"What?" tanong ko. Hindi ko siya maintindihan. " Mahal mo naman si mama diba?" tanong ko.
Tumungo si papa. "Sobra." sagot niya.
Then why did she commit suicide?
"Then--" hindi na ako pinatapos ni papa.
"She's inlove with someone else.."
Habang lumalaki ako pinaniwalaan ko na nagpakamatay si mama dahil sa pagmamahal niya sa iba. She cheated on papa.
For some reasons, lumala ang gap sa pagitan namin ni papa. Umuwi ako sa Pilipinas at iniwan siya sa US.
Even then, hindi na ako naniwala sa love. I know it's corny but I promised myself that I will never ever fall for someone else. Bumuo ako ng linya at rule sa sarili ko. It's just the fun-- strictly no strings.
"Luther may sumusunod sa atin.." Kabadong kabado si Sasha. Tumingin ako sa side mirror at doon ko nakumpirma na may sumusunod nga sa amin. That fast? Fuck!
Hindi ako sumagot. Ayokong dugtungan ang kaba ni Sasha. And besides, ayokong makita niya na kinakabahan ako. I will fight no matter what. Nung sinukuan nga ako ni Sasha noon I'm pretty damn willing to fight for her. Ngaun pa kayang kasama ko siya sa tabi ko.
Tinapakan ko ang gas para mas bumilis ang takbo namin.
"Luther--OMG!" napakapit si Sahaa sa dash board.
"Don't worry, racer ako diba?" sagot ko. Papasok pa kami masikip na daan kaya bahagya akong nataranta. The men of lolo were behind us. Almost.
Ngumisi ako ng makakita ako ng u-turn walang preno at ligoy ligoy na nag u-turn ako.
"Nag-counter flow ka!!" nakapikit si Sasha. Bahagya akong natawa sa itsura niyang takot na takot.
Don't worry Sasha.. Kahit ang impyerno dadaanan ko magkasama lang tayo.
"Sumuko na kaya tayo?" salita ni Sasha. Bahagya akong nairita at lalong binilisan ang takbo. Not now baby.. Hindi na ngaun-- hindi kahit kailan.
"Do you have any plans? Jesus, Luther! ayoko pang mamatay.. Kailangan pa tayo ni Bree."
Bakit ba wala siyang tiwala sa akin? Of course I won't let anything happened to us. "I'm not dumb." I answered her bit annoyed.
Sumalubong sa akin si Simon ng paglapag ng eroplano ko sa airport. I'm pretty damn tired sa haba ng byahe.
"Girls or booze?" he smiled devishly at me. Umiling ako na kinahalakhak niya.
"Weak," pang aalaska niya. Umiling ulit ako at ngumisi. Seriously? I tasted every girls I want. Si Simon? Loyal kasi yan sa love of his life na si Maggie. Virgin pa yata tong gago na'to.
Lumipas ang taon na hindi kami nagkikita ni papa. Third year na ako ngaun sa LSU kasabay si Simon.
Mas madalas ko pa ngang nakakausap si uncle John kaysa kay papa.
Tamad akong nakaupo sa room katabi si Simon. Really? Lately, ang boring na ng buhay ko. Naulol na kasi si Simon kay Maggie kaya hindi na kami nakakagimik.
"Simon," bumungad si Draco sa pinto ng room. Tamad na tumingin si Simon sa kanya. And then---" OMG! Classmate ko si Simon!" a girl suddenly shouted. Nabuhay yata ang dugo ko sa sobrang ingay niya. Pati ang mga tao sa paligid ay napatingin sa kanya. Wait up? Parang kilala ko siya na hindi ko malaman.
Umiling ako.. Sa dami ng babae na naikama ko.. Lahat sila kilala ko. Bakit may parte sa sarili ko na nagsasabi na kilala ko siya?
Iritableng bumuntong hininga si Simon."Who is she?" bulong ko. Tumabi pa yung babae kay Simon habang kinakausap si Draco.
YOU ARE READING
No Strings (Strings Series 1)
General Fiction(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..
Epilogue
Start from the beginning
