Simula

117 2 1
                                        

Simula

Hindi 'ko man aminin ngunit mababakas sa aking mukha ang matinding kaba na kanina ko pa ikinukubli sa aking mga ngiti.
Muli 'kong pinasadahan ng tingin ang dagat ng mga manonood. Nagbabakasakaling may mahugutan ng lakas.

Hindi naman talaga ako ganito. Hindi ako kinakabahan sa mga contest, pero ngayon iba ang epekto nito sakin. Ito ang unang pagkakataon na irerepresent ko ang buong grade 10 sa isang beauty pageant.

"Contestant Number.......9!" Anunsyo ng MC.

"Let's give her a round of applause!"

It's Me! Oh my god! I won!

Nagtungo ako sa gitnang bahagi ng entablado at roon ibinigay ang awards ko. Gov. Montecillo puts my sash, and the former titleholder handed me her crown. She gently placed it on top of my head.

Nagkaroon pa ng konting komusyon dahil marami ang may nais na kumuha ng litrato kasama ako.

"I knew it! Panalo ka!" Yakap sakin ng bestfriend ko.

"Of course Alynna. Ako ba naman ang mentor.." pagyayabang ni kuya/Ate M.

Linapitan at niyakap ako isa-isa ng mga kaklase ko na nagpuyat pa para lang suportahan ako. Ang mga banners na dala-dala nila ay nakaka-agaw pansin.

"...galing mo talaga.." sabi ni jericho. Kaibigan ko.
"...kaya crush kita,e." Bulong niya

"Jeric!" Saway ko sakanya. Alam niyang ayokong marinig ang mga katagang yan. Lalo na kung galing sa kaibigan.

"Oo na.." suko niya, "...seryoso masyado."

Inirapan ko na lang siya. Nilagpasan ko ang iilang mga taong pasimpleng kumukuha sakin ng litrato. Pumunta ako sa kay Mommy na galing pa sa backstage.

"I'm proud of you, L." Niyakap niya ako ng sobrang higpit.

Napatawa naman ako,"My,di na po ako makahinga.."

Tumawa rin siya at tiningnan ang batang nakakapit sa laylayan ng damit niya.

"Are you proud of your Ate, Bryl?"

"I'm proud of you Ate. You know that already.." sagot nito. Kinuskos niya ang kanyang mata at humikab.

Gabi ginanap ang pageant kaya talagang napuyat pa ang mga tao.

"Magbihis kana muna, L. Bago tayo umuwi.."

"Sige po,Ma." Bumalik kaming tatlo sa backstage.

Hindi ko alam kung bakit ako ang isinali nila rito. I mean, yes, sanay ako sa contests. But not in a beauty pageant. I prefer quizbees kaysa ang ganito.

I changed my clothes in to a white short shorts and black top, partnered with our blue varsity jacket.

Hinarap ko si Mama at ipinatong ko sakanya ang korona. I gently placed it on top of her head.

"Yan...bagay talaga sa'yo, Ma."

"Syempre. Ako si Katherine Chua ang Reyna ng Lloren." Pagmamalaki niya.

So, yeah. Ang Mama ko ay si Katherine D. Chua ang 'reyna' ng Lloren way back her kabataan days. And now, She's Katherine Chua- Vermicelli. She married my dad, Riel Zandt Vermicelli.

"That was decades na, Ma." Pang aasar ko sakanya.

"Well, atleast sakin mo namana ang Beauty na meron ka."

"Yeah,yeah.."

Kasama ang ilan pang mga kaibigan at kakilala sabay-sabay kaming nagtungo sa parking lot ng DMMMSU.

StolenWhere stories live. Discover now