Siguro, ganito talaga ang nagagawa ng pagmamahal. You are willing to gamble whatever it takes for the sake of your love and happiness.

Ang ngiti ni Luther ay mabilis na nawala. Ilang segundo siyang tumahimik. "There's still the wedding but I'm not coming." he said with finality.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa gagawin niya. Their wedding might be the talk of the town. If he ditch his wedding, iingay na naman ang mga Dela Fuente. They will get furious to us.

Ang kaisipan ng galit nila ang nagpapahina sa akin para lumuban. Pero kapag nakikita ko si Luther at si Bree, sila ang nagiging dahilan ko para lumaban.

"Ano gagawin mo sa araw ng kasal mo?" tanong ko.

Nagkibit balikat siya at walang alinlangan na sumagot. "I'll run away with you."

"This is an endless run, Luther.. Kaya mo ba?" tanong ko.

He arrogantly smiled at me. "Kaya mo ba?" balik tanong niya. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Alam ko naman na medyo may doubt siya about sa akin. Minsan ko na siyang iniwan sa ere at kita ko sa mga mata niya ito ngaun.

Humawak ako sa pisngi niya to assure him that I'm willing to fight now. Ipaglalaban ko na siya na hindi ko nagawa noon.

"As long as I'm with you.. I can handle the long and endless run, Sasha. Hanggang matanggap nila--- or kahit hindi nila matanggap. Basta lumaban ka lang. I want you to choose me over everyone else, in any circumstances." seryosong seryoso si Luther kaya napatango ako sa kanya. Don't worry Luther.. I will choose you now, under any circumstances.

Tila ba nabunutan siya ng tinik at nakahinga ng maluwag.

Maybe.. It's time for him to meet Bree.

"Lets go," aya ko sa kanya. Kumunot ang noo niya dahil sa paghila na ginagawa ko sa kanya.

"Where?" takang sagot niya at unti unti nang nagpahila sa akin. I smiled at him.

"You are going to meet someone special.."

Kabadong kabado ako habang nagmamaneho si Luther na diretso lang ang tingin sa daan.

Hindi na siya nagtanong or kung ano kung sino man yung gusto kong ipakilala sa kanya. Habang nagmamaneho siya kung ano anong imahe ang nakikita ko sa pagkikita nila Bree.

For God sake, I even practicing my introduction speech.

Nakita ko na ang bukana ng village namin. Panay pa ang tunog ng cellphone ni Luther kaya nadoble ang kaba sa dibdib ko. 

Itinapat ni Luther ang sasakyan sa tapat ng bahay. His phone is still ringin kaya nababahala ako.

"Sagutin mo kaya?" biglang sabi ko.

Tahimik lang si Luther tila ba tinitimbang ang reaksyon ko. "It's Celine.." halos ibulong niya.

Huminga ako ng malalim. Bakit kahit mahal niya ako ay ako ang natatakot at kinakabahan? Even if he's with me, pakiramdam ko ay ako ang nang-aagaw?

I have no choice. Gusto ko man ipagdamot si Luther ngaun ay hindi pwede. Kung magiging selfish ako ay sisirain ko lang ang laro na pinaghirapan niya para sa amin.

I know it's bad. But sometimes, doing bad things is the only way to survive.

"It's fine, baka makahalata siya." matabang na sagot ko. Kahit alam ko ang totoo ay tinatabangan pa din ako sa sarili ko.

Huminga ulit siya ng malalim at lumabas ng sasakyan kasunod ako. Tumango ako sa kanya hanggang sagutin niya ang tawag.

"Yes.. I'll be home.. Nasa meeting lang ako." iritado si  Luther kay Celine. Kelan pa ako naging meeting? But then, he needs to act that he's still into Celine.

"I'm sorry.." lumapit sa akin si Luther matapos ang tawag. Ngumuti lang ako ng tipid at tumango sa kanya.

He looks worried though. Kailan ko ba mapaparamdam sa kanya na naiintindihan ko ang situation?

To at ease him. Hinawakan ko ang kamay niya and interwined our fingers.

Natawa si Luther. "We've never done this holding hands thing." hindi siya matigil sa pagtawa hanggang nakapasok na kami sa bahay.

