"Lu!"tumayo siya sa pagkakaupo niya sa isang malaking tipak ng bato sa ilalim ng puno. May malaking puno kasi ng acasia sa tabi ng open stage at merong mga tipak ng mga bato at semento ang nasa tabi nito. "Sorry talaga ngayon lang ako. Nag-CR lang ako saglit."sabay kamot ng batok niya.

"Kaya ba hindi kita mahanap kanina dito?"Umupo na kami parehas sa bato."Sabi mo nandito ka na, diba?"

"Yeah. Pasensya na din kung hindi kita natext. Deads na phone ko."Sabay pakita ng phone."Ano ba yung itatanong mo?"

"Straight to the point, Josh? Hinahabol ang time?"natatawang sabi ko sabay tali ng buhok ko in a messy bun style."Ang init."kumento ko.

"May paypay ako dito."abot niya."Hindi ko nabalik sa kaklase ko kanina eh."

"Thanks."inabot ko naman ito at pinaypayan ko ang sarili namin."Ok na ba kung magtatanong na ako?"diretso lang akong nakatingin sa harap namin.

"If you're gonna ask me na maging boyfriend mo, yes na ang sagot ko."natatawang sagot niya kaya hinampas ko siya."Aray! Biro lang!"tawa pa niya.

"Umayos ka nga! Seryoso 'to!"natatawang sabi ko.

"Oo na. Ano ba kasi yun?"nakangiti pa rin siya sa akin. Ngumiti lang din ako sa kanya at tinignan siya saglit. Ang cute cute niya talaga kapag ngumingiti. Sumisingkit yung mga mata niya.

"Ahmm..kilala mo ba ako Josh?"

"Ha?"nakita ko namang naguluhan siya sa tanong ko."Syempre naman. Ikaw si Luna. Soon-to-be girlfriend ni Frost. Hahaha!"

"Tumigil ka nga Josh!"sabay tulak sa kanya ng mahina."Sabi ngang seryoso 'to!"

"Sorry."natatawa pa rin siya."Sige na. Game na ako."

"Anong game ka dyan?"Napailing na lang ako habang natatawa. Ang saya talaga niyang kasama."Anyway, what I mean kung dati mo na ba akong kilala? Before tayo nagkakilala dito sa university."sabi ko habang gumuguhit sa lupa.

"Bakit mo naman natanong yan? May problema na, Lu?"mula sa peripheral vision ko nakita ko siyang yumuko at sinilip ang mukha kong nakayuko.

Lumingon ako sa kanya at nakita kong nag-aalala siya. Binalik ko na lang ang atensyon ko sa pagguhit sa lupa.

"Nung kainausap -- more like sinigawan " natatawang correction ko. " -- ako ni Sheira sa parking lot may nasabi siya sa akin.."bulong ko.

"Ano?"

"Sabi niya kapag daw nalaman ni Antonio ang koneksyon ko kay Crystal kamumuhian raw ako nito..."kunot noong sabi ko."..hindi ko siya maintindihan Josh."humarap ako sa kanya at halata sa itsura niya ang gulat."Wala ka bang alam?"

Dahan dahang umiling siya sa akin."Wa..wala naman akong natatandaan na may koneksyon ka kay Crystal o may kaibigan ba si Crystal na kapangalan mo dati.."kunot noong sagot niya at tumingin sa lupa."At kung kaibigan ka ni Crystal, siguro naman makikilala kita kasi ipapakilala ni Crystal sa amin ikaw, diba?"sabay lingon sa akin.

Bumuntong hininga ako at sumandal sa punong nasa likuran ko."You have a point. Pasensya na kung nagtanong ako sayo, Josh. Akala ko kasi may alam ka kasi kambal mo si Sheira..."

Umiling iling siya at ngumiti sa akin."Ok lang."sabay akbay sa akin."Basta kung may problema ka o kayo ni Frost, sabihin mo lang sa akin. Tutulong ako!"

"Ang sigla mo naman!"natatawang sabi ko sabay tulak sa kanya."Wag mo nga akong akbayan! Ang init na nga e!"sabay paypay sa sarili ko.

"Ang arte mo naman! Ako na nga magpaypay sayo!"binawi niya ang paypay at siya na nagpaypay sa aming dalawa."Kung ano man ang sabihin ni Sheira, Don't mind her. She's just carrying some weight.."napansin ko naman na lumungkot ang mukha niya nang binanggit niya yun.

"What do you mean?"at dahil may lahi rin akong chismosa nagtanong ako.

"Well, I'm not in the right place to tell her story but I can tell you one thing..."tumingin siya sa akin."She don't want you to be Frost's girlfriend."tipid siyang napangiti.

Medyo nagulat pa ako sa sinabi niya kahit malinaw naman sa kilos ni Sheira. Parang may ibang dahilan pa maliban sa gusto niya si Frost kaya ayaw niya sa akin.

"Don't worry. I'm here."sabay gulo sa buhok ko.

"Josh!!"tili ko at layo ng ulo ko sa kanya."Wag mong guluhin buhok ko!"

Tumawa lang siya sa akin at pinagpatuloy ang paggulo ng buhok ko."Josh! Ano ba!"kahit naiinis ako natatawa na rin ako."I'm not a kid! Stop it!"

Nagtatawanan lang kami hanggang sa may narinig kaming tumikhim. Pagtingin namin ni Josh, nakita namin sila Seb, Katie at Antonio.

Nakangiti si Seb at Katie nang binati kami pero blanko lang ang tingin ni Antonio kay Josh.

"Uy! Andyan ka pala Frostie boy!"masayang bati ni Josh sabay tayo at akbay kay Antonio.

Tumango lang si Antonio at tumingin sa akin."Anong oras klase mo?"

"Ahm...4pm."nag-aalinlangan pa ako dahil sa seryosong mukha niya. Parang badtrip siya na parang malalim ang iniisip din.

"Ayee! I smell something fishda!"hirit ni Katie sabay hagikhik. Sinamaan ko naman siya ng tawa pero ngumisi lang siya sa akin at nagpeace sign.

Hinila naman ako bigla ni Josh para tumayo at inakbayan."Meryenda tayo!"masiglang sigaw niya bago humarap sa akin."Anong gusto mo, Lu? Libre kita!"and smiled at me.

Uminit ang pisngi ko sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Naduduling ako sa ngiti niya at sa tingin niya sa akin.

"Ah..eh..O--"bago pa ako makasagot ay may humila sa kaliwang braso ko kaya nakawala ako sa akbay ni Josh.

Pero this time may pumalupot sa bewang ko. Pagtingin ko kamay.

"Ako na manlilibre."seryoso ang boses na nagsalita."Let's go."

Hindi na ako nakaangal pa nang hawakan niya ako sa kamay at hilain paalis. Tinignan ko siya at hindi nakalampas sa paningin ko ang nakakunot na noo ni Antonio.

Gusto kong pumalag pero itong lecheng bagyo at mga karpitero hindi nagpapaawat!! Hindi ako makapagsalita! At nakatulala lang ako sa likuran ng ulo niya.

"Kyaaa! Selos ba yung nakita ko?!"narinig ko pang sigaw ni Katie.

At bakit naman magseselos ang manyakis na 'to?

--To be continue...

Twisted Red String (completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant