Habang nanonood kami madami akong nalaman tungkol kay Kc. Tulad ng wala itong boyfriend, nagkaroon ito dati pero hindi nagtatagal dahil hindi daw nito nakakasundo ang ugali ng mga naging boyfriend. Naisip ko tuloy na mukang mahirap itong pakisamahan pero mukang hindi din naman. Second year collage nadin si Kc classmate nito si Jonalyn sa kursong accounting sa isang semi private school. Medyo malayo sa kanila ang pinapasukan ng mga ito may kulang 30 minutes din ang byahe nun sa jeep.

Hindi pa namin natatapos ang pinanonood ng tawagin na kami ng mama ni Kc para mag tanghalian. Sinigang na pork ang ulam ng mga ito. Hindi ako makakain ng mabuti dahil nahihiya pa ako ng kaunti.

"Nabusog ka ba?" Tanong ni Kc sa akin ng pabalik na kami sa kwarto nito.

"Oo salamat" pagsisinungaling ko.

Isang sandok lang na kanin ang nakain ko kaya bitin sa akin yon, tatlong sandok na kanin kasi ang nakasanayan ko talagang kainin.

"Baka naman nahiya ka pa kanina Jessy!" Pang aasar ni Jonalyn sa akin.

"Hindi okay na ko!" Pagkakaila ko ulit.

Nakadalawa pa kaming movie bago nagsawa sa panonood at nagbidahan nalang habang nakasalakay sa kama ni Kc na pink na pink.

Parang kinikiliti ang pakiramdam ko kapag nasasamyo ko ang bedsheet nitong amoy downy at amoy ng pabango nito.

Gosh! Ang bango talaga!

"Hoy Jessy!" Tapik sa akin ni Jonalyn.

"Nakatulog ka na yata Jessy" sabi ni Kc.

"Ahh medyo" sabi ko kahit hindi.

Napapikit kasi ako dahil sa bango ng higaan nito plus nasabayan pa ng pag de-day dream ko.

Parang manyak lang!

"Mamaya ka na matulog sagutin mo muna yung tanong ni Kc kung may boyfriend ka na ba?" Sabi ni Jonalyn.

"Ha bakit?" Parang ewan na tanong ko.

"Anong bakit?" Natatawang tanong ni Kc. "Uncomfortable ka ba sa tanong ko?" Dugtong pa nito.

"Hindi naman!" Mabilis na sabi ko. "Ano kasi.. Wala akong boyfriend"

"Eh dati" tanong ulit nito.

"Wala.. Hindi pa ako nagkaka boyfriend" na iilang na sagot ko.

"Hah bakit naman?" Takang sabi ni Jonalyn.

"Ayaw ko muna kasing mag boyfriend" di makatingin sa mga itong sabi ko.

Ang totoo nyan hindi pa ako nag kaka boyfriend dahil ayaw ko ng boyfriend ang gusto ko girlfriend. Nadiskubre kong lesbian ako pagka graduate ko ng highschool. Indenial pa kasi ako noon at natanggap ko na lesbian talaga ako nung college na ako. Nagka girlfriend na ako ng minsan pero ng masaktan ako hindi na ako sumubok pa ulit. Yung naging girlfriend ko kasi noon pinag palit ako sa isang lalaki. Kaya natatakot na akong sumubok ulit na makipag relasyon.

"Ano yan study first before love.. Hindi na uso yon!" Sabi ni Jonalyn.

"Ginaya mo naman sayo si Jessy hindi lahat ng tao katulad mo!" sabi ni Kc.

"I know right hindi lahat katulad kong maganda!" turan ni Jonalyn na tumayo at saka biglang rumampa na parang beauty queen.

Napangiti na lang ako sa dalawa na tawa ng tawa.

Mayapat inaya uli kami ng mama ni Kc na mag hapunan. Ang bilis ng oras.

Tumanggi na ako dito at sinabing uuwi na pero hindi ako pinayagan ng mga ito. Kaya napakain na din ako ng hapunan kahit na hiyang hiya. Pagkatapos nun nag stay lang ako ng sandali at nag paalam na din. Kahiya namang pagkakain layas agad di ba.

Masaya akong nakauwi ng bahay.

Habang nakahiga hindi mapuknat ang mata ko sa pagkakatitig sa numerong naka save sa cellphone ko.

Number iyon ni Kc nag palitan kami ng numero pati na din si Jonalyn. Di lang yun pati facebook account ko tinanong ng dalawa. Nagulat pa si Kc ng malamang friend na kami sa facebook at ka batch ko pa ang mga ito nung highschool.

See.. hindi siya nito kilala pero ako kilalang kilala ko ito.

Napangiti ako ng maalala ang pagtatampo ni Jonalyn na hindi ko pa ito friend sa facebook. Hindi ko naman kasi ito kilala, si Kc lang talaga ang kilala ko dahil sikat ito. Ito ba naman ang campus queen ng school namin sinong hindi makakakilala dito?.

Pero for real? Totoo ba talaga ang lahat ng mga nangyari ngayon?

Hindi ba ako nanaginip lang?

Talaga bang nakasama ko si Kc at nakausap? Nakatabi? Nahawakan?

Haaaaaaaaaayyyyyyyy!

"Sana mag kita ulit kami Lord pleaseeee!" Dasal ko bago matulog.

------

Keep reading thanks!

Kc.. A Dream Come TrueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon