Chapter 26

72.8K 949 49
  • Dedicated kay Loyal TVFN hanggang Last Book!
                                    

Chapter 26

Inihatid na ko sa opisina ni King at siya naman ay didiretso na kung saan yung site niya. Medyo sumama yung pakiramdam ko noon buti na lang at hindi ito masyadong napansin ni King. Bakit kasi inopen pa yung topic tungkol sa mga anak baka akala pa ni King eh hindi ko gusto bumuo ng pamilya kasama siya. Kung alam lang niya na matagal ko ng pangarap yon. Masaya na sana ko kasi matutupadna ulit yon kasi okay na kaming dalawa pero hinahabol pa din kasi kong bangungot na yun. Kung lang sana nangyari yung aksidente na yun.

"Mukang namumutla ka? Okay ka lang ba baby?" masuyong tanong sakin ni King.

"Oo naman. Sige mauna ka na love. Ingat sa pagdadrive ah." hinalikan ko na siya sa pisngi at hinintay muna na makaalis siya bago pumasok sa loob ng opisina.

Pagkarating ko sa opisina ay agad na bumungad sa akin si Jackie na umagang umaga eh naninigarilyo na naman.Ginagawa na ata niyang smoking area 'tong opisina ko? Hindi ko na lang siya pinansin at naupo na sa upuan ko at inilabas ang ilang drawing materials ko.

"Kamusta naman yung tinuro ko sayong mga banat ha? Magkwento ka na dali!" masiglang bati ni Jackie at inilagay ang upos na sigarilyo sa ashtray sa table ko.

"Okay lang naman. Kuhang kuha ko naman yung naituro mo at talagang nainis sila." wala kong ganang sagot kay Jackie.

"Ano gusto mo ipakulam ko na lang sa lola ko yan?" tanong ni Jackie sakin. Hindi ko alam kung nagbibiro ba o seryoso si Jackie dun sa sinabi niya pero inirapan ko na lang siya.

"Gaga. Hindi naman ako magpapa-api sa mga yun atsaka itong si Madam medyo bumabait ng konti sakin huh." I said sarcastically. Medyo napapansin ko lang kasi hindi madalas mag side comment itong si Madam. Baka naman nag mature na siya? Haha.

"Talaga?!! Pano na si Papa Luigi niyan? Akin na lang talaga?" naningkit yung mga mata ko at hinawakan yung ashtray.

"Nakikita mo ba'tong ashtray na'to Jacques? Sinasabi ko sayo ipupukpok ko talaga sa ulo mo 'to." sabi ko at nang makita ko na natinag naman si Jackie ay ibinaba ko na ito.

"Eh ano na nga? Halata namang may gusto sayo yung tao." sabi ni Jackie habang naimo nagtatampo.

"Bestfriend ko lang si Louie. Alam mo namang close kami ni Louie college pa lang kami. And I admit attracted ako sa kanya. Gulo ko diba?"

"Okay. Hindi ako makarelate hindi pa kasi ko naiinlove eh." balewalang sagot ni Jackie.

"Eh diba may asawa ka?" naguguluhan kong tanong.

"Secret! Basta tandaan mo paslangin si karibal! Osiya aalis na ko mag-aalaga pa ko ng mga anak ni Bianca. Ah putangina! Ikaw ha pag nagkaanak ka wag mo saking ipapa-alaga yun, ginagawa niyo kong yaya! Putangina talaga makaalis na nga!" padabog na tumayo si Jackie at pumunta sa may pintuan. Kahit kailan talaga walang breeding ang babaeng yun. Haha. Pero hindi siya si Jackie kung hindi siya ganun kabalahura. Kahit siya ang pinaka iba sa aming apat siya naman yung pinaka nalalapitan ng lahat.

"O-M-G!" napatingin ako sa direksyon ni Jackie at nakitang napahinto siya ng makita yung lalaking nakatayo sa labas ng pinto ng opisina ko. Napatayo din ako sa kinauupuan ko.

The Virgin's First Night 3: Once Upon A BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon