Sa sobrang kagagahan ng nanay ko ay pati galit niya sa akin ay pinamana niya kay Bree.
"Who's Maggie?" pagsali ni Blake sa usapan.
"Asawa ni Simon.. Remember? Yung binilan mo ng BMW?" sagot ni Kuya. Really? Nakita na ni Blake si Simon?
"Oh-- can I join, Sasha?"salita ni Blake. Nabablangko ako. Hindi ko alam ang isasagot ko. Mostly kasi kapag ganito ang situation ay si kuya ang bumabara sa kanya, hindi yata niya gagawin ngaun.
I can't answer him either.
Good thing after ten years ay sinagot din ni papa ang tawag ko.
"Why baby? Got a problem?" malambing na salita ni papa John. Napangiti ako. Kahit kailan, hindi ko pinagsisihan ang pagpili ko kay papa. He gave me love that I deserve. Yun lang kuntento na ako. Bonus na yung naging buong pamilya kami at lahat ng binibigay niya sa amin ni Bree.
"No, can you--" pumikit ako nag mariin. Bakit ba natetense ako? "Pwede pahatid si Bree dito?"
Sandaling tumahimik si papa. Tila ba nag-iisip. "San kayo pupunta?"
"Sa Shangrila Makati, Pa. Birthday ni Maggie."
Tumahimik sa kabilang linya. I bet papa is thinking. Ayaw na ayaw kaya niyang nalalayo si Bree sa paningin niya.
Minsan naisip ko kung nakakausap paba niya si Luther. Ayoko naman magtanong coz一 I'm scared. Papa thinks that I'm okay now. Wala naman siyang galit kay Luther coz he knows our story.
Pero alam kong may tampo siya. Luther never come back to me. Tsaka, Luther is a Dela Fuente. Hindi pa din kami pwede.
"I'll bring her there. Tell me the time, we'll be there." papa said with finality. Tumango ako kahit hindi niya nakikita. Mukhang spoiled at brat lang ako pero takot ako kay papa. Not that he scares me. Ganoon lang talaga kalaki ang respeto ko sa kanya.
I texted the details to him. 3pm naman ang start so Bree can go with me.
"Can I go with you?" ulit ni Blake sa tanong niya. Tumingin pa ako kay kuya to save me pero tinaasan lang ako ng kilay ng mokong! He's playing us! Kakainis!
"Okay," ngumiti ako ng tipid.
"Yes!" masayang masaya si Blake.
"Wag kang masyadong masaya, Makakasama mo siya coz I let you be with her. Remember that." Si kuya Eros. Napailing nalang ako. Pinag lalaruan niya ba si Blake? O sinusubukan niya yung totoong feelings ni Blake? Anyhow, basag na naman si Blake!
"We're best buds, dude! Why can't you just support me? Nahahalata na kita一 you're being hard on me, do you like Sasha?" walang abog na salita niya kaya nalaglag ang panga namin ni kuya.
"What the fuck dude? She's my sister. Kilabutan ka nga!" ngumiwi si kuya kay Blake.
Memories of yesterday flashed inside my head. The memories that I badly want to forget. Nawala ang ngiti ko. Siguro kahit gusto kong kalimutan, hindi na pwede. It maybe healed by time一 but never will be forgotten.
"Okay, just curious. Ngaun mo lang ako pinakielamanan when it comes to girls." sagot ni Blake. Umirap si Kuya na halatang nairita. "Of course, you're hitting on my sister you idiot!"
"Bastard! You shouldn't spill the bean." napayuko si Blake sat pumikit ng mariin. Namula ng bahagya ang leeg niya.
Natawa si kuya sa inarte ni Blake. "You're damn obvious, dude. She's not naive nor stupid. Take care of her though.. You know that I can kill for her."
Aww.. Now tell me kung hindi ako maswerte na si kuya Eros ang naging kuya ko? Nevertheless-- naistress ako ng bongga sa kanila.
After our thing in the office pumunta na kami sa venue kung saan gaganapin ang birthday ni Maggie. When we entered the hotel. Bonggang chandelier ang sumalubong sa amin. Ang alam ko sa restaurant ng hotel gaganapin. Hindi naman bongga coz Maggie wants her birthday to be intimate. Tsaka, loner kaya yon! Walang friends. Just me.
"Is it really okay if I join you? I mean-- gate crasher ako." tanong ni Blake.
Ngumuso ako. Kumaway pa nga ako ng namataan ko si Maggie. "So... You're backing out?" tumaas ang kilay ko.
Nag-igting ang panga ni Blake. "Hell no!"
Yun naman pala!
"I'm glad you came Sasha.. How are you?" bungad ni Maggie sa akin.
"I'm fine, I'm waiting for Bree." nagtext kasi si papa na papunta na sila. Tumango si Maggie at bahagyang natensyon ang itsura.
"Oh-- you're?" napatingin siya kay Blake na tahimik ngaun sa tabi ko. I almost forgot Blake. Tumaas ng bahagya ang kilay ni Maggie sa kanya. Umirap ako ng palihim, alam ko naman na president siya ng club ni Luther, e.
"He's Blake." tipid na sagot ko. Seryosong seryoso si Blake hindi katulad kapag ako ang kasama niya. Sinasapian ba ito kapag may ibang tao? He's too formal.
Siniko ko si Blake. "Chill, loosen up,"
Iniabot ni Blake ang kamay kay Maggie.
"I'm Blake Anderson Ibañez." formal na formal talaga siya kaya napabuntong hininga ako.
"Mr. Ibañez?" si Simon. Nagkamayan ang dalawa. " Sasha," makahulugang tumaas ang kilay ni Simon.
"Simon," sagot ko. Hindi ko alam kung bakit ba kinabahan ako.
For some reasons, Blake's kinda loosen up himself. Nag- usap sila ni Simon about something.
"Sorry ha, we're waiting for someone. On the way na naman." salita ni Maggie habang nakaupo na kami sa long table. I greeted her brothers and parents as well. Vip namang hinihintay nila. Hindi kami makapgsimula dahil sa kanya! The heck lang.
Napatingin ako kay Blake na nakikipag usap pa din kay Simon. I admire the way his jaw move everytime he speak. The way his mouth opened everytime he talk. Kung hindi mo kilala ang totoong Blake. You will be intimidated by him.
Minsan naisip ko na buksan ang sarili ko kay Blake. He's not bad. Hello? Successful bachelor. Gwapo, mayaman, matalino, may humor, every girls dreamt for a guy. He's perfect nga--
"Sorry, I'm late."
Natigil ako sa pag titig kay Blake. I was too stunned to say anything to see Luther standing live infront me. Fuck. He's here!
I was at my almost with Blake. But seeing Luther now? Maybe... Blake is not my guy..
YOU ARE READING
No Strings (Strings Series 1)
General Fiction(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..
39. Not my guy
Start from the beginning
