Kabanata 9

30 1 0
                                    

Leihanha Nicyla Gray.

Distorbo naman tong alarm, kaines. Ang aga aga! Kinapa ko ang stop button ng ilang beses ngunit hindi parin mawala wala ang tunog.

Nang marealize ko na ang cellphone ko pala ang tumutunog, umupo ako sa kama na tinatamad. Kinuha ko ang phone ko sa mesa sa side ng kama ko, sinagot ko ang kung sino mang tumatawag na hindi man lang tinignan ang screen ng phone.

Eh sa inaantok pa talaga ako? Langya talaga! Sino na naman tong tumawag ke aga aga?

"Hello?"

"What do you need? Istorbo naman oh!" Sabi ko sa kabilang linya, si Pretzel ang kausap ko sa telepono.

"Lei? Where are you?! Malapit na mag start ang class. Hurry up!"

Shit, napadilat ko ang mga mata ko. Kung kanina ay para akong na hangover ngayon ay bigla akong naging energetic.

"What?! Anong oras na ba?"

"It's 7:29 Lei, wag kang magaabsent, may first long quiz tayo at ngayon yun. First subject!"

Napatingin naman ako sa pader kung asan nakasabit ang wall clock. Shet, oo nga! Kailangan ko nang magmadali.

Dahil ata sa sobrang pagkapagod ko eh hindi ko alam na sobra na pala akong inaantok.

Nagmadali akong pumunta sa banyo, at dali dali rin akong nagsuot ng uniporme.

--

"Ohh, iha Lei. Hali kana, sabayan mo kaming kumain dito." ani ni lola pagkababa ko.

"Ah, la? Hindi muna ako sasabay, ano.. Pupunta na ako, sorry po! Late na ako." nagmamadali kong paliwanag.

"Ahh, sige kung ganon, magiingat ka sa daan."

"Opo lola." sabi ko. "Byebye, una na po ako." paalam ko kay lola.

Kumuripas ako ng takbo palabas nang may humarurot sa dinadaanan ko.

Isang matte black na kotse,  walang anu mang gasgas, mukhang mamahalin.

Pero mas napatalon ako sa gulat nang bumukas ang bintana nito.

"Anong ginagawa mo dito?" sigaw ko kay Syntaxx na ngayon ay nakangisi. "Pano ka napunta sa lugar namin?! Pano mo nalaman?!" Sigaw ko na naman, seriously? Ang aga aga eto agad ang bungad sakin? Ang malas ko naman kung ganon.

"Kaya nga eh, ano bang ginagawa ko dito? Naghihintay lang na makalabas ka? Ah, sige. Una na'ko." Sambit nito.

"Seriously?! Hanggang dito ba naman? Tss." Akmang aalis na ako nang pinaharurot niya ang sasakyan niya. "Punyeta ka talagang lalake ka! Ano ba?"

"Sakay." ani niya.

"What?! At baket ko naman gagawin yun?"

"SAKAY? o bubuhatin kita?!" Sigaw niyang tanong. Aba, bipolar ba to? Paiba iba ang mood.

"at san mo naman ako dadalhin?" walang emosyon kong tanong.

"Look, ihahatid lang kita sa school. Pagkatapos nun, wala na! Okay na. Hindi ko naman to gagawin kundi kay Haileey." Sinong maniwala sayo? Ginamit pa si Haileey, hanep talaga tong lalakeng to.

"Ayaw!"

"Ah, sige ayaw mo? Bahala ka sa buhay mo! May quiz pa naman kayo."

"Alam mo ikaw? Hindi kita maintindihan, bahala ka din sa buhay mo!"

Agad akong naglakad, medyo malapit lang naman to kaya okay lang. Walking distance eh.

Mag lalabing siyam na minuto na akong naglalakad dito, medyo malayo pa. Ngina Sana pumayag nalang ako kay Syntaxx. Teka, ba't niya ba naisipan na ipahatid ako? Nako, hindi pwede.

Promise Of LoveWhere stories live. Discover now