"Nope, just enjoy, Sasha.." sagot ulit niya. Umiling ako at uminom ng tubig. Bakit chill na chill ang mga tao sa paligid ko? At bakit ba hindi ako matahimik?
Of course, bukas na ang laban ko para kay Luther. Ang laban namin sa mga Dela Fuente. Bakit hindi niya manlang ako iniinform ng dapat naming gawin?
Ugh. Nakakatense at nakakafrustrate ang dami ng tanong sa utak ko.
"Sir," nawala lahat ng iniisip ko ng biglang dumating si manang. May kasama siyang isang babae na may karga din bata na halos kasing edad ni Bree.
"Bakit Opel?" tanong ni papa kay manang. Nahihiyang lumakad si manang sa harap namin habang nakasunod sa likod niya yung babae.
"Eto nga po pala si Leng, anak ko po," hinarap ni manang ang anak niya. "Leng, siya si ma'am Sasha at sir John."
Ngumiti ako kay Leng na tipid ngumiti pabalik. Si papa naman ay tumango.
"Ipapaalam ko lang po na baka pwede sila ng apo ko dito ng isang linggo.. Kaarawan po kasi ng apo ko bukas kaya pinuntahan nila ako." nahihiyang sabi ni manang.
"Huwag po kayong mag-alala, tutulong po ako sa gawain bahay.." sagot ni Leng.
Biglang umiyak ang batang hawak niya. Napatingin kami ni papa sa bata. Si Bree naman na karga ni papa ay tuwang tuwa na tinuturo ang bata.
"She looks like Bree.." biglang lumitaw si kuya Eros sa likod nila manang. Tumango ako at tumingin sa bata. Oo nga hawig sila ni Bree, pati sa katawan at kulay.
"Ok sige, Opel. Hindi kana iba sa amin. " sagot ni papa. Napangiti si manang pati na din ang anak niya.
" Salamat po," sagot ng mag-ina sabay pasok sa bahay.
"Akala ko may lakad ka?" biglang baling sa akin ni kuya Eros.
"Paano mo nalaman?" tanong ko. Wala naman siya dito nung nag paalam ako kay papa.
"Na- predict ko lang." ngumisi siya. Hays! Ang weweirdo talaga ng mga kasama ko.
Mag aalas sais y media na ng gabi ng matapos ako mag- make up at mga ritual sa sarili ko.
Nagtext si Luther na sa penthouse nalang kami ng condo building nila Simon magkita! The fuck lang siya!
Bakit hindi nalang niya kaya ako sunduin? Simula kasi kanina ay hindi ako nagrereply sa kanya. Hindi manlang ba siya nababahala kung pupunta ako or what?
"Aalis na ako," sinabit ko and bag ko sa balikat ko nang biglang humarang si kuya sa harap ko. Napakunot pa ang noo ko dahil sa titig niya sa akin.
"I can drive--" hindi niya tinuloy ang sasabihin niya. Huminga lang siya ng malalim.
"Ano 'yon kuya?" tanong ko ulit sa kanya.
Umiling si kuya at ngumiti sa akin.
"We're here for you, Sasha... No matter what.. Hindi mo pinapakita ang nararamdaman mo sa amin but I know na natatakot at nahihirapan kana. Be strong.. We're your allies.. Laban din namin ni papa ang laban mo." humalik si Eros sa noo ko. Hindi ko alam kung bakit tumulo ang luha ko. "Remember that, Sasha.." then, he patted my head and walk away.
I drove slowly dahil bumigat ang pakiramdam ko. Not that I don't appreciate kuya Eros.. Nabuksan lang niya yung feelings ko na pilit kong tinatago.
Fear, excitement, anger, and so many emotions filled me. Kabang kaba ako hindi dahil sa gagawin ni Luther pag takas sa kasal niya. I'm so nervous thinking what they can do to us.
Naging malakas man ako sa harap ni mommy dahil yung ang dapat. Pero hindi mawala wala sa akin ang takot--- takot kung ano ang kayang gawin nila sa amin.. Sa akin.. Kay Bree..
ESTÁS LEYENDO
No Strings (Strings Series 1)
Ficción General(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..
44. Run
Comenzar desde el principio
