Pinark ko ang sasakyan ko sa basement at mabilis na sumakay sa lift. Halos araw araw ay sumasakay ako sa lift pero ngaun lang ako parang nasasakal sa sobrang kaba.
Nang makarating ako sa dulong floor ay mabilis kong hinanap ang hagdan patungo sa penthouse. Bakit kasi hindi konektado ang lift hanggang tuktok? Kakapagod ah.. At sa yaman ni Simon.. Bakit naman dito niya naisipan magparty? Gusto kong sampal sampalin ang sarili ko sa mga naiisip ko. Ano ba pakialam ko kung dito niya gusto?
Nang malapit na ako sa dulo ng hagdan ay natigilan ako. Bakit ang dilim dilim? Ginagago ba ako ni Luther? Bakit walang tao? Ugh.
Still, dumiretso ako ng lakad. Napanganga ako sa dilim sa tuktok. Hindi lang dahil walang tao kundi dahil sa ganda ng mga ilaw sa city lights. The view is refreshing. Hindi ko na inalantana ang lamig sa ganda ng mga ilaw.
Humakbang ako..
Isang hakbang ang nagagawa ko ng biglang may ilaw na bumukas sa dinaanan ko.
Humakbang ulit ako...
Sunod sunod na nagbukasan ang ilaw.. Hindi ko alam kung bakit nangilid ang luha ko. Dahil sa overhelming feelings o sa ganda ng nilalakaran ko. Pulang carpet na may linya na ilaw.. Para bang bumaba at humilera ang mga bituin sa langit sa bawat
nilalakaran ko..
Isang kanta ang tumunog ng makarating ako sa gitna.. Bahagyang lumiwanag at napanganga ako ng maraming bubbles ang nagliliparan.. Napatakip ako sa bibig at tuluyan na naiyak. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Hindi ko din alam kung ano ang nangyayari pero sobra sobra ang emotion na nadadama ko.
Para akong pumasok sa isang libro na fairytale.
"Hey... Why are you crying?" alalang alala ang mukha ni Luther habang palapit sa akin. Ang lambing ng boses niya ay lalong nagpaiyak sa akin.
Umiling ako ng sunod sunod hanggang lumapit na siya sa akin at yakapin ako. Bumuhos ang luha ko hindi dahil sa kung ano. Naramdaman ko lang sa lugar na ito na para kaming nasa panaginip. Na kahit dito manlang ay hindi kami matatakot na makita na magkasama.
"A-akala ko ba may party? A-ano 'to?" nanginginig ang boses ko. Ngumiti si Luther at pinalis ang mga luha sa mukha ko.
"Sorry.. I lied," he kissed the tip of my nose. Napapikit ako sa ginawa niya. Kumalabog lang ng usto ang puso ko sa kaba na hindi ko mapaliwanag.
Nagtama ang mga mata namin ni Luther. His eyes has bloodshots.
Huminga siya ng malalim. "I want you to feel how you deserve the world.. Sa lahat ng pinagdaanan mo na hirap sa pag-ako sa lahat ng pain para sa atin-- you deserved to be my queen.."
Nagsimula na naman tumulo ang luha ko. Luther looks serious yet so nervous. Pero napanatili niyang maging makisig.
Hanggang ngaun.. Tinatanong ko kung paano niya ako minahal.. Sabi nga niya-- mas madami siyang nakasalamuha na babae na "mas" sa akin. Why me?
We fell. We loved each other. Hanggang sa nalaman namin that we're forbidden for each other. I thought susuko na siya nung pinagtabuyan ko siya at sinukuan noon.
Hanggang ngaun.. Tanong ko pa din kung bakit ako? But still, thankful ako dahil sa lahat ng babae niya noon. Binabalikbalikan niya pa din ako.
"I should have done this long time ago," Tumingala si Luther.. Tila ba isang hudyat iyon sa kung sino man.. Napatingala din ako at napanganga sa mga petals ng bulaklak na isa isang bumabagsak sa amin.
Humawak siya sa kamay ko. Napanganga ako lalo ng isa isang nag-akyatan sila Simon, Draco, Kristele, Maggie,--- at sila Camille! Yung mga college friends namin na may dalang mga letra na gawa sa ilaw. I mean- LED lights na hugis letters.
YOU ARE READING
No Strings (Strings Series 1)
General Fiction(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..
44. Run
Start from the beginning