OMG! Nasa bahay na kami. I know papa ang kuya will understand me. Ang hindi lang naman talaga makatanggap sa amin ay ang mga Dela Fuente. I don't care about them though. Natatakot lang ako sa capability nila. They have done worst things. At nakita ko iyon noon.

Pamilya na nasira. Mga batang naulila. Si Lolo ang pinakamalupit sa buong Dela Fuente.

He can kill and make it looks like an accident. So tell me kung paano akong hindi matatakot. For the sake of my love and family. I will fight.. No matter what..

"Sasha---" natigilan si papa ng makita si Luther. Pati si Bree na hawak niya ay tumigil sa paghagikgik.

Humigpit ang hawak ni Luther sa akin habang napauwang ang labi na nakatingin kay Bree. Parang may anghel na dumaan sa paligid. Tanging mabilis na tibok ng puso ko lang ang nadidinig ko.

"Dada!" isang malakas na sigaw ni Bree ang bumasag sa katahimikan. Parang nabato ako ng dahan dahan kinalas ni Luther ang hawak niya sa kamay ko.

Nanatili akong nakatayo. Pinanuod ko ang bawat hakabang ni Luther palapit kay Bree.

"Princess," salita niya. Ibinigay ni papa si Bree kay Luther na biglang humagikgik ng malakas. "Dada---dada-dadadada.." tuloy tuloy na salita ni Bree. Tumulo ang luha ko ng tumingin si papa sa akin at bahagyang tumango. Yumakap si Luther kay Bree at ganoon din si Bree sa kanya.

Pumikit si Luther ng mariin habang yakap si Bree na titig na titig sa kanya. "Dada!" pinindot ni Bree ang ilong ni Luther at tsaka humagikgik ng malakas.

Napangiti si Luther at hinalikan si Bree sa pisngi. "Damn, I can feel you now." namula ng bahagya ang mga mata ni Luther na hindi mawala ang titig kay Bree.

"Meet her personally, Jameson." isang salita ni papa ang nagpakunot ng noo ko. Ano daw?

May nadinig akong tumawa ng malakas sa kusina. Napatingin ako kay kuya Eros na nakahalukipkip habang naiiling.

"I wonder why Bree doesn't call me daddy even if I'm teaching her. Papa betrayed you sister. He's doing videocall with him at pinakilala niya si Bree." hindi makapaniwala si kuya.

Nalaglag ang panga ko. Bumaling ako kay papa na mabilis na nag-iwas ng tingin. Ugh! Kabadong kabado pa naman ako pero kilala na pala ni Luther si Bree.

And I thought Simon, Draco or Darton will spill it. Si papa pala!

Tuwang tuwa si Luther at Bree habang naglalaro sa sala. Pakiramdam ko ay panaginip lang lahat. Seeing Bree and Luther together playing happily? Kaya kong isugal lahat ng meron ako mapanatili lang kaming ganito.

I was about to enter the sala when papa showed up. Natigil ako sa paglabas mula sa kitchen. Napahinto si Luther sa pakikipaglaro kay Bree ng dumating si papa sa harap nila.

"Thanks uncle," isang salita ni Luther sabay yakap niya kay papa.

"It's papa, Jameson.." tinapik ni papa ang balikat ni Luther.

Nakatulog na si Bree sa balikat ni Luther. Kahit hindi kami suportado ng mga Dela Fuente ay sapat na tanggap kami nila papa. Ang makita silang magkakasama ay nagbigay sa akin ng madaming emosyon.

"I don't want to intrude but what's your plan with your shares?" naging seryoso si papa.

Nagkibit balikat si Luther at walang alinlangan sumagot. "It's for my daugther.." sagot niya.

Tumango tango si papa sa kanya at walang sinabi. Huminga siya ng malalim at kinuha si Bree mula kay Luther.

"What about, Atasha?" lalong naging seryoso si papa. Natigilan si Luther at napatingin kay Bree na mahimbing na ang tulog. Nanginig ako at lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Sa hindi ko alam na dahilan ay biglang tumulo ang luha ko.

Humalik si Luther sa noo ni Bree at seryosong hinarap si papa.

"Sorry pa, but I will definitely make her a Dela Fuente again."

No Strings (Strings Series 1)Where stories live. Discover now