Chapter 14

111 6 2
                                    

Chapter 14

"Class don't forget na this friday na yung acquaintance party niyo. Okay class dismissed"

Hays buti na lang maaga uwian namin ngayon ang problem ko na lang ay yung acquaintance chuchu na yun. Wag na lang kaya ako umatted? Kaso baka magalit naman sakin si Karyl saka gusto ko ko makita kagwapuhan ni Kris mylabs *O*

"Miss ikaw ba si Sunny Perez?" sabi ni koyang naka black

Men in black lang ang peg? Bonga ng outfit ng lolo niyo naka black suit.

"Yes ako nga po ang nag iisang dyosa ng lahat ng dyosa. Sunny at your service"

"Sumama ka samin" sabi niya sabay hila sakin papasok sa shining shimmering black car nila ay wait black nga ba yun? Basta yun na yun kung ano mang color tawag nila dun.

"Hoy mga kuya kahit dyosa ako di ako easy to get na babae noh! Tong mga feelingerong toh. Nako baka hindi pa kayo naliligo ahh" sabi ko

Aba kahit naka suit pa sila dyan kung hindi naman sila naliligo edi wala rin mabaho parin sila noh. Ew lang ha >_____<

"Sumama na lang po kayo samin Miss Sunny"

"Nako mga kuya kung may balak kayong kidnapin ako nako sayang lang pagod niyo at yang pag renta ng shining shemmering car niyo saka yang suit chuchu niyo kasi walang tutubos sakin noh. Kahit mukha ako mayaman mahirap lang ako kahit kutis mayaman toh nyahahaha" sabi ko

Sige na sabihin niyo nang feelingerong froglalet ako pero nag sasabi lang ako ng truth. Saka malay niyo maawa sila sakin at ibaba ako dyan sa tabi tabi.

"Yuhooo? May tao ba dyan? Aba mga kuya uso mag salita nako o baka naman mga binge kayo? Dapat kasi kuya nagpatingin na lang kayo sa doctor kaysa magrenta kayo ng mga ganitong kaeklutan pero kuya san kayo naka renta nito? Mura lang ba? Rerenta rin ako kasi may acquaintance kami" sabi ko

Pero snob parin ang beauty ko. Aba isang malaking achievement na sa kanila na kinausap ko sila noh mga choosy pa sila. Maka tulog na nga lang mga wala namang kwenta itong mga kumidnap sakin. Bahala sila dyan.

--

"Ui nandito na tayo anong gagawin natin sa kanya?"

"Edi malamang gigisingin"

"Osha gisingin mo na"

"Anong ako? Ikaw gumising dyan"

"Bakit ako? Ikaw naman"

Ano ba naman yan bakit ang ingay naman nila. Kitang natutulog yung tao oh.

"Ikaw bahala dyan" sabi nung isa sabay tulak sa kasamahan niya

"Ay ma'am gising na po pala kayo hehe" sabi niya sabay kamot sa ulo niya. Siguro may kuto toh.

"Ay hindi tulog ako kuya. Kita mo nang gising tatanungin mo pa ako" pamimilosopo ko.

Parang ewan naman kasi tong kumidnap sakin e.

"Sabi ko nga po eh. Osha bumaba na po kayo" sabi niya sabay tulak sakin

Ay kailangan may pagtulak? Close kami? Close kami? Flying kick ko sila e

Teka nasaan na ba ako? Teka nga bakit ang ganda naman yata dito? Ganto na ba yung paraan ng pag kidnap ngayon? Bonga ha parang nasa mall lang dapat pala lagi akong nakikidnap para maka punta sa ganitong lugar nyahahaha xD

Teka tama nga ako nasa mall nga talaga ako! Kasi nakalagay oh 'SM Mall'

"Teka nga mga kuya bakit nandi--"

Ay wala na sila. Iwan ba naman ako dito wala pa naman akong dalang pera. Mga wala talagang magawa sa buhay yung mga yun >3<

"Ui Sunny nandito kana pala"

My Crazy SadistDonde viven las historias. Descúbrelo ahora