Chapter 19

72.4K 1.1K 129
  • Dedicated kay MAHAL ANG TVFN :)
                                    

Chapter 19

King's POV

Nag-aya si Marcella na mag bar kaming dalawa dahil nababato na daw siya sa mansion. Sus. Wala naman akong pakialam kung mabato siya sa mansion eh. Tsk. Sumama lang ako sa kaniya dahil gusto kong mapag-isip. Nag-iisip ako kung paano maibabalik sakin si Sheila. Pahirapan na naman panigurado 'to, baka hindi lang ako 21 times na mabasted nito. Sabi nga nila ang tunay na nagmamahal manliligaw kahit 0.001% lang ang pag-asa. Iinom ko na nga lang 'to.

"Tara honey! Let's dance!" aya sakin ni Marcella. Tangina. Umiinom ako dito eh. Binawi ko lang yung braso ko at tahimik na sumimsim sa iniinom kong brandy. Dapat pala sa bahay na lang ako uminom mag-isa ang ingay kasi dito sa bar, hindi din ata ako makakapag-isip ng matino dito.

"King naman eh! Sige ka makikipagsayaw ako sa iba!" asa namang magselos ako. Mabuti pa ngang makipagsayaw siya sa iba at naaasiwa ako pag dinidikita niya ko.

"Sige lang." walang gana kong sagot sa kaniya at itinuon na lang ang pansin ko sa alak.

"Hay! Bahala ka nga diyan!" padabog niyang sabi at tumalikod sa akin patungo sa dance floor. Maya maya pa ay nakita ko na siyang nakikipaglandian sa dance floor. Napailing na lang ako at ininom ng isang lagok yung natitirang alak sa baso ko.

Tumayo na ko sa kinauupuan ko para lumabas na lang sana sa bar at doon tumambay sa kotse ngunit nakuha ng atensyon ko yung mga taong naghihiyawan sa may bar counter. Anong meron? 

"Tutumba na yan!!" sigaw nung isang lalaki. 

"2 more shots!! Kaya mo yan girl!" sigaw naman nung babaeng katabi nito.

Lumapit pa ko sa counter at nakita yung babaeng nakatalikod. Likod pa lang ulam na ah. Ay shit! Mas maganda likod ni Sheila sa kanya. Parang nahihilo na yung babae kasi parang napipilitan na lang ubusin yung dalawang shots. Nabigla ako ng makita si Brooke, yung kaibigan ni Sheila. Anong ginagawa dito nun? Alam ko may asawa na si Brooke ah? Lalo akong lumapit sa kanila at nagulat na lang ako ng makita si Sheila na pinagkakaguluhan. Hindi ko alam kung anong nangyayari dito pero madaming nakahilerang baso sa counter. Wag mong sabihin siya lahat ang umubos nun?!!

Napatingin ako sa paligid ko at nakita kong madaming lalaki ang naglalaway sa ex-wife ko kaya naman agad akong lumapit sa kanya at inagaw yung isang baso.

Halos mawalan ng balanse si Sheila kaya naman agad ko siyang inalalayan sa bewang.

"MINE!" I said at inisang lagok ang alak. Buti na lang at hindi pa ko masyadong lasing. Naramdaman ko na nakatulog na si Sheila kaya naman kinarga ko na siya at humarap kay Brooke.

"Ako ng maghahatid sa kanya." sabi ko kay Brooke.

The Virgin's First Night 3: Once Upon A BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon