Two.

9 0 0
                                    

Heaven

"Dali, sabon!"

Kaagad uminit ang ulo ko nang marinig ang tawag ng isang hampas lupang si Uen. Tumatakbo ito na parang tanga habang kumakaway sakin.

Nilingon ko siya at harap harapang pinaningkitan ng mata. I told him not to make fun of me! He always tease me by calling me 'sabon' because of my name and I hate him for that. At saka hindi lang naman sabon ang nivea ah?

Nang makalapit ito ay kaagad ko siyang kinurot sa braso. Ngumiwi ito at lumikha ng pangit na ekspresyon. Parang natatae na ewan. Basta. Nakakatawa.

"I told you not to call me that!"
"Aray naman!"

May bumusina sa harap, kasabay ng pagbukas sa gawing driver's seat. Kaagad nanlaki ang mata ko nang mamataan si Kuya Cole. Ngumiti ito at inilahad ang kamay, nanghihikayat na bigyan siya ng yakap.

Nilubayan ko si Uen at dumiretso sa gawi niya para yakapin siya ng mahigpit.

Hmm. Ang bango!

"Lumalaki ka na!" Masayang bungad niya sabay pasada ng tingin sakin mula ulo hanggang paa.

"Syempre fourth year high school na ko 'no!"

Lumagpas ang tingin ni kuya Cole sakin. Kumunot ang noo niya at sumenyas sa likod.

"Sino?"
"Ah!" Lumingon ako sa likuran ko at nakitang namumutla si Uen. "Halika! Pakilala kita."
"Gay." Bulong ng kuya ko na siyang narinig ko naman. Binawal ko siya kaagad.
"Uen, this is Kuya Cole. Kuya Cole, this is Uen. Kaibigan ko."
Tumaas ang kilay ni kuya. "Uen?" Tanong nito at nagtataka sa unique na name nito.
"Ah, Uehence Caldario po."
"I see." Tumango ito. "I'm Augustus Cole. Just call me Kuya Cole."

Hindi ko matanggal ang pagkaexcite ko dahil nandito si Kuya. I mean, boring kasi sa bahay kapag wala si Kuya. Nabobored ako kumpara kapag nandito siya at nakikipaglaro sa kapatid ko. I just find his presence so comfortable and fun.

"Get in."

Pinatunog niya ang sasakyan at kaagad kaming tumalima. Nagprisinta si kuya na ihatid na din si Uen.

"Sabon.." mahinang tawag ni Uen sa likod. Nahihiya ata sa prisensya ni Kuya. Samantalang kanina ay ipinagsisigawan nya iyon.

Natawa si Kuya na pinaandar na ang sasakyan. "Sabon? What kind of nickname is that?"

Ngumuso ako. "He thought my name's like the soap, kuya Cole. Yung Nivea?"

Humalakhak ulit siya. Nagkatinginan naman kami ni Uen.

"If you want to impress the girl so bad, you need to come up with a nicer name. It'll just piss her off, boy." Sabi nito na may ngiti pa sa labi. "And her name doesn't came up for nothing. It means, 'heaven'. If you didn't notice, kabaliktaran ng pangalan nya iyon."

Natahimik sa sasakyan. How did he know about that? I'm sure 'di naman sinasabi ni mommy iyon?

"Ah, dito nalang po."

Tinapunan muna ni Kuya ng tingin si Uen gamit ang rearview mirror bago ihinto sa gate ang sasakyan. Ang awkward ng atmosphere, sa totoo lang. Mukhang hiyang hiya ang kaklase ko.

"Bye Uen!"

Kumaway lang ito at nagmadali nang pumasok sa gate. Napalingon agad ako sa kuya kong nakangiti pa din. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"How did you know about my name?"
"Wise people can actually distinguish that."
"Yabang!"
"But seriously, his tactic is lame. Gawain ko yun ng kabataan 'no!"
"Ang alin?"

He sighed. "That boy likes you."

Nagulat ako doon. I mean, what? Hindi naman ah? Saka hindi din siya nagpapahiwatig. Ewan?

"No, kuya. Baka nagkakamali ka lang. Loko loko yun. Di yun nagseseryoso. Puro bulakbol ang alam. And he always tease me."

"Exactly. A lame excuse to get your attention."

"Pero loko loko yun..."

"Ikaw na ang nagsabi.. Wag ka dun kung ganoon. I dont want you to date him anyway. You're still young... turning seventeen next month."

Napasinghap ako. "And how did you know?!"

"I've stayed in your house for four years, remember?"

"Yeah but... you still remember?"

Ngumiti ito ng tipid at pinaandar na ang sasakyan. "I know everything about you."

Just like how he spend the vacation here, he'll stay until Christmas and went back to his work after. Ewan ko, ang sabi ni mommy ay nagbabakasyon daw si Kuya tuwing March at straight daw iyon ng limang buwan kaya wala siya kapag summer break ko. When I asked him about it, he said hindi daw sya nagbabakasyon. Nagtatrabaho daw siya. Kung saan at ano man iyon ay wala akong ideya. Basta ang alam ko, first week ng March ay mawawala na siya at babalik lang pagkatapos ng limang buwan.

Nawiweirdohan ako pero pinagsawalang bahala ko na lamang.

Well, at least he's still here every August.

August. His month.

Now that I think about it... bakit hindi ko siya regaluhan? I still have six months to prepare. Mag-iipon nalang siguro ako.


"Hey Veah!" Tawag sa akin ni Freena, isa sa mga kaibigan ko. "Let's go to the mall! Madaming sale ngayon!"

"Ah! Sorry. Hindi na. May pinag-iipunan kasi ako."

Lumapit ito sakin. "Ano iyon? May bibilin ka? Phone? Laptop o yung shoes na gustung gusto mo?"

"Ahm.. Pangregalo."

"What? Bakit di ka nalang humingi ng pambili? Sayang naman yung sapatos na pinag-iipunan mo pa!"

Ngumisi ako sa kanya. "Okay lang. Mas importante naman kasi ito."

"Sino ba yan?" Kumislap ang mga mata nito at umupo sa tabi ko. "Para sa crush mo? Birthday nya? O baka para kay Uen ah!"

"Huh?" Napalingon ang walang muwang na si Uen samin dahil sa lakas ng boses niya. Ang laki kasi ng bunganga nito. Ayan tuloy.

Kinurot ko siya agad at binulungan. "Ang ingay mo!"

"Eh sino nga kasi.."

"Sasabihin ko... pero secret lang natin ah."

"Oo na! Dali na! Sino pagbibigyan mo?"

"Kay... Kuya Cole sana."

Napangiwi ako sa tinis ng boses nito nang muli itong tumili. Tinakpan ko ang bibig nito pero hindi siya matigil sa paglikot.

"Omg!"

"Freena ha, binabalaan kita. Sa oras na may makaalam. Hay naku! Friendship over na!"

"Oo na! OA nito." Lumapit siya para bumulong. "So nililigawan mo siya?" At humagikgik pa ang bruha.

"Ano?!"

Ganoon natapos ang araw ko. Panay ang tukso ni Freena sakin at kanina pa din nakikikulit si Uen na sabihin kung anong pinag-uusapan namin. Sabi ni Freena, nagpif-eeling daw iyon na siya ang pinag-uusapan kaya ayaw kami lubayan.

Naisip ko naman ang sinabi ni Kuya sakin. Kung totoo ngang may gusto sakin si Uen, mas mabuting layuan ko siya para hindi na siya umasa pa.

"Tired?"
"Yeah." Inayos ko ang seatbelt bago umupo ng matuwid at ipikit ang mata. Nagpractice kasi kami ng sayaw para sa P.E. namin kaya drain na drain ako. May malamig na bagay ang dumampi sa kaliwang pisngi ko. Nang buksan ko ang mata ay kaagad bumungad sakin ang dutchmill na inumin. Masaya ko itong kinuha.

"Let's watch movie?" Anyaya niya.
"Horror?"
Tumawa ito. "Yes. Horror."

How I wish to see that smile everyday.

Thorn ✔Where stories live. Discover now