Part 8

128 7 7
                                    

Stephen pov

Im with her dito sa ospital kanina pa siya umiiyak. Wala pa kaming clue kung anong lagay ng mom niya all I can do is to calm her down dahil medyo nawawala na siya sa sarili niya.

Although kakameet ko lang sakaniya earlier.. I know that she is a good person kaya na din siguro magaan ang pakiramdam ko sakanya.

“are you sure you okay?” pagtatanong ko paulit ulit na ko sa linyang iyan ang tanging nasasagot niya lang ay pagtango.

Humugot muna ako ng malalim na paghinga nandito kami sa waiting area nakaupo.

“wala kabang iba pang kamag anak? Na pwedeng makontak?”

Umiling lang ulit siya pero patuloy pa din siya sa pagiyak

“ssshhh your mom is going to be fine.” Pag alo ko sakanya saka siya hinimas himas sa braso.

Hindi naman na nagtagal lumabas na yung doctor kung saan nandun ang mom niya sabay kaming napatayo ng Makita na itong papalapit sa amin.

“doc ano na po? Kamusta ang inay ko?” agad na tanong niya nasa likod niya lang ako at nakapamulsa hinihintay ko din ang isasagot ng doctor.

“she’s okay now. Pero we’re conducting other test pa dahil may nakita ang team ko sa ovary nya “ paliwanag ng doctor

“p—po?” nauutal nitong sabi.

“yes mam. Hindi lang hypertension ang dahilan ng pagcollapse ng mom niyo. Meron din siyang bukol sa ovary niya and I think matagal na ito dahil mdyo malaki na ito at kumalat na. kaya dapat maoperahan siya agad agad.” Ani ng doctor

Hindi na nakasagot si Nadine para na din itong nanlumo at nanghina buti nalang nasa likod niya ako kaya agad ko siyang naalalayan.

“hey it will be okay” bulong ko sakanya

“ano ng gagawin ko.. saan ako hihingi ng tulong ngayon?” naiiyak nanaman siya

“excuse me please.” Pag singit ng doctor saka umalis na ito

Agad naman na kami tumungo sa kwarto ng mama niya . mahimbing itong natutulog.

Naupo muna ako sa sofa doon at hinayaan siyang lumapit sa mama niya.

Ewan ko kung bakit ko siya sinamahan at kung bakit ako nandito ngayon. Tss ang labo. Well siguro dahil mabait ako? At gusto ko lang tumulong?

Well maybe.

Sabagay I was the one who insisted na ihatid siya dito. Aba ayoko lang kasi makakita ng babaeng naglalakad magisa sa kalsada ng ganitong oras ng gabi.

Pinagmamasdan ko lang siya na kinakiusap ang kanyang ina. I knew from the start she’s a good one.

Napailing iling nalang ako sa mga naiisip ko.

Maya maya nag ring naman yung phone ko. And Ethan’s name flashes on the screen

Mahina kong sinagot ang phone para di ko madistract ang mag ina at dahan dahan na lumabas muna.

“yow?”

“hey where are you?” tanong niya

“uhm im with a friend. Emergency lang. bakit ka napatawag?” anong oras na kaya.

“wala nagtext kasi si bry pumunta ka daw sa bar. “ kwento niya

“yeah ilang shots lang ako saka umalis na.”

“uh okay.”

“so hows tita and tito james?” pag iiba ko ng topic

“they’re fine. Kakatapos lang naming magdinner. “

Marrying Ms. Annoying (ONS II)Where stories live. Discover now