Si Louie at yung unggoy sa badminton.

Si Levi at Jackson naman sa tennis table.

"Cheer mo naman si babe!" Kantyaw sa akin ni Hannah.

"Ano?! Sinong babe?" inis kong sabi sa kanya.

Tinawanan na lang nila ako.

Isang oras din silang naglalaro at sabi ng nagmamanage doon ay pagpahinga muna ang mga players since baka pagod na daw sila.

"BAE!" Sigaw ni Jackson at nilapitan si Kat sabay kiss sa cheeks.

Tsk! Galawang Ewan.

"Hannah!" Tumakbo si Louie sa kanya at hahalikan na dapat niya si Hannah sa cheeks kaso tinulak siya nito.

Hahahaha

"Ew! Wag ka ngang lumapit sa akin. Pawis na pawis ka eh." Sabi ni Hannah habang pinupunasan ang braso niyang nadikitan ng pawis.

Nakakatawa yung mukha ni Louie kase mukha siyang batang di nabigyan ng kendi hahahaha

"Beshy!" Sigaw ni Levi at lumapit sa akin.

"Sister!" Sabi ko naman at niyakap siya.

"Sis. Wag pawis ako. Si Fafa Chris na lang yakapin mo" sabi ni Levi at kinikilig din.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Grabe naman sis parang kakainin mo na ako nyan." Sabi ni Levi na tumawa na lang.

"Oo nga wala bang hugs dyan?" Asar ni Louie sa akin.

"Kung ayaw wag pilitin." Biglang sabi ni Chris.

Napatango na lang ako sa kanya.

"Maghahanap na lang ako ng yayakap sa akin." Sabi niya at akmang aalis pero tumingin siya sa akin. Inirapan ko lang siya akala niya naman pipigilan ko siya.

"Sagutin mo naman" sabi ni Jackson.

Natawa lang sa akin si Levi na ngayon at katabi na si Shane.

"UHM.. di mo ba ako pipigilan?" Tanong ni Chris habang nakangiti ng nakakaloko.

"Bakit naman kita pipigilan boyfriend ba kita?" Inis kong sabi kase halos lahat sila binubully ako.

"Owww" sabi ni Jackson.

"Ouch! Hapdi nun" asar naman ni Louie habang nakahawak sa dibdib niya.

"Oo nga naman. Sino ba nga ako sayo? Ay! Nakalimutan ko di nga pala kita girlfriend" sabi niya.

"Savage!" Sigaw ni Kat.

"Hahahahaha" natawa naman sila Hannah at Shane.

Grabe ha. Wala akong kakampi. Do I deserve this? Di ko napansin nakakahurt pala yung sinabi niya.

"Tahimik ka? Gulat ka bang malaman ang totoo?" Sabi ni Chris.

"Hindi. Simula pa lang alam ko na yun." sabi ko at tumayo na para umalis.

Hinawakan niya yung braso ko para pigilan ako. Tumigil ako sa pagbaba ng audience seats. Tumingin ako sa kanya.

"Bakit mo ako pinipigilan?" sabi ko at malapit nang magbreak down.

"Ano ba yan!!? Di pa nga kayo nagkakasamaan na ng loob" sabi ni Jackson.

"Kulang na lang popcorn, ang ganda ng scene eh" sabi naman ni Louie.

"Elena, joke lang yun." Napakamot si Chris sa batik niya.

Tinanggal ko yung kamay niya na nakahawak sa braso ko.

"Joke? Bakit di ako natawa kung joke yun?" inis kong sabi.

"I'm sorry okay if I hurt your feelings" sabi niya sa akin at mukhang inis sa sarili niya dahil sa nagawa niya sa akin.

"You know. If your going to court me, end it now." Sabi ko na lang at wala nang lakas ng loob na lingunin pa sila.

Paglabas ko ng court nakita ko yung tatlong lalaking sinisitsitan ako kanina. Binilisan ko yung lakad sa sobrang takot sa kanila. Pero kahit mabilis ang lakad ko hinarangan nila ako sa daan.

"Wait miss, ang ganda mo kase eh. Pwede bang mahingi ang number mo?" Sabi nung isang lalaki.

Di ako umiimik sa sobrang takot.

"Woah! Wag kang matakot sa akin. Hindi kita sasaktan" sabi niya pa.

Tatakbo na sana ako ng hilahin niya ako.

"Saglit lang bigay mo na kase number mo at papakawalan ka na namin" sabi naman nung isang lalaking nakasuot ng sumbrero.

"Oy! Oy! Ano yan? Gusto niyong maranasan yung new technique ko?" May nagsalita sa likod ko.

Si Chris ata yun.

Humarap ako at siya nga.

"Boss, sorry na po. Gf niyo po ba siya? Akala po kase namin ibang babae eh" sabi ni nila at nagmamakaawang wag silang saktan.

Binitawan nila ako. Doon na ako napaiyak sa sobrang takot at kaba.

"Kahit sino mang babae dapat hindi niyo hinaharass." Pinukpok niya sa ulo yung tatlong lalaki.

"Sorry na po boss." Umalis na sila at lumapit sa akin si Chris.

"OK ka lang?" Sabi niya.

Sasagot na sana ako ng biglang lumabo yung paningin ko at di ko na alam ang nangyari.

"Elena!!!!" Takot na sigaw ni Chris.

×××××

Perfect StrangersHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin