MISTERYOSO

16 0 0
                                    

Maaga akong pumunta para maglaba at pagtapos ay maligoNagtatampisaw ako sa ilog na parang bata at walang pakialam dahil alam kong ligtas ako dito kaya nagagawa ko ang gusto ko.  Ang hindi ko alam ay may mga matang nakamasid sa akin sa di kalayuan.  Kung kanino at kung ano ay hindi ko alam.

Umahon na ako at kinuha ang mga nilabhan.  Sa pag angat ng aking ulo ako'y napasigaw sa gulat, sa takot, hindi ko alam.  Ang alam ko lang nasa harap ko ang lalaking matalim ang titig sa akin at duguan.

"Tulungan mo ako."  yun lang ang tanging narinig ko sa kanya bago sya nawalan ng malay sa harap ko.

Naalala ko ang araw na naaksidente ang aking pamilyaNabalutan ng dugo at wala man lang akong nagawaBinuhat ko ang lalaking matalim tumitig at duguan sa aking kuboHinubad ko ang suot niyang puting t-shirt at pinunasan ang mga dugo sa buo niyang katawan.

Pero bakit ganun, bakit puro dugo lang ngunit wala man lang sugat o kahit gasgas man lang.  Bigla akong kinabahan.  Sino ba itong lalaking ito?  Ano ba talaga ang nangyari sa kanya?

FALL INLOVE WITH A MONSTERWhere stories live. Discover now