Day Two(Continuation): Huh?

401 4 0
                                    

Oo, biglang nawala si Ate Lola. Hindi ko maintindihan, Hindi ako makapaniwala. San sya napunta?!

"Nasan na si Ate Lola?!!", napasigaw kong sabi.

KL: "Nagteleport sya papunta dun sa loob ng eroplano upang iligtas ang mga pasahero."

Nawirduhan ako lalo dahil napakaimposible nung nangyari at kung magawa man ni Ate Lola yun at paniguardong hindi nya maliligtas lahat ng pasahero. Mahirap maniwala pero naniwala na rin ako.

Tumakbo ako palabas at nakita kong bumagsak na ang eroplano, malakas na pagsabog ang aking nasilayan. Napatanong ako sa sarili ko, "Ano na'ng nangyari kay Ate Lola?, Hindi ba't nasa loob sya nung eroplano?", Ngunit napalakas ko ata yung tanong na yun at narinig ni Kuya Lolo.

Madaling tumakbo si Kuya Lolo sa labi ng eroplano. Lumuluha sya. Hindi kaya't namatay na talaga si Ate Lola dahil nasa loob nga sya nung eroplano?

Gulong gulo ako, Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari. Mahirap maniwala pero kailangang maniwala. Naitanong ko rin kumbakit hindi bumalik dito si Ate Lola upang iligtas ang sarili nya at ang sagot sakin ni Kuya Lolo ay.. "Hindi na sapat ang enerhiya nya upang makabalik pa."

Biglang may lumabas sa labi ng eroplano, nakasuot ng pampiloto. Nagpakilala syang co-pilot ng captain. Ikinwento nya ang dahilan ng insidente.

Napakaweird ng kwento nya kaya pati ako hirap ding maniwala.

"Ganito ho kasi ang nangyari, masyadong nagyabang ang kapitan, sa kagustuhan nyang magpakitang gilas, pinilit nyang mag stunts kahit alam nyang konti na lang ang natitirang gasolina namin at saktong sakto na lang ito upang makarating kami sa paroroonan namin, at oo, commercial jetplane itong eroplanong ito.("Wow, Commercial jetplane na nagiistunt ng may mga pasaherong dala, di talaga ako makapaniwala!", sa isip isip ko). Gusto ko ho sanang humingi ng paumanhin."

Ang emosyon ni Kuya Lolo ay halong galit at pighati dahil nga sa pagkawala ni Ate Lola. Ako naman ay nalulungkot at nasabing...

"Kung may maitutulong lang ako..."

Narinig ata ni Ann ang sinabi kong iyon at bigla akong kinalabit..

Ann: "Gusto mo ba talagang tulungan si Kuya Lolo?"

Ako: "Aba'y oo naman! Ngunit hindi ko nga lang alam kumpano tutulong."

Ann: "Tara't sumama ka sakin", at dali dali nyang hinablot ang kamay ko.

Ako: "Ha? Saan naman?", pataka kong tanong.

Ann: "Babalik tayo sa kanina at magteteleport din sa loob ng eroplano!!"

Hindi na ko nakapagsalita o nakaimik sa narinig ko. Ang tanging nasabi ko na lang ay..

"Ok."

Hindi ko alam kung maniniwala nga ako kay Ann. Pumikit na lang ako at makita kita kong nasa loob na ko ng bumabagsak na eroplano.

Ann: "Ayun si Ate Lola!!", bigla nyang sigaw.

AL: "Bakit kayo nandito? Baka mapahamak pa kayo!"

Ann: "Pumunta ho kami dito upang tulungan ka."

Pinuntahan ni Ann si Ate Lola at ako naman ay di malaman ang gagawin at nakita ko sa bintanang malaki na kasing laki ng balikbayan box(Oo weird talaga diba?) na malapit na kaming bumagsak sa lupa ay binagsak ko ito at tumalon palabas. Himalang nagasgasan lang ang braso't binti ko at saktong sakto lang siguro ang pagtalon ko. Ngunit nasa loob pa rin sila Ate Lola at Ann. Alalang alala ako ng biglang may lumabas na dalawang babae sa labi ng eroplano.

Nakilala ko yung isa bilang si Ate Lola, dahil syang sya talaga yun, mukhang mukha nya yun. Pero yung isa nyang kasama ang namumukhaan ko lamang. Isang bata na siguro nasa 12 taong gulang.

Pinuntahan ko sila.

Ako: "Ate Lola, ayos ka lang ba? Sino yang kasama mo?"

AL: "Ayos lang ako, Di mo ba sya nakikilala?"

Ako: "Namumukhaan ko pero di ko po mawari."

AL: "As in hindi mo talaga makilala?"

Ako: "Teka lang ho, Wag nyong sabihin..."

AL: "Tama ang inaakala mo."

Napasigaw na lang ako't natulala. Kinausap ko ang Batang Ann.

Ako: "Di mo ba ko nakikilala? Ako si John, yung kaklase mo sa III-Einstein"

b.Ann: "Pasensya na ho kayo ngunit imposible ata yung sinasabi nyo, grade 6 pa lang po ako."

At sumuko rin ako. Siguro nga pagod lang ako. Pagod lang ako sa klase. Umuwi na ko't nagpahinga. Natulog na ko ng maaga. Binaliwala ang mga nangyari at inisip na ito'y panaginip lang.

Natulog at Nanaginip.

Late na ko nagising, bumaba kagad ako upang maghanda. Ngunit ng makita ako ng nanay ko, bigla na lang syang sumigaw ng "Pa!!!!" at hindi ko alam kumbakit...

Itutuloy...

Paggising ko...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon