Eighteen.

3 0 0
                                    

Talk


"Dy.. ayos lang ako. Kaya ko. Di naman ako mapapahamak." Nakangiti lang si Cole habang pinagmamasdan akong kausap si Daddy sa phone. Ngayon kasi ang araw na madidischarge ako sa ospital. Si Cole ang sumundo sakin. Kanina sinabihan niya akong sa condo niya ako uuwi. Nagpaliwanag na daw siya sa magulang ko pero heto nga't nangungulit nanaman si Daddy para magbakasakali.

Parang napilitan lang 'to.

Mukhang nastress pa ko pagkatapos ko kausapin si Daddy. Kung ano ano kasi ang pinagsasabi nito. May binanggit pa siya na bawal sa minor. Masyado ding advance si daddy eh. Praning ba.

"Ok na?" Mukha namang timang si Cole sa kakangiti. Good mood ito. Mukhang nanalo sa lotto.

"Sigurado ka bang pumayag si Daddy?"

"Oo naman! Pahirapan nga lang. Bakit, nagbago na ba isip?"

"Parang.." naalala ko nanaman yung pinagsasabi niya

"Good thing you're already here." Tapos humalakhak siya ng malakas.

Bubuksan ko sana yung pinto sa kwarto pero pinigilan niya. Napasimangot ako pero pinisil lang niya yung ilong ko. Siya ang nagbukas nito para sakin at biglang lumabas doon ang isang aso.

Napatulala ako.

"Meet Cooper. I bought him last week."

Kumawag ang buntot nito at lumapit sakin. Kaagad akong nakaramdam ng tuwa lalo na kapag tinititigan niya ako gamit ang malalaking mata.

"Anong aso 'to?" Pi-nat ko siya sa ulo at hinawakan ang malaki nitong taenga.

"Duschund. Hahaba pa katawan niyan paglaki. Saka yung taenga, lalaki."

"Talaga?"

"Pet dog yan. Malambing. Di din mahirap paliguan kasi manipis lang balahibo."

Nangiti ako. Ayaw niya talaga ng mabalahibong aso. Tamad magpaligo.

"Ilagay ko lang 'to sa kwarto ko ah."

"Sure, Kuya."

Bumalik ito at sumilip sa pintuan ng kwarto niya, nakataas ang kilay. "Kuya?"

I grinned. "Namiss ko yung Kuya eh."

Nagkibit balikat lang ito. Panay ang laro ko sa aso niyang si Cooper. Nung tumae ay kaagad kong iniwan.

"I saw that!"
I smiled, guilty.

Pinuntahan niya ang aso na mukhang expectant sa kanya. He raise his pointing finger and reprimand the poor puppy.

"Bad dog! I said don't poo in my tiles. You have your comfort room. Hinakot ko pa yung lupa para may lugar ka. Now eat your poo!"

"Kuya!!" Baliw 'to! Isip bata talaga.
He just smiled, like he accomplished something. "Kidding. I'll clean this up. Open the T.V. and dont let coops pee everywhere."

Nilibang ko ang sarili sa panonood. Panaka-naka akong sumisilip habang panay ang kausap ni Cole sa aso. Pinapagalitan niya iyon na parang anak niya. Kung magkakaanak ba kami ganoon din siya? Namula ako sa naisip.

Ang bata mo pa ah!

"Kapagod!" Umupo ito sa tabi ko at ipinakita ang meat jerkey sa kamay.

"What's this?"

Kumuha siya ng isa at hinati sa gitna. Kaagad naging alerto ang aso niya. Itinaas niya ito.

"Show us what you've got. Make your Mommy proud."

Thorn ✔Where stories live. Discover now