo..Ma, bakit ?? Bakit di mo ako hinintay ? Ma, miss na miss na po kita. Minsan iniisip ko po na baka kinalimutan nyo na kami, lalo na po ako. Pero kahit ganon, abang lumalaki ako, dala dala ko po ang mga pangaral nyo ni ate sa amin. Kahit na tinutukso ako ng mga kaklase ko na wala akong Mama, pinagmamalaki ko pa rin na may Mama ako kahit na nasa malayo sya, alam kong mahal na mahal ako. Ma, sinunod ko po ang pangarap ko tulad ng sabi nyo., Tulad ni Ate, naging valedictorian din po ako. At Cumlaude pa. Kung kay Papa ko po namana ang looks ko, sayo ko naman po na mana ang talino ko.... Mama, miss na miss na kita, hindi ko man lang naranmsan ang mayakap ka ulit. Kung paano ano ang pakiramdam ng nasa bisig mo. Mama, miss na miss na po kita...."

Hindi ko mapigilan ang lalong maiyak sa mga sinabi ng kapatid ko. Maswerte pa rin ako, dahil makakasama ko pa si Papa, samantalang sya, hindi na nya nadtanan pa si Mama. Lumuhod ako at mula sa likod. niyakap ko ang kapatid ko. 

"Wala man si Mama, Tulad ng sabi nya noon, ako ang magiging Kaibigan, Kapatid at Mama mo, ano man ang mangyare. Mahal na mahal ka ni Mama bunso. Hindi man nya ko kilala ng mga panahong may sakit sya, atleast ikaw, nanatili ka sa alalal nya. Ikaw na kasama ni Papa, ang laman ng puso at utak nya. Hanggang sa huling sandali nya. Kayo ni Papa ang iniisip nya. Kaya lagi mong tatandaan. Na si Mama, ay hindi kaylanman kinalimutan. Dahil alam ko, proud na proud si Mama sayo. Lagi mong tatandaan yan. "

Umiiyak na niyakap ako ng kapatid ko. At si Papa na nasa tabi namin ay niyakap din kame. Mama, Kung nasan ka man ngayon, Sana narinig mo ang sinabi nila sayo. 

"Mahal na Mahal ka namin MAMA" 


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N: Punas muna ng Mata.....

Hingang malalim............whoooh. 

Happy Holloween mga bebe ko.. 

Till next update.


Villianueva: The Billionaire's Son'sWhere stories live. Discover now