Day One: Ang Pagpapakilala

629 13 1
                                    

Year 2012

June 5

Hindi ko alam kung maeexcite ako o kung tatamarin ako bukas. 

Dahil bukas na ang isang panibagong taon sa aking pag-aaral. 3rd year highschool na 'ko, ano na naman kaya ang meron sa taong ito? Mga wirdong kaklase? Bagong kaibigan? Teacher na di mo malaman kung tao ba o hindi? Siguro nga nakakadiscourage mag-aral pag nalaman mong may bagong teacher na sobrang "terror" at sobrang baba magbigay ng grades. Ngunit yun ang inakala ko.

June 6

5 a.m.

Wow! Ang aga kong nagising. Ngunit lagi lang naman ako sa umpisa ganyan. Sa mga susunod na araw, siguradong lagi akong mahuhuli sa klase. Ningas kugon nga kung tawagin. Oras nang maghanda para sa iskwela...

7 a.m.

As usual, flag ceremony muna bago magklase. Kasama na rin dun ang pag-aanunsyo ng mga "school rules" para sa mga "freshmen" at "transferees". At mas syempre, NAKAKATAMAD at MAINIT. 

Tapos na ang flag ceremony, balik na sa kanya kanyang silid. At ang inaabangan na lahat ay mangyayari na. Ang "Tell something about yourself" o "Magpakilala ka" part ng klase bawat subject na dadaan. Kaya minsan ang first day, talagang magkakaumayan na kayo sa pangalan nyo kasi paulit ulit nyo nang naririnig.

Nakalimutan ko ngapalang magpakilala, heto't sakto, magpapakilala na rin ako.

Ako po si John. 15 taong gulang. Ang tanging sports na meron ako ay e-sports. Mahilig magbasa at matulog.

---BREAK---

Ayun, ang first break ng school year.

Nawiwirduhan lang ako sa isang babae kong kaklase.

Kilala ko sya, hindi ko lubos na alam ang ugali nya pero lagi ko syang nakikita kaya pwede kong iassume na ang ugali nya ay makulit, minsan madaldal at talagang madalang mo syang makikitang tahimik.

Habang nakikipagdaldalan ako sa mga tropa tungkol sa bakasyon, napansin kong nag-iisa sya at walang kasama. Kung meron man ay tahimik lang sya at nakikinig sa mga usapan. Na syempre, iaassume ko na hindi normal, kasi nga hindi talaga sya ganun.

Hindi ko mapigilang magtaka. Gusto ko sanang magtanong kaso nahihiya naman at baka sabihan pa kong pakialamero. Binaliwala ko na lang ito at nagpatuloy sa pakikipagkwentuhan.

Ayan, tapos na ang break at balik klase na ulit. Hindi ko talaga mapigilang mag-obserba, tinititigan ko lang sya at puro tango lang talaga ang ginagawa nya sa bawat sinasabi ng guro namin. At nung dumating na ang panahon para magpakilala sya.

Ako po si Ann. 15 taong gulang. Yun lang po.

Sabay tanong ng guro, "Yun lang ba ang maibabahagi mo samin?"

Ngunit umupo na lang si Ann at hindi kumibo.

Hindi na ito pinansin ng guro at nagpatuloy sa pagpapakilala ang iba pang natitirang mag-aaral.

Well, tama nga siguro talaga sila, lahat ng tao nagbabago. Hindi ko na lang pinansin ang pagbabago na kanyang ipinakikita sa lahat.

---DISMISSAL---

Ayun! Hindi pa man nakakaisang linggo at uwian na kagad ang pinakahihintay ng lahat. Syempre, hindi ko naman maitatanggi na paborito ko rin yun.

Siguro ito na yata yung pinakanakakagulat na uwian na naranasan ko sa HS life ko.

Palabas na ko ng gate ng paaralan ng biglang...

"John!! John!!", medyo mahinang sigaw ng isang babae.

Ako naman ay patakang lumingon at nagulat ako ng makita ko si Ann, mabagal akong hinahabol, para bang nanghihina.

Ako: "Ui, ikaw si Ann diba?"

Ann: "Oo. May tanong sana ako sayo."

Ako: "Ano naman yun??"

Ann: "Matanong ko lang sana kung may alam ka bang pagbibilhan ng load para sa games."

Ako: "Ay oo, suki na nga ako dun e. Bakit?"

Ann: "Samahan mo naman ako at bibili ako."

Ako: "O sige, pero pwede bang bukas na lang at pagod na ako e?"

Ann: "Okay lang. Sige, salamat"

Ako: "Sige. Ingat"

Nakakagulat man na kinausap nya ko, Pero nakakapagtaka parin at para syang may sakit na ewan. Kasi yung pagsasalita nya, parang yung dila nya, kalahati na lang.

Maganda si Ann, pero HOY, hindi love story ito. Mystery ito.

Itutuloy...

Paggising ko...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon