Chapter 3: Lance Lim

74.4K 1.2K 23
                                    

Lance is on his way sa meeting place kung saan makikipagdeal siya sa mga Hemsworth, organisasyon sila sa North America na nagdidistribute ng mga produkto ng mafia. Nagtangka kasi itong lumipat ng bagong supplier dahil nakahanap daw ito ng mas murang deal sa iba.

Malaking porsyento ng kita nila ang nakukuha nila sa mga Hemsworth kaya si Lani mismo ang nakikipagnegosyo sa mga ito. Hindi lang alam ni Lance kung anong mas importanteng bagay ang kailangang gawin ni Lani sa araw na ito at siya, bilang kanang kamay nito, ang pinadala niya.

He is also suspicious of the Hemsworth dahil hindi naman ganito makipag-transact ang mga ito, kilala niya ang isa sa mga dealer ng grupo at sigurado siyang may binabalak ang mga ito.

Tinawagan niya ang iba pang leaders ng Vexare Mafia para samahan siya sa deal na ito at maglatag na rin ng trap sa mga Hemsworth sakaling maisahan sila.

Bumaba siya ng sasakyan at ipinasa ang susi sa valet assistant ng hotel.

"Are they here?" Hinanap niya ang mga kasamahan sa valet.

"Si Ma'am Mina at Sir Kristofer pa lang po ang nasa itaas," sagot nito. "Naka-set up na po tayo sa 21st floor."

He acknowledged the valet assistant's answer bago pumasok sa loob. Diretso siyang nagtungo sa elevator para sa mga executives at VIP members ng hotel na iyon. Habang naghihintay na magbukas ang pinto nito, nakita niyang palapit si Peter sa kanya.

"Boss," saludo nito sa kanya. Tiningnan niya lang naman si Peter. "Sorry, may dinaanan pa ako." Inaayos ni Peter ang necktie dahil magulo ito. May dala rin itong malaking briefcase, naglalaman ng mga sample products na ipapakita nila sa mga Hemsworth.

"Don't fool around too much," paalala ni Lance sa kasama.

Nang magbukas ang pinto, sumalubong sa kanila si Mina at kinawayan niya ang dalawang lalaki.

"Nakaset-up na tayo, room 2101 and 2110," report ni Mina kay Lance nang magsara ang pinto ng sinasakyang elevator. Pinindot na rin niya ang 21st floor dahil doon sila patungo.

"Ang mga Hemsworth?" tanong ni Lance kay Mina.

"Mas nauna pa po silang dumating dito sa akin," sagot ni Mina. "Apparently, they stayed on the 20th floor of the hotel since yesterday. They were guarding the whole 21st floor so I have little time to set up our snipers on the adjacent room. Naglagay na rin po ako ng tauhan sa kabilang building just in case. Saka Kris is keeping them occupied as of the moment."

The elevator dinged as they reached the 21st floor. Dire-diretso ang tatlo na nagtungo sa suite kung saan sila makikipagkita sa mga Hemsworth. Peter opened the door for him at diretso naman siyang umupo sa isang pulang sofa, not minding the four guys stationed at the wine bar. Mukhang mga estatwa ang mga ito dahil hindi sila gumagalaw. Mina and Peter stand behind Lance's sofa and they stand as his guard.

Ang babaeng nakatayo at nakatingin sa view sa labas ng hotel room ay tumalikod at binati siya ng isang ngiti na hindi mawari kung sarkastiko o hindi.

"The great Lance Lim!" Lumapit siya kay Lance habang nakataas ang dalawang kamay, para bang gusto siyang yakapin nito.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Lance. Ito talaga ang ayaw niya sa babaeng ito, masyadong clingy. Siya ang Asian connection ng mga Hemsworth sa region nila at kahit ayaw ni Lance ang paraan ng babaeng ito, dahil siya ang in-charge sa operations ng mga Hemsworth sa bansa, wala siyang magawa kundi ang pakisamahan ito.

"Just get straight to the point. We're here for business," he dismissed her idea of a hug. Kinuha niya ang baso na nakalagay sa mesa sa harap niya saka binuksan ang bote ng scotch na nakalagay doon. Nagsalin si Lance ng kanyang inumin.

Criselda: A Mafia RoyaltyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon