"Pero hindi pa rin mapupunta sa inyo?" Umiling lang siya sa tanong ko. "Bakit ganon? Ang unfair ata. Nagbabayad kayo pero di mapupunta sa inyo?"

"Ganon talaga! Tama na nga tong usapan na to. Masyado ka ng maraming nalalaman tungkol sakin. Tara na! Manguha na tayo ng prutas."

Tumayo na siya kaya napilitan na din akong tumayo. 

Nakita kong nagsisimula ng umakyat sa puno si Bryle. 

"Anong gagawin mo?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ba obvious?"

"Eh bakit ka aakyat? Baka mahulog ka!!" 

"Malabo! Diyan ka lang. Magpulot ka ng mga mangga tapus pulutin mo lahat ng babagsak ilagay mo diyan sa isang tabi."

Tiningala ko siya dahil medyo mataas na din ang naaakyat niya. 

"Ha? Ah! Okay! Sige, mag iingat ka Bryle ha? Baka mahulog ka, masasaktan ka! Dahan dahan lang!"

Niyuko ako ni Bryle at nag smirk siya sakin. At nang ma-realize ko kung anung sinabi ko, napayuko din ako at napaatras. 

"Feeling worried girlfriend lang! Nakakahiya ka Zeria!" Bulong ko sa sarili ko.

"Umatras ka! Baka mabagsakan ka sa ulo!" Sigaw sakin ni Bryle mula itaas ng puno. Agad ko namang sinunod dahil pa rin sa kahihiyan. At nung di siya nakatingin. Kinuhanan ko siya ng picture.

Nagsimula ng magbagsakan yung mga mangga at pinupulot ko yun ng nakatakip ang ulo ko. Nilalagay ko yun sa tabi ng putol na puno. 

Walang humpay naman ang pagbagsak ng mga mangga. Kaya takbo lang ako ng takbo para makuha yun. At ang lagkit na ng kamay ko dahil sa dakta. 

Marami rami na din akong napupulot na mangga at hinihingal na ko. Humihinto naman si Bryle pag marami ng nagbabagsakan. Siguro para makuha yung mga mangga. Nang naigilid ko na lahat nagsimula ulit siyang manungkit.

Pagod na nga ako kakapulot at hinga na hingal na ko. Pero madami pa kong di napupulot.

"Teka!! Time first! Time first!! Papatayin mo ba ko?!!" Muntik na kasi akong mabagsakan ng mangga. Nagpupulot pa ko at biglang nabagsak nanaman siya ng mga mangga.

Huminto siya sa panunungkit ng mga mangga. "Sorry!! Hindi kita nakita!"

Inirapan ko lang siya. At nagsimula nanaman akong magpulot. Maya maya nagsimula nanaman ding magbagsakan ang mangga.

Nagpunta ako sa duyan at nahiga. "Pagod na koooo!!!!" Sinigawan ko siya para naman tumigil siya. 

"Pagod ka na agad nun?"

"Aba!! Hoyyyyy!! Mahigit isang oras na ko pa-roon at pa-rito sa pagpulot ng mangga!!" 

"Eh ako mahigit isang oras na kong nakatingala dito at nanunugkit ng mangga. Bakit di mo i-try?!"

Napaisip ako sa sinabi niya at tiningala ko siya. Tumayo ako sa pagkakahiga ko sa duyan at lumapit ako dun sa hagdanan na nakasandal sa puno ng mangga. 

Dahan dahan akong umakyat dun.

"Anong ginagawa mo?" Tanong niya sakin.

"Hindi ba obvious?" Ginaya ko ang sinabi niya kanina sakin. Hinawakan niya ko sa braso nung nasa itaas na ko. Buti malaki tong puno ng mangga. At kasya kaming dalawa.

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon