"Magpalit ka muna ng uniform. I'm really sorry Mika." Sabay abot sakin ng uniform.
"Kanino naman 'tong uniform?"
"Sayo."
"Ha?? Sakin?! San mo nakuha 'to??"
"Basta! Magbihis ka na nga mun, para kumain na tayo. Cassandra, samahan mo na nga muna 'tong kaibigan mo."
"Okay Joe!" -Cassandra
"Oy anong kabaliwan to?" Tanong ko kay Cass habang nagbibihis. Andito kami sa likod ng blackboard. Meron kasi siyang maliit na space. Para talaga 'to sa pagbibihis ng mga costume namin once meron kaming play. Para di na kami lumabas pa ng room. Ang daming alam noh?
"Ang swerte mo nga eh! Inorganize lahat 'to ni Joe."
"Kelan pa?"
"Uhm, last week? Oo. Last week siguro. Ewan ko, nakalimutan ko. Hihi."
"Sus."
"Alam mo bang wala tayong pasok this whole day?"
"Weeeh? Di nga??!"
"Oo nga. Pinaki-usapan ni Joe ang lahat ng teacher natin na wag munang magturo this day satin. Invited din naman kasi sila dito. Kasama sila sa kakain, kaya pumayag sila. Pero da't daw naka-uniform pa rin tayo."
Binuksan ko yung mini door tsaka lumabas.
"Bakit niya naman naisipang mag organize? Tsaka, bakit sa birthday ko pa? Weird kasi masyado. Bakit niya gagawin ang mga bagay na 'to??"
"Ewan ko. Tara punta na tayo dun."
"Ayoko nakakahiya." Hinila ko yung braso niya.
"Nahiya ka pa? Eh andito na eh."
"Edi di na lang ako kakain. Uupo na lang ako sa tabi."
"Talaga lang ha? Alam mo ba kung ano yung mga pina-order ni Joe na pagkain?"
"Hindi."
"May adobo. Yung may itlog. May menudo, ang sarap ng sarsa. May fried chicken, sobrang lutong ng balat. Tsaka yung favorite mo... Pusit!!"
Adobo? Yung may itlog? Menudo? Fried chicken?? Wow! *O* Star na ata ang mga mata ko sa narinig ko. Natatakam ako. Tsaka yung favorite ko? Yung. Pu.. Pu.. PUSIT!!! Nagugutom na ako! T-T
"Hep! Meron pa. May ice cream. Cookies 'n cream ata ang marami. May cake. 3 layer. Binake ng mga kaklase natin. Ay kami pala. Kasama ako dun eh. Hehe. Meron pang salad. May mango float pa. At ang pinaka paborito mo sa lahat... May chocolate fountain! Hooray!!"
"Cho.. Cho... CHOCOLATE FOUNTAIN?? Yung chocolate na lumalabas sa fountain??" Star pa rin yung mga mata ko. *O*
"Hindi! Yung fountain lumalabas sa chocolate. -,- Utak Mika. Utak."
"Eh kasi naman... Lahat ng paborito ko sinabi mo na."
"Magpasalamat ka kay Joe."
"Pano niya nalaman yung mga paborito kong pagkain??"
"Aba malay ko."
"Wala pa ba yung birthday girl? Nagugutom na ako!" Narinig naming may sumigaw.
"Tara pumunta na tayo dun." -Cass
"Baluga ka talaga Christian! Ang aga aga pa eh nagugutom ka na."
"Hindi pa kakain."
Tumingin kami sa nagsalita. It's Joe. Again x)
"Eh ano pa ba ang gagawin Joe?"
"Kita niyong wala pa yung mga pagkain. Sinadya ko yun para hindi magalaw kaagad. May intermission number pa eh."
YOU ARE READING
Operation: Make The Atheist Fall In Love Book 1
Teen FictionNagbago ang takbo ng buhay ko nang makilala ko sya. Hindi lang takbo ng buhay ko, pati na rin ang takbo ng isip at puso ko. Ginawa kong balewalain ang nararamdaman ko, pero talagang walang pinipili ang pag-ibig, ATHEIST ka man o HINDI. :)
