Chapter 1: Ina's Closet

40 3 0
                                    

"Ibibigay ko 'to sa 'yo para kapag pakiramdam mo naliligaw ka, nalilito at tingin mo'y upos ka na sa problemang ibinibigay ng mortal nating mundo, may mapupuntahan ka."



MALAKAS ang buhos ng ulan. Karamihan ay nasa kaniya kaniya nang bahay para magpahinga lalo na't pasado alas nuwebe na rin ng gabi ngunit hindi para kay Marni.

Bukod kasi sa kanina pa siya paikot ikot sa Rosario Street, street kung saan naka-address ang nagpapa-deliver sa kanila ay hindi niya mahanap ang eksaktong address ng pagdadalhan niya.

Basang basa na siya. Kanina pa napapagod kakahanap. Ginugutom na. Nilalamig. Higit sa lahat, panigurado siyang mayayari siya sa dalawang tao: una sa customer nilang naghintay niya nang ilang oras. Ikalawa, sa masungit niyang manager. Pihadong tatawag yung customer na 'yon sa center nila upang magreklamo. At tiyak ni Marni na bukod sa sermon na matatanggap niya pagbalik sa café ay iaawas ang suweldo niya kung sakaling hindi bayaran ng customer ang order nito dala ng galit.

Ilang oras pa ang lumipas ay mas lumakas pa ang buhos ng ulan. Marahas na hinahampas ang hangin ang mga puno. Rinig niya ang paglangitngit ng yero sa mga kabahayan, ang pagdagungdong ng kulog at ang tila walang katapusang musikang ginagawa ng tunog ng pagtama ng mga patak ng ulan sa lupa. Halos hindi na makita ni Marni ang daan kaya napagpasyahan niyang maghanap muna ng masisilungan at doon magpatila ng ulan, kung titila nga ba ito.

Sakto namang may namataan siyang bukas na furniture shop. Lumapit siya rito at nakisilong pansamantala. Binasa niya ang umiilaw na signage na nakalagay sa gilid nito.

Reina's Furniture Shop.

Nasulat din doon kung ano ang address ng shop.

Napatigalgal si Marni. Kinuha niya mula sa suot na basang pantalon ang halos punit ng kapirasong papel na kanina pa niya nilalabas pasok sa bulsa.

"Walang hiya. Kanina pa ako naghahanap. Nandito lang pala," aniyang hindi makapaniwalang ang address na kanina niya pa hinahanap ay nasa harapan na pala niya.

"Tao po," sabi niya habang kumakatok ngunit walang sumagot.

Ayaw naman niyang basta basta na lang pumasok sa loob kahit na may nakalagay na 'welcome' signage sa pintuan.

Muli siyang kumatok pero bago pa man maglapat ang kamao niya sa pinto ay bigla itong bumukas.

Napatulala siya. Anong nangyari? tanong ni Marni sa sarili. Walang taong nagbukas ng pinto. And it is very impossible that old wooden door to be a high tech.

Hindi pa man siya nakakabawi sa pagkagulat ay parang may kung anong humihila sa kaniya papasok na maski ihip ng hangin na may kasamang ulan ay marahan siyang tinutulak, wari ba'y iniimbitahan siyang lumapit at pumasok sa loob.

Napabuntong hininga siya. Tutal nandito naman na siya bakit hindi pa siya pumasok sa loob para personal na humingi ng paumanhin sa customer nilang ilang oras niyang pinaghintay. Di bale nang magalit, ang mahalaga nakapaghingi siya ng sincere sorry dito at maiabot ang order nitong pagkain.

As soon as her filthy wet shoes steep on the doormat, the sound of chime echoed in the whole room in which she find weird. Hindi ba dapat tumunog na ito pagbukas pa lang ng pinto?

Napalunok siya habang pinapasadahan ng tingin ang mga kagamitan ang mga loob. May rattan chair, table na gawa sa molave, bamboo decoration at kung ano ano pa na halatang maganda, pulido ang pagkakagawa at mahal. Pero ang pumukaw ng atensyon niya ang nag-iisang closet na nasa gilid. Para ngang isa iyong artifact na nakadisplay sa museum dahil sa dim lights na nasa ibaba nito. Idagdag pa na nasa loob iyon ng life size aquarium.

Secret of Ina's ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon