"Pinsan nila Draco, Atasha Jin Dela Fuente.."
"Luther alam mo ba kung nasaan si Simon?" pilit na sumusunod sa akin si Sasha. Naiirita pa ako dahil puro Simon ang lumalabas sa bibig niya.
"Hoy! Eto naman! Parang hindi tayo friends." hila niya sa t-shirt ko. She's really coming into my nerves. "Hindi ako hanapan ng nawawalang tao,"
Ngumuso si Sasha. Umiwas ako ng tingin. Tangina! Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?
"Eh? Bestfriend ka kaya niya," patuloy ang pagnguso ni Sasha. For a sec. Natulala ako sa harap niya. What the fuck is wrong with me?
"Bestfriend. Hindi ako nanay." sagot ko ng makabawi ako. Since then, kapag wala si Simon ay hindi ako masyadong nagpapapasok. Ako kasi ng ako ang kinukulit ni Sasha.. At sa hindi ko alam na dahilan. Naiirita ako sa kanya. Pero, gusto ko din na kinukulit niya ako! Haist!
We're at our fourth year ng umalis si Simon sa madramang pagmamahal niya kay Maggie. Hindi ko alam kung lilipat ba ako ng school o ititigil ko na mag-aral.
Pilit kong iniwasan si Sasha pero pilit din kaming pinaglapit ng tadhana.
"I will cut all of your accounts." bungad ni papa ng umuwi siya sa Pinas. Seryoso? Hindi manlang ako kamustahin kung okay ba ako?
Since my mom died. Para akong patay na kailangan lang mabuhay araw araw. Kaya nga puro pagwawaldas ang ginagawa ko. Sugal, alak, party, babae at kung ano ano pa.
Ang mga kaibigan ko ang nagsilbing pamilya ko. Sa labas ko nahahanap yung comfort at happiness na kulang sa buhay ko.
"Why?" tanong ko.
"You're what? Matanda kana Luther, you need to grow up! Puro pagwawaldas ang ginagawa mo." sagot ni papa. Syempre sa ginagawa ko lang ako sumasaya at sa labas ko nararamdaman ang pamilya.
"I need to see that you're a grown man.. Stick with a serious relationship.. Hindi yung kung sino sino ang pinapatulan mo."
Stick to a serious relationship? Hell no! Ano mapapala ko pag nagseryoso ako? I-Im just scared to end up alone again. Pagod na akong mag-isa. Pagod na akong baliwalain at iwanan.
"Bakit kailangan?" iritado kong tanong.
"Kasi dapat." tumalikod si papa habang naiwan akong naiirita. Bumalik siya ng tingin sa akin. "By the way, Tinanggal ko ang mamanahin mo.." walang emotion sagot niya na ikininalaglag ng panga ko.
"Be my Queen." nakatingin sa akin si Sasha na laglag ang panga. Pumikit ako ng mariin coz I'm scared that she'll decline me.
"Bakit ako?" halos manginginig ang boses niya. She slightly blush kaya kumunot ang noo ko. Bakit siya? I don't really know... Coz she's the closest to me? Hindi ko din alam..
"okay, you will never date anyone hanggang matapos ang deal naten. You can do whatever you want but you can't date anyone. You'll pause from whoring around.. The poker, the night life and all of your caprices." she demands.
Ang dami naman! Is she what? Bakit niya ako pinipigilan sa mga gawain ko? Ang sabi ko magpanggap kami-- hindi ko sinabi na kami na. Though, who am I para mag inarte? She's very willing to help me. Aarte pa ba ako?
But of course, just like her.. May rule din ako.
"I'll do whatever you want. I'm warning you, I'm still into my one and only rule.. Everything that will happen to us is just for show.. No strings, Sasha.." sagot ko.
Bahagyang natigilan si Sasha at ngumiti ng mapait. What's with her? What's with her smile? Bakit parang nasaktan ako?
"Luther-- are you crazy?" binaling ko ang sasakyan sa isang eskinita.
YOU ARE READING
No Strings (Strings Series 1)
General Fiction(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..
Epilogue
Start from the beginning
