Part 5

147 8 4
                                    

Nadine pov

Nakasunod lang ako sakanya hanggang sa makapasok na kami sa opisina niya. Grabe ganito pala sa loob. Ang daming mga elegante na tao ang gaganda din ng mga damit nila pati mga suot na sapatos.

Saka lahat ng nakakasalubong naming binabati si kuyang pogi ano ba talaga siya ditto? Hmmm.

Nakita ko naman na may pinindot siya sa gilid ng pader at bumukas yung bakal na pinto wow. Kabilib.

Pumasok kami saka agad sumara ito. Naks high tech!

Nakarinig ako ng ting! Saka bumukas na yung pinto. Lumabas na din si kuyang pogi kaya lumabas na din ako.

May nakita akong ilang empleyado sa floor na yun.

Lumiko kami at may isang malaking pinto doon na ma babaeng naka office sa gilid. Receptionist siguro.

“send me the meetings I have for tomorrow.” Ani ni kuyang pogi sa babaeng receptionist sumagot naman ng “okay sir” si ateng .

Direderecho siyang pumasok sa malaking pinto kaya sumunod ako.

Nabasa ko nakalagay sa pinto bago ako pumasok Ethan James Villafrancia –CEO

Nagkibit balikat nalang ako saka sinundan siya sa loob.

Dumerecho siya sa mini sala doon saka binuksan yung maliit na ref at kumuha ng inumin. Sosyal may ref sa opis. Big time talaga siya. Pogi na mayaman pa. sungit nga lang. hmmp hayaan na.

Tumungo din ako sa mini sala niya at nilapag ang mga pagkain na bitbit ko.

Inamoy ko iyon isa isa ang bango talaga ng pagkain pag bagong luto. Lalo akong nagutom.

“hey” pagtawag nanaman sa akin ni kuyang pogi. “magkano pala uutangin mo?” aniya

“uhm. Okay lang ba kung 50 thousand?” nahihiya kong sabi. Pinagmasdan ko naging reaction niya.

Napa crossed finger din ako n asana makautang talaga ako sakanya mukhang malaki naman ata sweldo niya ditto eh.

“okay.” Aniya saka tumungo sa may table niya ata yun at may pinirmahan.

Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa makalapit siya sa akin. “here” saka inabot sa akin yung papel

“ano gagawin ko ditto?” taka kong tanong.

“moron checke yan. Hindi kita pwede bigyan ng cash delikado.” Paliwanag niya

“ohkay.” Nasa mukha ko pa rin ang pagtataka. Pwede ko na kaya ibayad ito ng ganito lang?

“at the bank.” Bigla niyang singit saka naupo sa sofa sa kaharap ko.

“ha?” aniko. Pinagsasabi niya?

“ipapapalit mo yan sa bangko. Into cash” paliwanag niya. Dahil doon napahinga ako ng maluwag.

Narinig ko naman siyang tumawa “stupid” rinig kong bulong niya.

“uhm tara kain na tayo.” Aniko saka isa isang nilabas ang mga inorder kong pagkain.

“sure kanina pa ako gutom.” Ani naman niya. Pinagmasdan ko siya ang cute niya lang

“akin na to ha?” aniya saka kinuha yung pork steak.

“oh? Ako umorder niyan eh. Saan ba yung inorder mo ditto?” taka kong tanong.

“hindi ako nakaorder. Saka mauubos mo ba ito?” sabay turo sa mga pagkain sa mesa.

I pout saka nagsalita “ sige na nga konti lang sayo ha? Madami akong gutom eh. Saka kailangan ko ng energy maghahanap pa ako ng mapapasukan eh” aniko saka sumubo na din ng pagkain.

Tahimik lang kaming kumakain ng magtanong si kuyang pogi.

“anong gagawin mo pala sa 50k?” aniya saka sumubo.

“ah. Tutubusin ko yung lupa naming. Mareremata na eh sayang naman dun kami kumukuha ng kabuhayan eh. Matanda na din si nanay kaya kailangan ko na din magtrabaho” paliwanag niya.

Tumango tango nalang ako.

‘masyado din kasi kaming ginigipit ng pinagsanlaan namin eh kesyo nabenta na daw ang lupa naming sa ibang kumpanya na pagtatayuan ata ng business,, basta ewan wala silang ibang ginawa kundi pahirapa pa kaming mahihirap” nasa tono ko ang pagkabitter

“siya nga pala ethan ano ka dito? Sino si james? Nabasa ko kasi kanina sa pintuan eh.” Pagiiba ko ng topic at Wala lang nacurious lang ako

“ako yun that’s my real name. im the CEO here. In short kami ang may ari  ng company. Family namin” paliwanag niya.

“wow ang galling naman. Astig” paghanga kong sabi.

“astig talaga ang term?” aniya naman na parang nang aasar.

Sinamaan ko nalang siya ng tingin at nagfocus nalang ako sa pagkain ko.

“anyways.. bait bigla ka nalang sumingit sa usapan naming ni court kanina? At nag English kapa talaga ha?” natatawa niyang sabi.

“wala lang. hindi ko gusto aura ng babaeng yun eh. Saka balak pa ata akong laitin kaya inunahan ko na. saka kahit hindi naman ako graduate sa mataas na paaralan kahit papano may alam din naman ako kaya ko din naman mag english” mayabang kong sabi.

“well not bad.” Comment niya

“yeah. Thanks! Pero pangarap ko talaga maging model eh.” Pangarap ko talaga iyon hihi

Nakita ko naman na nagulat siya sa sinabi ko at halatang nagpipigil ng tawa

Kaya inisnaban ko nalang siya. Natahimik naman siya saglit kumain nalang din ako.

“san ka pala umuuwi pansamantala?” tanong niya naman.

“wala nga eh. Kagabi sa harap lang ako natulog buti nga may karton eh hindi masyadong malamig yung sahig. “ pormal kong sabi.

“srsly??” hindi niya makapaniwalang sabi “bakit doon? Hindi kaba umuwi?” he added

“hindi wala na akong pamasahe diba?” masungit kong sabi “ okay lang tiles naman yung sahig eh. Kaya malinis” nakangiti kong sabi.

“tss” aniya saka nagpatuloy sa pagkain.

Ng matapos na kami kumain nagligpit naman na ako. Nakakahiya eh.

“alis na ako salamat ha babayaran nalang kita pag nakahanap na ako ng trabaho at pag may pera na ako” aniko ko.

Tumango lang ito. Suplado talaga.

Agad naman na akong lumabas ng opisina niya.

at bigla ko naman nakita yung si kuyang mukhang anghel. palapit siya sa kinatatayuan ko. napahawak tuloy ako sa buhok ko at dahan dahan na sinabit iyon sa likod ng tenga ko.

 ayan na siya...

dug..

dug..

 *****

HI GUYS! konti naman ng readers ko dito haha. tutuloy ko paba ito? :( haha hindi sila ata interesado kasi hindi pa nila nababasa yung ONS. XD tsktsk

ganun pa man batman suman. thanks sa mga nagbabasa! :) Pagpalain kayo! ^xoxo

Marrying Ms. Annoying (ONS II)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن