Chapter 3

170 7 1
                                    

Chapter 3

"Ui Sunny diba may pasok na kayo ngayon? Bumangon kana dyan"

"Maya na Mae. Inaantok pa ko oh" sabi ko

"Bahala ka. Pag ikaw di mo naabutan si Kris your labs, ikaw rin" sabi niya sabay labas sa kwarto ko

Hala oo nga pala first day namin ngayon at dahil first day makikita ko na ulit si Kris mylabidabs! Kyaaaaaaaaaaa!!~

Bumangon na agad ako at ready to shower na este maligo pala. Wala nga pala kaming shower hehe xD

After ko maligo sinuot ko na ang aking pinaka mamahal na uniform. Ang mahal-mahal kaya ng uniform na toh. Halos tatlong buwan ko tong ipunin noh kaya iniingat ingatan ko to. Pumunta nako sa kusina at naabutan ko doon si Mae na kumakain ng pandisal na binili niya.

"Buti naman at naisipan mo pang bumangon at pumasok"

"Syempre naman! Saka excited na kaya ako makita si Kris mylabs. Basta para sa kanya I will do anything in the name of L-O-V-E"

*poink*

"Aray naman!"

Batuhin ba naman ako ng pandesal sa ulo >3<

"Pano ba naman kay aga-aga ayan agad nasa isip mo! Nako bahala kana nga sa buhay mo. Tsk tsk" sabi ni Mae sabay kain ulit ng pandesal

Palibhasa kasi walang lovelife kaya ang bitter bitter ng lola niyo. Eh kung ihanap ko kaya ito ng lovelife niya para pareho na kaming may lovelife saka para hindi siya tumandang dalaga

Umupo na nga ako sa may harapan niya at kumain narin at syempre pagkatapos ko hugasan yung pinagkainan ko umalis narin ako papuntang school.

**

Grabe wala paring pinagbago yung EJU. Maganda parin at sobrang laki. Pasalamat talaga ako at naging scholar ako sa school nato nyahahahaha xD

*Blag*

Aray naman bakit kaya nagtatakbuhan yung mga babaeng yun papuntang parking lot? Hay mga tao nga naman ang w-weird. Maka punta na nga lang sa may bulletin board.

O_____________O

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!" sigaw ko

Napatingin naman yung mga estudyante sakin pero care ko sa kanila nyahahaha! Basta ako masayang masaya kasi you know wala akong kaklaseng nag ngangalang mga Chloe, Audrey, at Sam kasi nga mga mean girls sila, mga feeling maganda -__-

"Oh well look who's here girls" sabi ni Audrey

"Oh! Hello there little Sunny" sabi naman ni Chloe

"Oh my gosh~" Sabi naman nitong si Sam

See sabi sa inyo eh mga mean girls talaga sila saka porket ba maliit ako tatawagin na nila akong Little Sunny? Di ba nila alam ang CUTE SIZE? >3<

"Ah hehe.. Hi?" sabi ko sabay taas ng kamay

"Psh. Stupid. Oh well say something about our new look?" maarteng sabi ni Chloe

"Something" sabi ko

"Args! You!" sabi ni Chloe sabay taas ng kamay niya na akmang sasampalin ako.

Hala ka! My chubby cheeks see you na lang sa heaven T____T

Saka sabi naman nila 'say something' kaya ayan sinabi ko something tapos ako pa mali? Marunong ba silang mag-isip? >3<

*Blag*

Aray ko naman! Pangalawa na to ahh kung yung isa hindi ako lumanding sa sahig ngayon close na close na kami ni sahig. Yun na lang ba ang role ko sa story nato ang mag dive sa sahig?

*pak*

O_______O????

Sino yun?

O_________O

Kyle?!?! As in si Kyle na si K-Y-L-E?!?!

"Aray! Sakit naman nun ah" sabi niya sabay hawak sa nasampal na pisngi ni Chloe

"Oh my G! Im so sorry Kyle. Di naman para sayo yun ehh I swear diba girls?" sabi ni Chloe

"Yes yes" sabi nung dalawang mean girls

Kawawang Kyle naman pero HELLO! mas kawawa kaya ako. Kanina pa kaya kami close nitong si sahig wala ba manlang tutulong sakin? Ansakit kaya ng pwet ko >3<

"Miss walang swimming pool dyan kaya wag kang mag dive dyan" sabi ni Kyle pero buti nalang umalis na yung tatlong mean girls nayun.

Pero teka nga swimming pool?!? Eh siya nga may kasalanan kung bakit kami close nitong sahig eh. Imbis na sampal lang abot ko eto ako ngayon napa dive ng di oras sa sahig.

"Sunny ikaw ba yan? Anong ginagawa mo dyan? Walang tubig dyan" sabi nitong si Kyle

"Kung di mo kasi ako tinulak kanina edi sana di ako mapapadive dito sa sahig" inis na sabi ko sabay tayo

"Sensya na malay ko ba"

"Psh! Wala na tayong magagawa nagawa mo--"

@_________@

K-Kris T-Tejano? Omo ang gwapo niyo talaga *u*

Parang tumigil ang mundo ko nung dumaan siya. Saka parang may mga fireworks na naglabasan nung dumaan siya sa harapan namin. Saka amoy na amoy ko yung pabango niya. Haaay~

"Ui Sunny ayos ka lang ba? Kanina pako salita ng salita pero parang wala namang nakikinig sakin. Alam mo bang nakakahurt ka--"

"Ang gwapo niya talaga" wala sa sariling sabi ko

"Ha?"

"Ang gwapo talaga niya saka ang bango bango pa"

"Sino?"

"Si Kri-- este HOY! ano bang ginagawa mo? Saka bakit ang lapit ng mukha mo sakin ha? Ra-raypin mo ba ako ha? ha? Sumagot ka!" sabi ko sabay takip sa katawan ko

Walastek tong lalaking to may balak pa nga atang reypin ako. Napaka manyak niya talaga!

"Ay grabe ang dumi ng utak mo. Saka asa ka naman na ra-raypin kita sa gwapo kong to" sabi niya

Ah ganon? Parang sinabi niya narin na walang papatol sakin ganon? Aba loko to ah!

"Aray! Aray! Tama na!" sabi niya habang iwas ng iwas sa paghampas ko sa kanya

"Manahimik ka! Parang sinabi mo narin na walang papatol sakin!" sabi ko sabay hampas sa kanya

"Parang ganun na nga este hindi noh! Gentleman kaya ako kaya hindi ko gagawin yun"

"Wow ah! Di halata" sabi ko

Gentleman pa siyang nalalaman dyan baka gentledog pwede pa haha xD

"Grabe ka naman. Tara dalhin na nga kita sa clinic"

"Wag na okay nako noh. Saka kailangan ko pang hanapin yung magiging room ko" sabi ko

"Ah ganun ba. Sige see you later na lang saka ingat ka baka magdive ka nanaman hahaha" sabi niya sabay alis na

Aba loko yun ah. Saka anong see you later? Bahala siya sa buhay niya noh saka kailangan ko na nga pala umpisahan ang plano kong magpapansin kay Kris mylabs *O*

Sa tuwing naiisip ko talaga yung plano nayun parang gusto ko nang tumalon sa building sa sobrang kilig pero syempre di ko gagawin yun noh! Ano ako baliw para gawin yun pero sa isip baka pwede pa hihi :">

Saka you know baka malungkot si Kris mylabs pag nangyari yun hahaha!

Omo! Im so kilig to the bones talaga nyahahahaha!

Ay di pala bagay sakin mag alien language mukha ako ewan haha mas bagay yun dun sa tatlong mean girls kasi mukha na silang mga alien haha pero secret lang natin yun ahh. Quiet lang kayo XD

Hayaan na nga basta last mo na yan Sunny ahh sagwang pakinggan eh :)))

My Crazy SadistWhere stories live. Discover now