Part Three: The Past

2 1 0
                                    

"Xiela, anak?" Tawag sa akin ni mama. Balisa ito at halatang walang tulog ng ilang araw.

"Yes po Mama." Sagot ko na obvious naman na walang kamuwang muwang. I was just 6 then. Turning 7 next month.

"Halika anak. May sasabihin ang mama sayo." Lumapit ako kinandong niya ako. Nakita kong pinahid niya ang tumulong luha sa mga mata niya.

"Mama, are you crying? Bakit maputla po kayo? Haven't you slept?" Sunod sunod ang naging katanungan ko. At the age of 6 masyado na akong maraming napapansin. I was who's superbly observant.

"No baby. I was just thinking. And mom's haven't seen the Mr. Sun for days. Alam mo naman busy si mama nitong mga nakaraang araw." Sabi nito sa malamyos na tinig habang nakasmile. Kahit ngumiti ito, hindi maitatago ang sakit na nadarama nito. My mom knows how to fake things just to make the atmosphere clam.

"Okay." Sagot ko na lamang

"Anak? When everything went wrong, don't forget that mama loves you so much. Okay?" I could feel her voice cracked but she easily retrieved it.

"Okay." Nagtataka man ay sumang ayon na lamang ako. I can sense that there's something wrong with our conversation and it brings worries to me.

She kissed my forehead before she spill the words that broke my whole life.

"I'm leaving you to Uncle Rendon huh? Be a good girl to him and follow what he says. Okay?" Tears started to fall in my little chubby cheeks. Hindi ko gusto ang takbo nga aming usapan. Para bang hindi ko na siya makikita kailanman. Parang namamaalam si mama sa akin.

"Why mom? Where are you going? Don't you love me? Who will love me ma?" Sunod sunod kong tanong habang humihikbi. Biglang may kumatok sa pinto at pumasok si Uncle Rendon. I never thought na sa mga oras na yon na kami maghihiwalay.

"Rendon, ikaw na ang bahala sa anak ko. Alagaan mo siya at mahalin." Then she turned to me. "Anak, tandaan mo na mahal na mahal kita. Someday our roads will come to its intersection. Hihintayin kita don. Sana hindi mo ako makalimutan." Tears fall freely in my mother's eyes. And I was freaking crying my lungs out dahil sa mabilis na mga pangyayari. I can't believe this will happen. Did I do wrong?

"Yes ate Jane." Kalmadong sagot ni Uncle Rendon. Where did he get all those calmness when I can't even have that right now? "Mag-iingat ka ate. Sana hindi ka niya sasaktan." Hindi ko maintindihan kung ano ang pinag uusapan nila mama. Ang tanging alam ko lang ay ilalayo ako sa kanya. Ilalayo ako sa taong tangi kong sandigan at kakampi. The only treasure I had.

Kahit anong pagpumiglas ang gawin ko, kahit lumuha pa ako ng dugo, hindi na mababago ang desisyon ni mama na ihabilin ako kay Uncle Rendon.

Nakasakay na ako sa magarang kotse ni Uncle Rendon nang may humintong sasakyan sa labas ng bahay. Sumilip ako sa likuran at nakita kong may lumabas na dalawang nakaunipormeng lalaki. Kinausap nila si mama. Nang paalis na kami ay nakita kong sumama si mama sa mga lalaki. Nagtatakang tinanong ko si uncle pero hindi niya ito sinagot. Para tuloy akong eng-eng na nagsasalita.

++

Maging sa kasalukuyan ay malaking palaisipan pa rin sa akin ang nangyari 11 years ago. Pero nasanay na akong mag isa.

"May bagong estudyante daw dito sa Lampain!" Halata ang excitement sa mga mata ni Monie habang nilalahad ang balita. Nasa cafeteria kami at nagla-lunch.

"Not interested." Wala naman talaga akong paki kung may bago mang pumasok sa paaralang ito. I don't own this school in the first place.

"Sure ka ha?" Hindi pa rin mawala ang ningning sa mga mata nito. "Alam mo ang-" hindi nito natapos ang sinasabi ng may biglang pumasok sa loob ng cafeteria. Almost all the people around are looking at the same direction.

"Hahaha ... " tama bang narinig ko?

"Akala ko siya na." Tila nadismayang saad nito sa kasama.

"I thought also. Panira talaga yang si Jophet. Akala mo kapogi-an. Imba naman yong paa. Stress!" Reklamo naman ng isa sa kabilang table.

