40. Ikaw pa din

Magsimula sa umpisa
                                        

Siniko ako ni Maggie. "tell your boy to calm his tits, he can never beat him." makahulugan ngumisi sa akin si Maggie.

Umirap ako sa kanya,"You have so many things to explain to me, Maggie." iritableng salita ko. Tumawa ng mahina si Maggie at nag peace sign kaya napamura ako.

Plinano nila ito! Mabuti nalang at napigilan ko si daddy na dalin dito si Bree. They set us up! Seriously? Sa ganitong paraan at ganitong pagkakataon talaga kami magkikita?

At anong mine ang pinagkakakana ni Luther? Hindi ako sa kanya! Kasama niya si Celine pero ganyan siyang umasta?

I won't do the same mistake like my mom did. Ayokong maging kabit. Ayokong makasira ng relasyon.. Kahit gusto ko si Luther.. Ayokong maging kami kung may masasagasaan ako. Besides, I'm not sure if I'm going to have him again. If I persue Luther--  we will face war.

Hindi lang ako sigurado kung kaya ko siyang bitiwan kapag hinawakan niya ulit ako.

"Hey.. I need to go na." biglang nagsalita si Celine na katabi ni Luther. Ganyan ba kaimportante ang katext niya para hindi malaman kung ano na ang ganap?

"Leaving so soon, e? Mabuti naman." humalakhak ng bahagya si Draco. Bahagyang nawala ang ngiti ni Celine. Umiwas ako ng tingin sa kanila.

"Talagang ayaw mo sa akin noh?" ramdam ko ang lamig sa boses ni Celine. Hindi ko na maiwasan na mapabaling sa kanya. Ang mga mata niya ay nakatingin sa akin na ikinagulat ko.

Ngumiti siya. I just don't know if it's real. Bumaling ulit siya kay Draco na nagkibit balikat lang sa kanya.

"Draco," puno ng otoridad si Luther.

Madramang umirap si Draco kay Luther. "Whatever!"

Tumayo si Celine at ganoon din si Luther. Why is he acting like he has something for me kung sila ni Celine. Gunugulo niya ako. Umaasa ako na ako pa din, e.

Kung babalik siya. Kuntento na ako kung maayos na siya kay Celine. First, ako naman talaga ang nagtulak sa kanya na umalis. Ako ang nagtulak sa kanya kay Celine. Ako ang bumitiw. Pero bakit ako pa din ang naka-kapit?

Hindi ko maiwasan sisihin ang mga Dela Fuente. Nilaro nila ang buhay namin ni Luther. Pinagkaitan nila ng pamilya ang anak ko. They deprived me for having Luther.

"Excuse me," tumayo ako ng makaalis si Luther at Celine. I don't want them to see kung gaano ako ka-apektado kay Luther. He seems fine with Celine. Magmumukha lang akong tanga kapag umasa pa ako.

Pumasok ako sa banyo. Naghilamos ako para mapigilan ang pagtulo ng luha. Bakit ako nasasaktan? Dapat ay handa ako sa ganito diba? Nalampasan ko yung dalawang taon na wala siya. Natanggap ko sa sarili ko na hindi talaga kami para sa isa't isa. Bakit ka nagmumukmok ngaun dito Atasha?

Magaling aking magtago at magpanggap ng totoong nararamdaman ko. Bakit nahihirapan akong itago na bitter ako!

After I retouched my face, lumabas ako para bumalik sa kanila. Ayoko naman maiwan ng matagal doon si Blake at baka gutay gutay na yon pagbalik ko.

Bumagal ng bumagal ang lakad ko ng namataan ko ang pamilyar na tindig. Nakahalukipkip siya sa tapat ko habang galit ang mga mata na nakatingin sa akin.

"L一Luther.." I stuttered. I tried to smile at him. Ayokong ipakita na apektado ako na si Celine pa din. Na sila pa din.

Nag-igting ang kanyang panga. Matalim ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"May iba kana?" malamig na salita niya. Natigilan ako at nawalan ng salita. Bakit niya tinatanong? Siya lang ba ang may karapatan na magkaroon ng iba? Siya lang ba ang may karapatan mag moved on?

Umiling lang ako. Lalagpasan ko sana siya ng bigla niyang hawakan ang palapulsuhan ko. Umakyat yata ang dugo ko mula sa paa hanggang sa ulo.

"We're done. Let me go." mahinahon pa ako.

Halos manlambot ang tuhod ko sa dumaan pain sa mga mata ni Luther. Diretso lang ang mga mata niya sa akin na puno ng panunumbat. "Not this time, baby.." hinila niya ako.

May kung anong kaba akong naramdaman sa dibdib ko na alam kong si Luther lang ang nakakapagbigay sa akin. Naiinis ako dahil ganito pa din katindi ang epekto niya sa akin.

Nataranta ako ng bahagya ng hilahin niya ako sa back exit ng hotel. Namataan ko pa si Simon sa dulo ng exit. This is ridiculous! Pinagkakaisahan nila ako!

Tinapik ni Simon ang balikat ni Luther. Walang sagot si Luther kundi ang sunod sunod na pag igting ng panga niya.

"Sa Edsa ang daan para matagal tagal mo makasama." ngumisi si Simon. Napairap ako sa kanya pero hindi maalis ang ngisi niya.

Dumiretso si Luther sa basement kung nasaan ang sasakyan niya.

"Kasama ko si Blake, ano ba!" nagpumiglas ako ng pinatunog niya ang sasakyan sa harap ko. Bakit ba ang talim ng tingin niya sa akin?

Ang galit ko kanina ay tuluyan ng sumabog. "Bakit mo ako dinala dito? What the fuck is wrong with you--"

Pinutol ni Luther ang sasabihin ko. "What the fuck is wrong with me? You don't know what I've been through just to come back to you.. Tapos.. may Blake? Tangina!"

"Come back to me?" I laughed mockingly. "Seryoso Luther? With Celine?" wala na akong pakialam kung tunog bitter ang salita ko. He made me pissed!

Natigilan si Luther at mahinang nagmura. Umiling ako sa kanya at ngumiti ng mapait.

"Speechless? You dragged me here para ano? Maging kabit mo? Hinding hindi ko gagawin ang ginawa ni mommy, Luther."

Nalaglag ang panga ni Luther sa burst out ko. You want to talk. Then I'll give you talk.

"You just came back like nothing happened? Two years Luther. Kakasakay mo palang ng eroplano ng malaman ko na hindi talaga tayo magkapatid. Two years!!! dalawang taon and you expect me to accept you with open arms? Na ano? Sasabihin ko na welcome back Luther?" galit na galit ako. Simula ng mabago ang buhay ko, ngaun lang ako sumabog ng ganito.

"I just knew it recently. Why are you mad me?" lumambot ang boses niya.

Tumulo ang luha ko habang natatawa ako.
I need to say this.. I need to let out the thing that's really killing me.

"Took you long enough huh?" sarkastikong salita ko.

"Kaya ba may Blake kana?" malamig na salita niya. Umiling ako. This is going nowhere!

"Kaya si Celine pa din diba? Siya pa din! Kayo pa din!" balik salita ko sa kanya. Natahimik si Luther at napapikit ng mariin. Umiling ako sa kanya. Kumikirot ang dibdib ko sa pagsabog ng madaming emosyon ngaun.

Tumalikod ako at nagsimulang maglakad pabalik sa hotel. Dalawang hakbang palang ang nagagawa ko ng natigilan ako. "Mali ka.. Ikaw pa din, Sasha."

Umiling ako at huminga ng malalim. Dumiretso ng lakad pabalik sa hotel. Kung ako pa din, bakit may Celine pa din? Asshole!

No Strings (Strings Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon