Day Twelve(End): Katapusan?

81 3 0
                                    

Wala talaga akong ideya kumpano ko kakaharapin ang lolo ko.

Pero wala, wala na talagang balikan to. Gagawin ko na lang lahat ng makakaya ko.

HANDA KA NA BANG MAMATAY JOHN? *evil laugh*

Ako: Oo! Para sayo to kaya ko gagawin to lolo!

TAMA NA ANG KALOKOHAN MO!

Nagsimula syang umatake.

Bigla syang napunta sa likod ko.

Para nya kong hinahagisan ng maraming kutsilyo.

Ngunit sa halip na kutsilyo, iba't ibang conditions ng Time Eaters ang lumalabas sa mga kamay nya.

Ginawa ko lahat ng makakaya ko upang iwasan lahat ng ibinato nya. Ngunit marami pa rin ang dumaplis sa aking katawan.

Naramdaman ko ang sakit ng mga sugat na natamo ko.

ANO KAYA PA BA JOHN? WALANG SILBENG TIME DEFENDER! ANG DAPAT SAYO MAMATAY! TANGGAPIN MO PA TO!

Habang sinasabi nya yung mga bagay na yun, bigla na lang gumaan ang pakiramdam ko, tila hinihilom ang mga sugat ko.

Ang Time Power ko pala, natuwa man ako subalit alam kong hindi magtatagal ay mauubusan din ako ng enerhiya. Kaya dapat ko nang tapusin 'to agad!

Patuloy pa ang pagbato nya ng mga Time Eaters sakin.

Ginamitan ko ito ng Blink.

Blink, short distance teleportation.

Tagumpay ako sa pagsalakay sa kanya.

Napansin kong nauubusan din sya ng enerhiya at tumatagal din ng minuto bago nya mabawi ang enerhiyang ito. Kaya minadali ko ang paglapit sa kanya hanggang sa nakalapit na ko sa kanya.

Walang pagdududa kong sinaksak sa balikat nya ang bagay na binigay sakin ni Kuya Lolo.

Ako: Tapos ka na!

HAHAHAHAHAHAHAHA!

Ako: At huling paghalakhak mo na yan!

SIRA KA BA?!(kasabay nun ay inihagis nya ako palayo)

NAGPAPATAWA KA YATA BATA! ETO NA AKO KATAPUSAN MO!

Teka, anong nangyayari?! Bakit hindi gumana?! May depekto ba yung binigay sakin ni Kuya Lolo? Nako, nayari na! Hindi magtatagal mawawalan na ko ng enerhiya! Pano na to?!

Patuloy pa ang pag atake nya.

Hindi ko na masyadong maiwasan at nanghihina na ko.

Nakalapit ulit ako sa tabi nya ang isinaksak ito sa dibdib nya.

Ako: Gagana na dapat to!

HANGAL! HINDI KA BA NADALA?! TATAPUSIN KO NA TONG LABAN NA TO! NAKAKAPAGOD! WALANG KWENTA ANG KALABAN! HINDI NA DAPAT PATAGALIN TO!

Kasabay nun ay inihagis nya ulit ako palayo at humampas ang likod ko sa pader ng Time Field kung san kami naroroon.

Hindi ko alam kumbakit hindi gumagana to! Imposibleng wala syang kahinaan!

Hindi kaya sa batok ang kahinaan nya?

Oo! Sa batok siguro!

Ngunit huling pagkakataon ko na 'to, at tapos na ang buhay ko.

SUKO KA NA BA BATA?! HAHAHAHA!

At biglang nagsama sama ang mga Time Eater nya upang patamaan ako ng Choatic Beam, isang makapangyarihang abilidad ng mga Time Eater kapag nagsama sama.

Paggising ko...Where stories live. Discover now