Chapter 6

86.1K 1.2K 102
                                    

A/N: Nakakatamad mag-update lalo na pag 30 comments lang last chapter. :/ Pasensya na po if matagal mag-update. Baka po mag ON HOLD muna ang TVFN. Thank you sa mga masisipag mag comment dyan. Wala ako pake sa votes gusto ko lang malaman reaction nyo sa chapter if maganda ba, natuwa, kinilig or naasar ba kayo. :(

Chapter 6

Sheila's POV

Lumipas ang mga araw, linggo at buwan at going strong na pa din kami ngayon ni King. May isang fail lang talaga sa relationship namin eh syempre sino pa ba edi yung maldita nyang nanay. Hindi ko ba alam kung anong problema nun sakin. Ang matapobre lang masyado buti pa yung asawa nya mabait sakin. Tsk.

Eto pa! Hindi talaga kami magkasundo kahit kailan lalo na pag bumibisita ko sa kanila, andyan yung lalaitin nya yung damit ko kesyo baduy daw, di magka-rhyme ang kulay at madami pang iba. Naku talaga! Pag di ako nakapagtimpi talaga sa sosyal na matandang gurang na yun! Actually mga nasa early 50's pa lang naman sya at mukhang alaga ng derma ang skin nya pero kahit na gurang pa din sya!! 

Last but not the least ay yung sya din ang dahilan ng first away namin ni King. Ipa-blind date ba naman ang boyfriend mo dun sa bet nyang girl for his son matuwa ka kaya? Bastusan ba yun? Alam namang may girlfriend yung anak nya tapos harapan kung ibugaw yung anak nya?!! Buti na lang napagalitan sya ni tito. Ay nakoooo talaga!!

Anyways, kaya ko namang tiisin lahat para kay King. Mahal na mahal ko talaga si King. Parang bukod kena Brooke isa sya sa pinakapahalagahan ko sa buhay ko at hindi ko kakayaning mawala. Si King yung bumubuo sa kulang kulang na parte ng buhay ko. Wala na kong pamilya at iilan lang naman ang mga kaibigan ko. Sya lang kaisa-isang lalaking binigyan ko ng permiso na pumasok sa buhay ko. Itinaya ko na din ang puso ko kung sakali mang masasaktan  ako. Ganun ko sya kamahal. 

Nandito kami ngayon ni King sa isang restaurant celebrating our 6th monthsary pero ewan ko ba iba pakiramdam ko sa araw na'to parang may kakaiba eh. I mean ang awkward lang. Ang tahamik kasi ni King na hindi ko alam if may problema ba sya or what? Hindi naman kasi ko sanay na ganito sya. 

"Love may problema ba tayo? Ang tahimik mo ata these past few days?" tanong ko sa kanya sabay paghawak sa kamay nya. Madalas habang nag-uusap kami bigla na lang matatahimik o kaya naman makikita ko na lang na malalim yung iniisip nya. Ang layo sa nakilala kong King na magulo at laging nangungulit.

"Wala wag mo ko pansinin. May iniisip lang." sagot nya at binigyan ako ng isang pekeng ngiti.

The Virgin's First Night 3: Once Upon A BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon