"Kuya, naiinis ako sa kanya pero sa pagkakataong ito hindi ko maramdaman ang inis na iyon. Naaawa ako sa kanya." 

"It's simply because pareho kayo. You keep on fighting for the person who can't love you back."

"Tama ka. Ganyan pala ako katanga. Hindi mo maaamin sa sarili mo ang katangahang iyon kung hindi mo nakikita sa taong hindi mo akalaing makakaranas nito." 

"She needs us. Hindi madali ang pinagdadaanan niya."

"Mahirap naman talaga Kuya. Masakit pa. Kakalimutan mo kung sino ka para lang maipaglaban ang nararamdaman mo." 

"Hindi ko kayo maintindihan." 

"Maintindihan mo din kapag nagmahal ka." 

"Kung ganyan kasakit ang magmahal huwag na lang." 

"Then you're gonna miss the chance of being happy." 

"Sis let's go home." -- Yumi

Pero hindi niya kami pinansin bagkus sinabi niya sa amin na kung mahal namin siya ay hayaan na lang namin muna siya sa knayang ginagawa, 

She started singing.

Yung kantang iyon.

Parang sinadyang gawin para sa kanya. 

Masokista talaga.  Gusto pa din niyang manatiling kaibigan si Harry sa kabila ng lahat. 

"Stop this Zoe."

Pero nagpatuloy lang siya sa pagkanta habang tumutulo ang luha niya. 

Nakita kong nakatingin sa kanya si Harry sa isang tabi. 

Gusto ko siyang suntukin dahil sa pananakit niya sa kapatid ko na wala naman ginawang masama sa kanya pero patuloy niyang sinasaktan. 

Patuloy na pinahihirapan. 

Patuloy na pinaaasa sa isang bagay na alam kong hindi na niya kayang ibigay ng buo sa kapatid ko. 

Kaibigan ko siya pero hindi ibig sabihin nun ay kukunsitihin ko siya sa mga bagay na ikasasakit ng taong importante sa akin. 

Ni hindi ko alam ang dahilan bakit siya nakipaghiwalay sa kapatid ko. 

Wala naman siyang konkretong dahilan para gawin iyon. 

I remember that certain day na nasa peligro ang buhay ni Zoe.

That 0.1% Hope (Completed)Where stories live. Discover now