I looked at the direction where Monie is looking at. Natawa ako ng makita ang reaksiyon niya. Disappointment. Sino ba namang di madidisappoint kung ang poging lalaki ay isa palang PWD? That's all the reactions they get when they sees this Jophet guy. Nakakaawa naman. Discrimination still exists. And I think hindi ito basta basta mawawala sa lipunan.

"Hay naku! Akala ko siya na. Naloko ako don ah!" She said it more to herself.

I just chuckled.

"Ayan kasi mahilig sa pogi. Nalinlang ka tuloy." Pang aasar ko sa kanya.

"Tse! Hindi lang naman ako no! Lahat kaya kami dito natigilan." Defensive nitong sagot habang nililibot ang paningin sa loob ng cafeteria.

"Okay naman si Jophet ah? Bat parang disappointed ka masyado?"I grinned. I really know her weakest point.

"Baliw ka talaga!" She hissed. Natawa ako sa reaksiyon ni Monie.

Natahimik kaming bigla nang may pumasok ulit sa pinto ng cafeteria. I looked at the crowd and saw the excitement in their face. Kahit mahina ay rinig na rinig ko ang pagkamangha sa kanilang tinig. Just then, I realized what they're looking at. A man. Not just a man, but a very intimidating and almost perfect man. No doubt. Kaya pala kahit ako napatitig dito. But some akin feeling circulated through my senses. Hindi ko alam kung bakit pero my heart is beating to it's fullest.

"Oh... My... Gosh... " sabi ni Monie in a slow motion. "He's really here..!!" Mahina pero patiling dagdag niya.

Pinilig ko ang ulo ko to forget what I'm thinking. Ano ba tong iniisip ko? Am I attracted to the man? Kahit sino naman talaga ay maiinlove at first sight dito. He was almost goddamn perfect. He's like a god of Greek myths.

"Ang gwapo niya. No. He's sooo hot. Yes. Hot." Parang baliw itong nagsasalita mag isa. "Whooo... It's soo hot here. Tubig please!" Sabay lagok ng isang basong tubig. Bigla itong napaubo dahil sa paglagok nito ng tubig. Seriously? Grabe naman tong lalaking to. Ang lakas ng impact niya sa mga girls. Nabulunan tuloy ang baliw kong kaibigan. Napailing na lang ako.

Umupo ang lalaki sa isang vacant na mesa sa kabilang side lang namin. Halos mabaliw na sa pagpaypay si Monie sa sarili ng makitang papunta ito sa direksyon namin kanina. Akala ko nga iiwan niya ako sa mesa at lilipat sa kabila, but she did not do it for dignity's sake. Pero may mga babae talagang lumapit dito at nagpresentang sasamahan ito. Hindi nito pinansin ang mga kiring babaeng yon. Ni hindi man lang ito nagsalita. Suplado.

"Yan ang napapala ng mga malalanding tulad niyo. Di makapaghintay kasi eh." Mahinang usal ni Monie. Kanina pa ito nanggagalaiting sabunutan ang mga babaeng lumalapit sa lalaking yon. Xyren. Yon ang narinig kong pangalang tinawag ng isang babae sa kanya.

"Hayaan mo na sila. As if may bago pa sa mga inaasta ng mga yon. And hindi mo naman boyfriend yong tao. Kung makapagsalita ka jan akala mo naman kayo. Wag masyadong ano.. ha?" I said as if I'm so serious. Diba? Hindi naman niya to pag aari para ipagdamot sa iba. No one owns him. Wala nga ba? I don't wanna find out, anyway. Hindi ako interesado.

"Hindi naman sa ganon no. Privacy naman sana diba? Hindi na nga sila pinapansin ni Xyren eh." Defensive talaga to masyado. But what she said is somewhat true.

"Sus. Defensive ka naman masyado." Natatawa kong sabi. I've never seen her this affected with a man. Nakaka amuse.

"I'm just saying lang kaya ..." Natawa na rin ito. Hindi namin napansin ang dalawang pares ng mata na nakatingin sa direksyon namin.

++

Author's Note:

Thank you sa lahat ng patuloy na nagbabasa ng #TheDevilInside. Sana hindi kayo magsawa sa pagbasa.

Don't forget to comment, like and share. Sa mga silent readers, thank you pa rin. Hhe

I'll post the next update soon.

-darksponge

©October2017

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 09, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Devil InsideWhere stories live. Discover now