"I've heard everything about you.. Hindi kana pala Dela Fuente. And Jesus! Nagkapalit kayo ng family ni Luther. You need to tell me the story.. I thought magiging sister in law na kita." ngumiti siya ng tipid. "Hindi naman pala kayo magkapatid." pahabol niya. Bumalik sa upuan si Celine katabi ni Luther.
Hindi ko alam kung bakit nairita ako kay Celine kahit wala naman talaga siyang sinabing masama. Ni hindi manlang ba ako naikwento ni Luther sa kanya?kinakahiya niya ba ako? Naiinis ako!
Gusto ko sanang sabihin sa kanya na一 oo hindi pala kami magkapatid kaya humanda ka at babawiin ko siya seyo! Kaso.. May babawiin paba ako?
Nagsimula ng iserve ang meal. Ni hindi ko magalaw ang pagkain sa harap ko dahil sa tensyon. O-- ako lang ba ang natetensyon? Nasa harap ko pa si Luther habang pinaghihiwa niya ng steak si Celine.
What a scene!
Bakit di nalang niya isubo ng buo ang steak! May nalalaman pang pahiwa hiwa!
"Hindi talaga ako naniniwala na okay ka. You murdered the steak." bulong ulit ni Blake sa tabi ko. Natigilan ako sa pagtusok tusok ng steak. Hindi talaga ako apektado! Tangina!
Bumaling ako sa kanya na ikinasinghap ko. Sobrang lapit na naman ng mukha ni Blake sa mukha ko. Napaatras ako ng bahagya ng biglang natawa si Simon at Draco. Medyo tabi- tabi kasi kami sa table sa kaliwang side habang sa kanan side naman ang family nila Maggie.
Napatingin ako sa kanila. Celine's busy now texting to who the hell I care! Sumimsim ng wine si Luther habang galit ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay mabilis na nag-igting ang kanyang panga.
Bakit siya galit? Diba ako ang dapat magalit sa kanya? Hindi niya ba ako pinili dahil sa war between our family? Hindi niya ba ako binalikan coz' it's more convenient to be with Celine? Kasi napagod na siyang ipaglaban ako?
"Wala na bang work sa office, dude?" tanong ni Darton kay Blake. I introduced him to them pero alam kong ilag sila kay Blake.
Umirap ako. Luther and the gang.. Pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari. Or assuming lang ako? Jesus! Whatever 一 sobra sobra pa din ang kaba ko.
"Kung sa trabaho lang, madami." ngumiti si Blake sa kanila.
Natigilan pa ako ng ipahinga ni Blake ang braso niya sa likod ng inuupuan ko. Mabilis akong napainom ng tubig ng bumulong si Simon kay Luther na lalong kina-igting ng panga nito. Nagpakawala ng mura si Simon kaya naagaw niya ang atensyon sa kabilang side.
"Simon, watch your mouth." masungit na salita ni Maggie. Parang batang umayos ng upo si Simon. Somehow, natutuwa ako kay Simon. Even if he has no say on Maggie-- okay lang sa kanya. I envy Maggie for having her true love.
"You should stay in the office then." sagot pabalik ni Draco. Mabilis akong napalingon sa kanya at pinanlakihan siya ng mata. He's rude! Mabait na tao si Blake. Hindi ako papayag na bastusin lang nila yung tao!
Nagkibit balikat lang sa akin si Draco sabay inom ng tubig.
"I want to be with, Sasha. Work can wait." seyosong sagot ni Blake. Bigla nalang siyang pumormal. Ugh. Ramdam na ramdam ko ang tensyon na nakaikot sa amin. My goodness! Pwede bang mag evaporate nalang ako?
"You had your time with her, dude. Can I have mine?" sagot bigla ni Luther. Halos maibuga ko ang tubig na iniinom ko.
"Well.. I don't share." matigas na sagot ni Blake.
Ngumisi si Luther," Really? You try me then." malamig na sagot niya sabay igting ng panga.
Ugh! What the hell? Yung mga katabi namin ay panay ang ngisian. They are enjoying the scene. Ako naman? Gusto kong lumubog sa inuupan ako.
YOU ARE READING
No Strings (Strings Series 1)
General Fiction(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..
40. Ikaw pa din
Start from the beginning
