Nakahinga agad ako ng maluwag. What the hell? We almost kissed each other!
And the fuck that I let him.

Nagpakawala ng mahinang mura si Blake at masamang tumingin kay kuya. Tumaas ang kilay ni kuya Eros sa kanya. "What?" ngumisi si kuya kay Blake na halos patayin na siya. Umayos ako ng upo at inayos ang skirt ko na medyo tumaas na.

"Great, Eros. You always have the perfect timing." Blake said sarcastically. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko sa sobrang kahihiyan. Muntik na yun ah!

Natawa si Kuya Eros na tila nang-iinis pa.
"Now is not the perfect timing, dude. Or.... Maybe.... There is no perfect timing for you. Believe me---I just saved your ass from misery.." makahulugan na tumingin sa akin si kuya kaya nag-iwas ako ng tingin.

Oh--yeah, Sasha! You confessed to him that you're still into Luther, right?

"Misery your face, man!" matigas na ingles ni Blake. Halatang medyo nairita sa sinabi ni kuya. Nakakainis pa si Kuya dahil nagkibit balikat lang siya pero nakangisi pa din.

Hindi ko alam kung tama ba na inamin ko na si Luther pa din or dapat sinarili ko nalang? Whatever it takes, malaman man niyo or hindi--- si Luther pa din naman talaga.

Eventhough I still love him. Nagagalit at naiirita ako sa kanya. Kung hindi niya pinakasalan si Celine--- why are they still together? He promised me that he'll carry me wherever he go. He promised to come back to me on bended knee! Nasaan na yung pangako niya? Napako na?

Madaming tanong ang utak ko na naghahanap ng sagot sa kanya. Bakit hindi niya ako kinontak? Kasi, sa dami ng nangyari, hindi ako naniniwala na hindi niya nalaman ang nangyari sa akin.

Though, sino ako para sumabatan siya? Lumaban siya noon pero sumuko ako. Tinaboy ko siya. Ano pa ang aasahan ko sa kanya一? I let him go一  maybe, he did the same thing. So, mag- emo ka nalang forever Atasha!

I cleared my throat to lessen the awkwardness inside my office. Ewan ko ba sa dalawa na ito kung bakit dito naglalagi sa office ko.

"What brings you here nga pala, kuya." pagbasag ko sa katahimikan.

"Your secretary called you twice on the intercom. You're not answering-- yun naman pala," he smile maliciously at me. Pinanlakihan ko siya ng mata.

Minsan feeling ko tinataboy niya ako kay Blake. Pero kapag si Blake ang gumagawa ng way ay palagi niyang binabara. Ano ba talaga kuya?

"Spill it. Dami mong alam, e."iritadong nakisabat si Blake kahit nasa papers sa harap namin ang mga mata niya.

"Bitter." natawa ng malakas si kuya ng nagmura ulit si Blake. See? Ang sakit nila sa ulo diba?

I sighed heavily. "And?" I cut their nonsense talk.

"Maggie called to remind you for her birthday,  whatever一later." diretsong salita ni kuya.

Napahampas ako sa noo ko. Oo nga pala! Mamaya na iyon! How come you forgot, Sasha! Wala pa akong nabibili na regalo. Ugh.

"Wala pa akong gift," problemado kong sabi.

"Then don't come." napatingin ako kay kuya Eros na seryoso ulit. Bakit ba napalibutan ako ng weird?

"Magagalit si Maggie-- ako lang kaya ang friend 'non." natawa ako ng bahagya. Inilabas ko pa ang cellphone ko para tawagan si papa na ihatid si Bree dito. Isasama ko siya.

Hindi ko masyadong inilalabas si Bree. Sa mundo ko ngaun na magulo at kilala sa elite world. Ayokong makilala nila ang anak ko. At takot ako-- takot akong makita siya ng mga Dela Fuente. Specially my mom.

No Strings (Strings Series 1)Where stories live. Discover now