Chapter 17

235 2 0
                                    

--- Confession

Enjoy reading!!!

💖💖💖
Chris  (Point Of View)

"Chris and Elena. Pakiayos nga itong quizzes niyo at ng tatlo pang section." Sabi ng adviser namin.

"Yes sir." Sabay naming sabi ni Elena.

Simula ng sinabi niya yun kahapon hindi niya pa rin ako kinakausap. Uhm.. kinakausap niya naman ako basta tungkol lang sa school kaya nakakalungkot.

Pero naiintindihan ko naman siya dahil kung ako yun magugulat din ako or masasaktan kase matagal na tinago sa akin eh. Pero hindi naman siguro tatagal ng tatlong araw.

I miss her already...

"Chris! Magkaaway kayo?" Bulong ni Kat.

Nagkibit-balikat na lang ako kase hindi ko naman talaga alam kung magkaaway kami o hindi.

Sabi niya lang naman wag ko siyang guluhin ng 3 days pero di naman kami nag-away.

"Sir bakit?" Sabi ni Levi.

Paepal na naman to.

"Why not? The secretary should help the president. Bakit pa ginawang secretary kung hindi tutulong?" Sagot ni Sir.

"Eh sir. LQ sila." Mahinang sabi ni Kat.

"At bakit?" Sabi ni Sir.

They all shrugged.

"Sige po sir. Gagawin na po namin to ni Elena." Sabi ko para walang ng satsat.

"Gusto niyo ba sa office ko para walang maingay?" Sabi ni Sir.

"Mas mainam po sir." Sagot ko.

"Gusto mo lang masolo si Elena eh." Mahinang sabi ni Louie.

I didn't mind him baka hindi matapos ang usapan.

Kinuha ni Elena ang papers ng dalawang sections at naunang pumunta sa office.

Minsan naiisip ko na baka galit talaga siya kase sa asta niya pa lang parang ang laki ng nagawa kong kasalanan.

Lumabas na ako sa room. Bago makapunta sa office ng mga teachers kailangan munang dumaan sa garden.

Nauna na ata siya kaya tumakbo ako.

Pagkarating ko sa garden nandon na naglalakad pa rin pero mabagal.

Hinila ko yung braso niya paharap sa akin.

Pagharap niya nakita kong namumugto yung mata niya. Hindi na siya nagdalawang isip at umiyak na lang.

Niyakap ko lang siya at di na nagsalita.

"Chris, I'm sorry basa na yung uniform mo." Sabi niya.

"Talk. Makikinig ako." Diretso kong sabi.

Alam kong may gusto siyang sabihin.

"Uhm.." sabi niya at naiyak na naman.

"Chris pinapayagan na kitang manligaw. Pero huwag kang mag-eexpect na sasagutin kaagad kita ha." Sabi niya

Nabigla ako kaya niyakap ko siya ng mahigpit.

Naubo siya kaya niluwagan ko agad ang pagyakap ko sa kanya.

"Thank you." Niyakap ko ulit siya.

Pumunta na kami sa office ni Sir at tinuloy nang ayusin ang quizzes ng 4 sections including our section.

Hindi na kami awkward sa isa't isa. Nagbibiruan pa nga kami eh. Natapos na ang ginawa namin at paglabas namin ay lunch time na. Pagkatapos ng lunch namin walang teacher next.

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now