Fan1-FacebookHearthrob

16.6K 376 57
                                    

Nicky's Pov

"Marssssss!!!! " Sigaw ni Ralph habang papasok ako ng Room namin

nakakainis tong baklang to sinabing wag akong tawaging 'mars'pag maraming tao eh

"RUDOLFO! Diba sabi ko sayo wag akong tatawaging 'mars' pag maraming tao ,pag tayong dalawa lang pwede mo akong tawagin dun"Sabi ko sa kanya habang papunta sa upuan ko na katabi nya,yah seatmate kami nito ,At diniin ko talaga ang pangalan nyang pagka-baho baho Bwahahaha

"Ang sama mo talaga ,Pasalamat ka maganda yang pangalan mo ,hmp!!"inis naman nyang sagot

"Ang kulit mo kasi eh !"sabi ko naman sa kanya

"Anong oras na ba ?,bat wala pa si Mam Rose?" tanong nya sakin ,si Mam rose ang adviser namin,maganda, mabait,single basta Model teacher sya

"12:20 palang Ralph ,wag masyadong atat"sabi ko naman sa kanya,12:30 ang simula ng klase namin kaya may 10 mins pa

Habang wala pa ay binuksan ko ang cellphone ko para magbasa, pero bago ko pa mapindot ang icon ng wattpad ay nagsalita si Ralph

"Beks antindi mo din eh noh ,2 years na yang wallpaper mo dyan sa cellphone mo ako nga nung una naga-gwapuhan sa kanya pero nagsawa na rin ako ,marami pang lalaki dyan yung abot kamay mo na,yung hindi lang hanggang pantasya,wala kang balak palitan yang mukha ni Russell dyan?"Tanong naman nya sa akun ,Oo 2 years ko ng ini-istalk si Russell at noong una crush din sya ni ralph ,pero sabi nya nagsawa na daw sya ,Ewan ko ba, basta ako hindi-hindi magsasawa sa mukha nya mukha kaya syang anghel

"Wala kang pake"walang gana kong sagot sa kanya ,at pinindot ko na ang wattpad at nagbasa ng kung anek-anek hanggang sa matapos ang 10 minutes at dumating na din si mam rose

"Nagawa nyo ba ang assignment nyo class"tanong ni mam

"Opo" Chorus naman sabi namin

"Okay ,anu-ano nga ba ang dahilan ni Francisco Balagtas kung bakit nya isinulat ang 'Florante at Laura" at bakit ito natawag na isang obra maestra at kanino nya ito inaalay?"Panimula naman ni Mam ,hmmmm interesting talaga ang topic kaya ginaganahan ako eh ,tsaka magaling din magturo si Mam ,Oo nga pala ako ang 1st Honor ng section 1,kasi nga gusto ko maging proud si mama at papa sa akin kahit sa ganitong paraan man lang kaya ayun sinisipag ako

After 3 subjects ay break na at nandito kami ngayon sa quadrangle at kumakain ng binili namin kanina

"Mars may itatanong ako sayo"

Biglang nagsalita si ralph habang kumakain kami at tinignan ko sya ng seryoso para kasing seryoso sya, ah ewan!!

"Ano yun Ma--"di ko na naituloy ang sasabihin ko dahil biglang may nasalita

"Hello labs, flowers and chocolates for you"Hay eto nanaman sya, si Justin 2 years na syang nangungulit sakin liligawan DAW nya ,pero di ko na lang pinapansin, di ko talaga siya type,Gwapo naman sya ,may ipagmamalaki din sa katawan ,pero di talaga havey sa akin eh ,Marami din nanliligaw sa akin pero madalas sumusuko na lang kasi alam nilang di ko sila sasagutin

"Thanks"at kinuha ko ang flowers at chocolates ,masamang tinatangihan ang grasya -_-

"Kelan mo ba ako sasagutin?"sabi naman nya halos araw-araw nyang tanong sa akin yan pero tuwing tinatanong nya yan palagi lang akong nagkikibit balikat

"Pag naging kamukha mo si Russell my loves"ayan na lang sinagot ko para matauhan sya at tigilan na lang ako at para maintindihan nya na wala syang pag-asa sakin

"Yang Russell na lang ba yan ang gusto mo,sana naman mapansin mo yung taong nag-eexist ,yung hindi hanggang pangarap lang,Sana naman magising ka sa katotohanan ,sana mapansin mo naman ako Nicky!!" Sabi nya na medyo malakas ,pero di ako natakot ,tss

FanGay (boyxboy) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon