Nasasaktan ako tuwing nakikita siyang ganito. Gaya ng sinabi ko kay Zach, Rain is like a sister to me. And seeing her like this, is a torture for me.

"I'm here Rain.. Kami ni Zach, si Tito Mark at Tita Louisa, si Mama at Papa.. We are your family.. Hindi ka namin iiwan.."

Ngumiti siya.

"Thank you..."

(Rain)

Pagkahatid sa akin ni Melody ay agad na akong umakyat sa kwarto ko at humiga. Sobrang pagod na pagod ako. Feeling ko nga ilang araw akong hindi natulog pero sa totoo lang isang gabi lang naman...

Napapikit ako hanggang sa tuluyan na akong makatulog...

--After 5 hours—

Naalimpungatan ako ng marinig kong tumutunog ang cellphone ko. Agad ko yung sinagot.

"Rain Garcia, speaking..."

Then bigla akong napatayo. How did he get my number?!

"Eric! Paano mo nakuha ang number ko?"

Narinig kong tumawa siya mula sa kabilang linya.

-Nakalimutan mo na ba? Ibinigay mo kaya sa akin. Para naman ma-contact kita.-

Talaga? Ibinigay ko ba?

"Sigurado ka? Bakit wala naman akong maalalang ibinigay ko sayo?"

Tanong ko ulit. Hindi kaya stalker ko to? Hindi naman siguro, wala naman magkakagusto sa akin.

-Sigurado ako. Anyway, may ginagawa ka ba?-

Kumunot ang noo ko. Bakit naman niya tinatanong?

"Wala naman. Bakit?"

Teka, wala nga ba?

-Good. Kain tayo ng ice cream, libre kita.-

Biglang nagningning ang mga mata ko. Ice cream! Wala pagdadalawang isip akong pumayag. Libre na noh, tatanggi pa ba ako? Siyempre hindi!

"Sige! Saan ba tayo magkikita?"

---

"Ano bang naisipan mo at gusto mo akong ilibre ng ice cream?"

Tanong ko kay Eric. Kanina pa kasi ako nag-iisip pero wala naman akong maisip kung anong dahilan niya. At dito pa niya ako nilibre sa isang mamahaling ice cream shop. Hindi naman sa nagrereklamo ako, masarap ang ice cream dito pero hindi ko naman alam ang dahilan niya kung bakit niya ako nilibre.

"Gusto ko lang."

Tipid niyang sagot. Tinitigan ko siyang maigi. There is something with this guy. I know it and I feel it.

"Do you know a person named Melodia Kim?"

Tanong ko sa kanya. Gusto ko lang malaman kung totoo ang sinasabi ni Melody na ka-batchmate namin ang lalaking ito. Pinagmamasdan ko ang reaksyon ng mukha niya.

"Ahm. Yeah. She's the famous celloist, right?"

He's holding back. Alam ko kung may tinatago ang isang tao. And Eric is keeping something.

"Yeah. But do you know that she knows you."

Nakita kong bigla siyang natigilan. Napangiti ako.

"Naikwento kasi kita sa kanya and then she told me na batchmates tayo. And she also told me na kilala mo ako. But honestly, I don't really know you. And it makes me wonder kung bakit ka lumalapit sa akin."

Saglit akong natigilan. And it clicked. Hindi kaya..

"Kung ako sayo, wag mo ng ituloy ang pinaplano mo. Dahil hindi ka magtatagumpay."

Seryoso kong sabi sa kanya. Bigla din siyang sumeryoso.

"Bakit ano bang magagawa mo?"

(Max)

Alas-diyes na ako nakauwi. Patay lahat ng ilaw sa bahay. Wala kaya si Rain ulit? Hmm. Sana. Pagbaba ko ng kotse napansin kong may tao dun sa may garden. Sumilip ako dun at nakita ko si Rain. Nakaupo siya sa damuhan at yakap-yakap yung dalawa niyang binti habang nakayuko siya.

