"Ikaw nga may boyfriend ka na." Narinig kong sabi sakin nung isang student na nasa likod ko kaya napatingin ako sa kanya.

Wait kilala ko to eh.

"Ako yung girlfriend ni Joseph." Pagpapaalala niya sakin. Ah oo. Yung bitch haha

"Eh ano naman kung may boyfriend na ko? Kaya kong imaintain yung grades ko." Pagtataray ko sa kanya.

"Eh malay mo kaya din nilang imaintain yung grades nila?" Sagot niya sakin.

"Ganito na lang, pakihanap na lang yung pake ko." Sabi ko at umalis na sa harap niya. Sumunod naman sila sakin.

**
Nakarating na naman kami sa may Cashier at nakaenroll na si Kris.

"Salamat." Sabi ni Kris at pumunta na kami sacafeteria.

Um-order na lang ako ng milshake kasi kakakain ko lang. Medyo busog pa ko. Kailangan ko ng magdiet.

"April, pano kapag sinabi ko sayong mamamatay na ko?" Tanong sakin ni Edward.

"Edi mamatay ka." Sabi ko sa kanya.

"HAHAHAHAHAHAHA." Tawa nila kaya pinagtitinginan na kami ng mga tao.

"Uy April." Sabi sakin ni Joseph at saka umupo sa tabi ko. Si Agatha naman umupo sa tabi ni Kris.

"Fishyyyyy." Sabi ni Aira, Abby, Kysler, Zack habang nakatingin kay Agatha kaya napatawa ako. Akala ko ako lang nag-iisip nun.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Wala lang namiss lang kita." Sabi niya sabay yakap sakin.

"Woah woah woah woah!" Sigaw ni Edward habang tinatanggal yung yakap sakin ni Joseph.

"Problema mo, Pre?" Tanong ni Joseph kay Edward.

"Wag mong mayakap yakap girlfriend ko." Seryosong sabi ni Edward kay Joseph tapos nakipag palit siya ng pwesto sakin.

"Pre, kaibigan ko si April, bat mo ko pinagbabawalan? Girlfriend ko nga hindi nagagalit eh." Sabi ni Joseph.

"Okay lang naman kasi sa girlfriend mong mangyakap ka ng iba basta siya din may niyayakap eh." Sabat naman ni Aira tas tumingin kami kay Agatha. Na nakapulupot na yung kamay kay Kris. Tas si Kris naman simangot na sinamangot na.

"Uhm .. ano, siya yung naglagay dun nun, h-hindi ako babe, maniwala ka." Pagpapalusot ni Agatha pero nagwalk out na si Joseph.

"Sorry." Sabi ni Joseph kay Edward bago siya tuluyang makaalis.

"Ang landi talaga nung higad na yun." Bulong ni Aira.

"Lagi na lang nga nakakalimutan ni April kung sino yun eh." Natatawang sabi ni Zack.

"Di ko kasi tinatandaan mga mukha ng pangit." Sabi ko at ininom na yung milkshake ko.

"Pre, ano nga pala kinuha mong course?" Tanong ni Zack kay Kris.

"Pornography pre." Sabi ni Kris kaya naman nagtawanan kami.

"Siraulo." Sabi sa kanya ni Zack.

"Sali ka sa gang, gusto mo?" Tanong naman sa kanya ni Edward. Tumango lang naman si Kris.

Nagkwentuhan pa kami at maya-maya nag bell na.

Pumunta na kami sa room namin at ganun pa din. Nakinig sa teacher at umuwi na.

Hinatid na ko pauwi ni Edward pero bago ako makapasok sa loob ng bahay may sinabi siya sakin.

"Bukas, ipapakilala kita kila mama." Nakangiting sabi sakin ni Edward at pakiramdam ko naman naubusan ako ng dugo sa katawan ko.

The Gangster's Princess (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum