"Sampong hakbang"

293 10 1
                                    

Niyakap Kita Sa harap ng maraming tao,
Binulong Ko Sayo ang mga salitang,
Sampong Hakbang Palayo Sa Harap Ko,
Sampong Hakbang Ang Gawin Mo,
Oo Malaya Kana Sa piling Ko,

Unang Hakbang, Inalala ko Ang Lahat,
Ikalawang Hakbang, sa akin ay hindi ka humarap,
Sa ikatlong hakbang mo, tila na pako ang paa mo,
Ngunit Nag Kamali Pala Ako,

At sa ikaapat Na Hakbang Mo, Hinihiling ko Na Bumalik Kana sa piling ko,
Sa ikalimang hakbang mo, pilit kong nilalabanan ang sakit sa puso ko,
Sa ikaanim na hakbang galing sayo,
Tumigil ang mundo ko,

At sa ikapitong hakbang mo, pinipilit kong wag tumulo ang luha ko,
Sa ikawalong hakbang mo, naging emosyonal na lang ako
At sa ikasiyam na hakbang na ginawa mo,
Hinihiling ko na sana wag mo na ihakbang ang mga paa mo,

Ngutin nag kamali ako,
Maling hiniling ko ang bagay na yun sayo,
At sa ikasampong hakbang mo, tuluyan ng bumuhos ang luha ko,
Wala akong nagawa kung di piliin ang kapalaran ko,
Ang mabuhay ng wala ka sa piling ko...

Unspoken Poetry : Tagalog [COMPLETE]Where stories live. Discover now