Kung ako pa sana dati, baka nilapitan ko na siya at niyakap pero iba na ako ngayon. Kung ano man ang nararamdaman niya, bagay lang sa kanya yun.

Her pain is my gain.

Kailangan mawala siya sa buhay ko bago pa bumalik si Carisse. Gusto ko pagbalik niya everything is perfect. Walang gugulo, walang kokontra.

Pero lahat na ata nagawa ko matindi pa rin ang kapit ni Rain. Ayaw niya akong tigilan kahit pauli-ulit ko na siyang sinasaktan at pauli-ulit kong ipnamumukha sa kanya na kahit kailan hindi ko siya mamahalin.

Napalingon siya sa direksyon ko at nakita kong nagulat siya kaya dali-dali siyang tumayo at lumapit sa akin ng nakangiti. At naiirita ako.

"Hi Max! Buti naman at maaga kang nakauwi ngayon. Kumain ka na ba? Nagluto kasi ako. Halika ipaghahain na kita."

Hinawakan niya ako sa braso pero bigla ko iyong tinabing. Napaatras siya ng konti at tumingin sa akin.

"Max.."

Galit akong tumingin sa kanya.

"Wag mo nga akong hawakan. Nandidiri ako sayo. At pwede ba wag mo na akong ipagluto dahil hindi ko rin naman kakainin ang mga niluto mo at baka kung ano pa ang mangyari sa akin. Nagsasayang ka lang ng oras at pati na rin ng pera, hindi naman ikaw ang nagbabayad ng mga gastusin dito."

Napayuko siya.

"Sorry."

Napaismid ako. Lagi na lang sorry ang naririnig ko sa kanya.

"Wala ka talagang kwenta. Bakit ba hindi ka na lang mawala sa buhay ko?"

I didn't regret ng sabihin ko ang mga salitang iyon. Dahil pagdating sa kanya wala na akong awa. Hindi siya kumibo kaya pumasok na ako sa loob at iniwan siya.

Napadaan ako sa kusina at nakita ko ang mga hinanda niyang pagkain. Pero hindi ko pinansin. Umakyat na ako sa kwarto ko. Umupo akosa kama at kinuha ang litrato ni Carisse. Pinagmasdan ko lang ang mukha niya hanggang sa makatulog ako.

Kaya lang maya-maya pa biglang kumidlat at nagising ako.

"It's raining.."

Sumilip ako sa labas at nakita kong nakatayo doon si Rain. Kung ano yung iniwan kong pwesto sa kanya kanina, ganun pa din siya.

"Nagpapakamatay na siguro. Bahala siya sa buhay niya."

Nagbihis lang ako at natulog na ulit.

(RAIN)

I'm doing everything para lang bumuti ang pakikitungo niya sa akin. Pero wala pa ring epekto. Sanay naman ako na lagi niya akong ginaganito pero tuwing ginagawa niya iyon. Nasasaktan pa rin ako.

Naramdaman kong may pumapatak na tubig. Hanggang sa dumami na at umuulan na pala. Pero hindi ako umalis sa pwesto ko.

Nakakatuwang isipin sumasabay ang panahon sa nararamdaman ko. Malungkot din ang langit kagaya ko. Pero ang kaibahan lang, pagkatapos ng ulan nagiging maayos din ang lahat samantalang ako, habang buhay ng malungkot.

Umaasa ako na lalabas si Max at bibigyan ako ng payong. O di kaya sisigaw siya para papasukin ako at baka magkasakit ako. Pero kahit yata bumagyo at magkaroon ng buhawi wala siyang pakielam sa akin. Hindi kagaya dati, hindi niya ako pinapabayaan. At sana mangyari ulit iyon.

Sana maging okay na kami. Kahit hanggang magkaibigan lang kami basta ayos lang kaming dalawa. Iyon lang naman ang hiling ko.

A Sad Rain (Completed)Where stories live. Discover now