"So, sinasabi dyan na yung red string na yun nakaconnect sa soulmate mo?"
"Yup! I hope it's Seb on the other end."kinilig pa talaga siya.
Napahiga na lang ako ulit."Maniwala ka dyan, dhai."buntong hininga ko."Paano nila malalaman na red string yun, kung invisible nga diba? Kalokohan."
"Ang bitter mo talaga, dhai! Totoo man ito or not ang cute kaya. At ayaw mo bang malaman kung si Frost ba ang nasa dulo ng tali mo?"
"Shut up ka nga! Kanina ka pa eh!"tumalikod ako sa kanya at tinakpan ng unan ang ulo ko."Di ka pa ba tapos magtransfer?"
"Malapit na po."I can imagine her rolling her eyes at me."By the way..may nalaman ako."
Napatingin ako sa kanya dahil naging seryoso siya bigla."Ano?"
"Chismosa ka talaga, dhai!"natatawang sabi niya kaya hinagisan ko siya ng unan."Oo na, sasabihin ko na."humarap siya ng maayos sa akin."Nasabi sa akin ni Seb na may boyfriend na raw si Crystal."
Nagulat ako sa sinabi niya. Last time I checked hindi naman naka-in a relationship si Crystal sa FB.
"Kailan pa?"
"Walang may alam."Nagkibit balikat lang siya sa tanong ko."Wag mong sabihin kay, Frost ha? Ang bilin raw ni Crystal ay wag sabihin kay Frost ang tungkol sa kanya."
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Why would she say that? Ayaw niya bang magmove on si Antonio? Gusto niyang hinahabol siya? Wow ha. Kapal din ng mukha ng babaeng yun. Si Antonio dito namimiss siya habang siya naman ang saya-saya sa kabilang panig ng mundo?
"I don't get her.."bulong ko more to myself.
Pero hindi ko rin maitatanggi na ok na yung may boyfriend na siya.
"May text ka dhai.."bumalik ako sa realidad at tinignan kung sino ang nagtext.
From: Josh
Hi kamatis :)
Andyan na naman yang kamatis na tukso niya. Nakakainis na rin minsan. Pati yung iba nakikisama na rin. Asar.
Bigla kong naalala na may dapat pa pala akong tanungin sa lalakeng ito. Nakalimutan ko dahil ang dami kong iniisip last time.
'Sus, si Antonio lang naman ang iniisip mo'
Hindi ba titigila ang isip ko sa mga kalokohan niya? Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa dahil mismong sarili ko inaaway ko na.
To: Josh
Hi..pwede mag-usap tayo bukas? What time ka vaccant?
Ang don't call me kamatis! >o<
Mabilis naman siyang nagreply.
From: Josh
Are you asking me out? >:) Lagot ka kay Frost, Lu XD
Around 1pm-2:30pm, kamatis. :P
"Oh? Anong tinatawa mo dyan? Si Frost ba ang nagtext? Ayeee."hindi ko na lang siya pinansin at nagreply kay Josh.
To: Josh
No :P Nagiging ambisyoso ka na like Antonio. -_-"
I just want to ask some questions. See ya sa open stage. :)
From: Josh
What questions? O.o
To: Josh
Secret :*
"I'm done!"tinignan ko si Katie na kakatayo lang after using my PC."Susunduin ka ba ni Frost tommorow?"
Umiling ako bilang sagot."11:30 ang klase ko at 2:30 pa klase niya."
"Abah. Alam ang schedule ah."
"Wag ka ngang ngumisi dyan!"sabay tapon ng unan."Kanina lang niya sinabi!"
"By the way!"biglang sabi niya na ikinagulat ko."Nag-kiss kayo kanina?"
"KAAATIEE!!"
Bago ko pa siya masabunutan lumabas na siya ng kwarto ko habang humahalakhak ng malakas.
"Waaaaaah! Nakakainis kayo!"sabay higa sa kama at tingin sa kisame.
Flashback>>>
"You're making me crazy, Luna..."
And our lips touched.
"Oh! Ang PDA niyo! Hahahaha!"mabilis kaming naghiwalay at nilingon ang nagsalita. Si Josh.
"Istorbo.."hindi ko alam kung tama ba yung narinig ko mula kay Antonio.
Pero hindi ko na pinansin yun at umiwas ng tingin kay Josh at Flinn."Ipagpatuloy niyo lang yan! Hahahaha"tukso pa ni Flinn.
My ghad! Ano ba 'tong pinasukan ko?!
<<<end of flashback
Napakagat ako sa kamay ko at pumikit ng mariin.
We kissed...again...
"Kyaaaaaah!!"
--To be continue...
VOTE AND COMMENT :*
YOU ARE READING
Twisted Red String (completed)
Teen FictionIt's a story about how Fate pushed them together to be an enemy to each other, to be friends, to fall in love, to be hurt and to fall in love again but Fate likes to play in their life....letting her fall in love with her guy best friend while she's...
Red #22
Start from the beginning
