THE VOICE

10 0 0
                                    

Matapos maubos ang aking panindanamili na ako ng aking mga pangangailangan at bumalik agad ng aking kubo.

Hapon na ng dumating ako sa aking kubo.  Inilapag ko ang mga bitbit at naupo.  Ilang oras pa ang nakalipas nandun pa rin ako at nakaupo.  Nag-iisip.  Iniisip ko yung pinag-usapan nung dalawang tindera sa bayan.

May pangil, ang pumatay sa baboy ramo ay may pangil.  Maraming hayop ang may pangil pero wala akong alam na sumisipsip ng dugo bukod sa lamok at linta.

Hindi ako naniniwala, pero sa ganitong mga lugar posible na mayroong aswang.  Pero ang alam ko sa mga aswang, kinakain nila ang laman loob ng kanilang biktima.  Siguradong wakwak ang tiyak nun o di kaya ay hiwahiwalay na ang katawan kung aswang ang gumawa.

"Imposible naman...hindi pwedeng bampira.  Meron pa ba nun.  At totoo ba yun.  Dito may bampira..?!"

"Hindi, hindi totoo yun."

"Ano ba itong naiisip ko?"

"Ano naman ang kinalaman ni Jonathan               dun?"

"Ah, nagkataon lang yun.  Baka ibang baboy ramo yung nakita nila."

"Marami namang baboy ramo sa gubat.  Baka ibang baboy ramo talaga ang nakita nila."

Tsaka lang ako tumayo at iniligpit ang mga pinamili ko mula sa bayan.

Naggatong na ako ng kahoy habang hinuhugasan ang bigas na sasaingin.  Mula sa maliit na bintana ng kubo sa tapat ng hugasan, para bang may nakita akong tao sa di kalayuan na nakatanaw sa aking kubo.  Muli akong sumilip sa bintana para makatiyak pero wala na akong nakita.

" ah, baka namalikmata lang ako."

" ano ba kasi itong mga pinag-iisip ko?  Sarili ko lang naman ang tinatakot ko sa mga pinaggagawa ko!"

Itinuon kong muli ang sarili sa hinuhugasang bigas.
Matapos kong makapagluto, kumain, nagligpit, naghugas, naglinis ng katawan at nahiga na.

Malalim na ang gabi.  Tahimik ang paligid maliban sa mga huni ng mga kuliglig at pagaspas ng mga dahon sa mga puno.

" Sofia...!"  isang tinig mula sa kawalan.  Tinatawag niya  ang aking pangalan.

" Sofia...!"  muli kong narinig ang tinig na tinatawag ang pangalan ko.  Ang akala ko'y nananaginip lang ako.  Ngunit.....

" Sofia...!"   muli kong narinig ang tinig na tinatawag ang pangalan ko.  At sa pagkakataong iyon ako ay nagising.

Bumangon ako sa pagkakahiga. Malamig ang paligid.  Inikot ko ang aking tingin upang matiyak na walang tao sa paligid.  Ng sigurado na akong walang tao, naisip kong panaginip lang talaga yun.

" Sofia...!"  ang tinig na muling tinatawag ang aking pangalan.  Sa pagkakataong ito hindi na ito isang panaginip.  Gising na gising ako at malinaw kong naririnig na tinatawag ang aking pangalan.

"  Sino yan?  may tao ba dyan?"  tumayo ako at nilibot ang paningin sa buong kubo.  Sumilip din ako sa labas pero wala akong nakitang tao.

Kanino ba ang tinig na iyon?
Bakit nya ako tinatawag?

FALL INLOVE WITH A MONSTERWhere stories live. Discover now