Isa isa silang pumosisyon.

Bago pa matapos ang ginagawa nila ay nagring ang cellphone ko. Binalewala ko ito nung una.

"Focus, Sasha.." husky na boses ni Luther.

Patuloy pa din ang ring ng cellphone ko kaya nawawala ako sa momentum.

"Sandali lang," bumitaw ako ng hawak sa kanya para sagutin ang phone ko.

"Hello?" sagot ko.

"Sasha, where are you? Aayain sana kita--" hindi na natapos ni Blake ang sasabihin niya ng biglang sumigaw si Draco.

"What the Fuck, Sasha!" isang malutong na mura ang pinakawalan ni Draco.

Mabilis akong napatingin sa kanila na ikinalaglag ng panga ko. Sabukot ang mga mukha nila habang hawak ang mga letters na may nakalagay na一WILL YOU MARRY ME?

Eh?

Nabitawan ko ang phone na hawak ko sa sobrang gulat.

"You ruined the moment, ate! Great!" sibangot na mukha ni Kristelle.

"Eh? malay ko ba?" nanghihinang sabi ko. Hinanap ng mata ko si Luther pero di ko makita.

"Duh! Mayroon bang surprise na sinasabi?" this time iritable na talaga si Kristele.

"Papatayin ko kung sino yang tumawag!" mabilis na kinuha ni Draco ang cellphone ko. Wala na akong nagawa. Natutulala ako sa gulat. Luther's proposing to me? Kaso--- kaso! Ay tanga!

"Nasaan si Luther?" nagpapanik na tanong ko.

"Umalis. Maybe.. change of mind. Petmalu mo kasi!Lodi na kita." natatawang sabi ni Darton.

Ano daw?

Mabilis akong tumalikod para sundan si Luther. What the fuck happened? Mag-popropose si Luther pero... Haysss! Gusto kong murahin si Blake sa tamang tyempo niya!

Parang hindi nagsisink in sakin ang mga nangyari. OMG! Matagal ko na itong pangarap pero ako mismo ang sumira!

"Luther!" I shouted when I saw him na malapit na sa lift. Pumindot siya ng down button at marahan na humarap sa akin..

"A-ano kasi.."kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Fuck? Ano sasabihin ko? Na bakit hindi mo sinabi na magpopropose ka? Shit!

Iritable ang mga mata niyang tumingin sa akin.

"Ano?" dama ko ang inis sa boses niya. Nagkatitigan kaming dalawa. Bahagyang lumambot ang mga mata niya hanggang huminga siya ng malalim at umiling.

"Sorry," halos mapudpod na ang labi ko sa sobrang pagkagat ko. Huminga ulit ng malalim si Luther at may kung anong dinukot sa bulsa.

Isang pulang box na maliit na nagpakalabog ng puso ko. Bumukas ang lift at humakbang papasok si Luther.

"Sapo," salita niya sabay hagis sa akin nung box. Nataranta akong sinapo yung box na maliit.

"Ano 'to?" sigaw ko dahil pasara na yung lift. Ngumisi si Luther.

"Marry me.." tsaka biglang sumara yung lift. Nalaglag ang panga ko. Ganon??? Uuuggghhhh! To the highest power ang inis ko sa kanya! Tama bang ibato sa akin ang singsing at ayain akong magpakasal?

Sa galit ko ay pumasok ako sa kabilang lift para mahabol siya. Halos bumuga ako ng apoy sa inis. Kung kanina ay kinakabahan ako ay nangigil na ako ngaun!

Alamat ka talaga Luther!

Paglabas ko ng lift ay sa basement ako dumiretso. Nandon na din sila Simon at silang lahat na hindi ko malaman kung bakit, at paano.

Nakahalukipkip silang lahat pero ala na akong pakialam.

"Luther!" sigaw ko.

Sumandal siya sa sasakyan niya habang blangko nakatingin sa akin.

"May nalalaman kapang you deserve my queen. Tapos ibabato mo sa akin yung box nang singsing?" galit na salita ko.

Nadinig ko pa ang pagtawa nila Kristele pero hindi ko na ininda.

"You deserved that! I was going to proposed to you.. Pero inuna mo pa yung kutong lupa na Blake mo?" naiiling na salita niya. .

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "I told you to focus. Pero talagang inuna mo pa yon lalaki na yon?" nag igting ang panga niya wala akong makapang salita. Hindi na ako nakaimik dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko.

Huminga si Luther ng malalim at naglalakad papunta sa kinatatayuan ko. "Fuck it! I still badly want to do it, so--"

May dinukot siya sa bulsa niya at unti unting lumuhod ang isang tuhod sa harap ko. "I told you that I will come back to you on bended knee-- I want us to be real.. You, me and Bree."

Tumitili na si Maggie at Kristele. "Epic!" sigaw nila.

"Will you marry me, Sasha?" isang isang tumulo ang luha ko at tumango ng sunod sunod sa kanya.

Isinuot ni Luther ang singsing sa daliri ko. Tumayo siya at mabilis akong hinalikan sa labi  kahit panay ang pag-iyak ko.

"I love you.." yumakap ako ng mahigpit sa kanya. "I love you, too.." sagot ko.

Pekeng umubo si Simon na lumapit sa amin. "Congrats, dude." sabay lahad niya ng susi ng sasakyan. Kumunot ang noo ko. Para saan?

"So-- you're finally engaged.."  biglang lumabas si Draco at Darton.

"OMG! Sorry to cut the moment but," but what? Hindi natuloy ni Kristele ang sasabihin niya.

Huminga ng malalim si Darton. "Nalaman ni lolo ang nangyari.. He's so furious. All of his men were scattered to hunt both of you down."

Ang kaninang saya ko ay napalitan ng matinding takot. Hinila ni Luther ang kamay ko. Tinapik ni Simon ang balikat niya.

"Ingat kayo ate," yumakap si Kristele sa akin. Yumakap din si Maggie sa akin.

"Go!" sabay sabay na salita nila. Hinila ako ni Luther papunta sa hindi kilalang sasakyan.

"Ano gagawin natin?" kabadong tanong ko.

Nagkibit balikat si Luther na para bang laro lang ang lahat sa kanya.. "We run."

-------------------------------------------------------------






No Strings (Strings Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon