"You're making me crazy, Luna..."

***

"HOY!"

"ARAY!!"napahawak ako sa noo ko."Ba't ka ba nanghahagis ng cellphone?!"galit kong sigaw kay Katie.

"Eh kasi po hindi mo ako pinapansin! Kanina pa ako dakdak nang dakdak dito!"

"Sino ba kasi may sabi sayo puntahan mo ako dito?!"

"Hello! Nakalimutan mo yatang manghihingi ako ng installer ng VB?"nakapamaywang na sabi niya sabay palo ng noo ko.

"Katie naman!"

Hindi ko alam kung papaano ako nakauwi. Ang paulit ulit lang sa isipan ko ay yung nangyari kanina sa labas ng classroom. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at sobrang init ng mukha ko. Nabingi yata ako sa mga sinabi niya kahit bulong yun.

"Haaay naku.."napaupo si Katie sa swivel chair ko at kumain ng pokki."Kamatis na kamatis pa rin ang mukha mo, dhai. Kung hindi ko lang alam kung anong nangyari baka napagkamalan na kitang may sakit."umikot ikot lang siya."If I were you, just go with the flow. Try mo munang pakiramdaman siya at yang sarili mo. Hindi ibig sabihin na nasaktan ka na minsan, masasaktan ka ulit."

Indian seat akong umupo sa kama at niyakap ang unan ko."But..I want to avoid the pain.."

"That's it!"biglang sigaw niya kaya napatingin ako sa kanya. Tinuro niya ako gamit ang pokki na hawak niya."Sa pag-ibig hindi mo maiiwasang hindi masaktan, so bakit ka pa dyan nag-iinarte? Bakit? Kapag umiwas ka ba, hindi ka na masasaktan?"then crossed her arms."If I know, nasasaktan ka na sa mga nangyayari, right?"

Napayuko ako sa sinabi niya. Totoo yun. Simula kay Crystal at sa pag-amin niyang hindi pa siya nakakamove on. Mahirap mang aminin pero masakit.

"Bakit ba ako nasasaktan, Kat?"pabulong kong tanong."Hindi dapat ganito. He's my enemy. Simula pa lang na magkakilala kami nagbabangayan na kami.."

"Ahmm..correction. Nagtitigan kayo nung first meeting niyo, right?"she said like I forgot something important.

Natahimik ako sa sinabi niya at humiga sa kama.

Hindi ko na alam kung anong gagawin. May punto si Katie sa mga sinabi niya pero natatakot pa rin ako. Kapag inamin ko ba itong nararamdaman ko, magiging ok lang ba ang lahat? Well, aamin lang naman diba? Hindi naman required may kapalit kapag gagawin ito, right?

In love, sometimes we can't avoid things that we don't want and we can't have what we want if it's not for us.

Narinig ko namang kinilig ang loka sabay tanong."Alam mo ba yung red string of fate, dhai?"

"Ano yun? Familiar man?"bumangon ako at umupo ng maayos.

Nakatingin siya sa monitor ng PC ko."Sabi dito 'An invisible red thread connects those who are destined to meet, regardless of time, place, or circumtances. The thread may stretch or tangled, but it will never break.' Oh, diba? Nakakakilig!"

Twisted Red String (completed)Where stories live. Discover now