"I can forget that you are my friend Dec ."

He stood up and raised his hands in defeat. "Whoa. Easy , I'm just kidding."

"And I'm not." nagtatangis ang bagang ko , gusto ko siyang suntukin . Huwag na huwag niyang idadamay sa kalokohan ni si Ilume .

"Init agad ng ulo . Matulog ka na nga." naglakad na siya palabas ng kwarto . Agad na akong nahiga para maikalma ang sarili . Baka kung ano magawa ko kay Decimo . Ewan ko ba , nakakapang-init ng ulo . OA ba ako? Wala pa naman siyang sinasabing kung ano? Iyon lang naman pero talagang nanggagalaiti na ako sa galit ! Shit.

Narinig ko ang unti-unting pagsara ng pintuan , pero bago pa man ito tuluyang sumara , nagsalita muna si Decimo.

"Mahal mo pa pala , bakit hindi mo pa balikan?" hindi ko siya pinansin , kunyari wala akong narinig .

Dahil sa sinabi ni Decimo kahapon ay hindi na ako nakatulog agad . Dalawang oras siguro ang nakalipas bago ako nakatulog , hindi na rin ako nakakain ng hapunan . Umaga na rin kasi ako nagising.

Wala na si Shawn at Decimo paggising ko , tanging fried rice at bacon lang ang naabutan ko sa lamesa. May isang maliit din na papel doon , binasa ko ang nakasulat at agad kumulo ang dugo ko .

Nauna kaming naging , so kami ang mauunang maghanap sa Ilume na 'yon :D

Sa inis ko , pinagpupunit ko ang papel. 'Yung emoticon na nakasulat nagpaalala sa akin ng mukha ni Decimo na nakangisi . Kaharap si Ilume .. Tapos — shit !

Hindi ko na pinansin ang pagkain sa lamesa . Sa banyo ako pumunta , kailangan ko yata ng malamig na tubig . Hindi dapat ako nagpapadala sa mga kalokohan ni Decimo .

Pero paano kung nakilala niya si Ilume ? Tapos inaya niyang makipag date tapos ....

"Damn !" halos sabunutan ko na sarili ko . Bakit ba naiisip ko 'yon ? Saka bakit ba ako naiinis !?

Pagkatapos sumama pa si Shawn ...

"Shit!"

Agad kong tinapos ang paliligo . Nagpunas at kinuha ang phone. Tinawagan ko si Shawn.

"Don't overthink Dylan , masyado kang nagpapadala sa trip ni Dec." bungad ni Shawn , inaasahan yata na tatawag ako.

Hindi na ako sumagot at in-end ang tawag. Naririnig ko kasi ang mapang-asar na tawa ni Decimo .

Bad trip.

Dala ang maleta kong may lamang mga damit ko ay pumunta ako sa ibinigay sa akin na address ng magkakapatid na Watsons.

Nasa harapan ako ng isang pulang gate . Nag-doorbell ako . Naghintay ako na may lumabas para pagbuksan ako pero halos ilang minuto na akong naghintay ay wala pa rin kaya nag-doorbell ulit ako .

Pipindot pa sana ako sa doorbell ng biglang may kumalabit sa akin. Paglingon ay dalawang babae ang nadatnan ko .

Medyo nalito pa ako . Nagdalawang isip kung naduduling ba ako o ano. Para kasing iisa lang ang mukha nila . Pero ng titigan ko silang mabuti ay nalaman ko ang pagkakaiba nila.

"Did you figure out kung ano pinagkaiba namin?" tanong ng babaeng mahaba ang buhok . Alanganin akong ngumiti .

"Nakakalito sa unang tingin." bahagya silang tumawa ng kaunti . "By the way , are you Dylan Lilcon.?" dagdag pa ng babaeng hangang balikat lang ang buhok .

"Yes , yes . And you are?" inabot ko ang kamay ko .

"Gretchel." nakipag kamay sa akin 'yung mas mahaba ang buhok .

"Guen" napangiti ako ng malapad ng pumasok sa utak ko si Shawn . Tama lang pala na hindi ko siya sinama dahil nag-uumapaw sa ganda ang mga pinsan ko .

Halos iisa ang mukha nila . Matangos na ilong , bilugang mata , maputi din ang balat . Pinagkaiba lang ang buhok nila . Mas mahaba ang kay Gretchel . Mas halata din ang kurba ng katawan ni Gretchel at mas mukha siyang babaeng babae sa suot niyang pink na Tshirt na may design na malaking puso at pink din ang jeans , kahit ang suot niyang cup pink din . Naka-gray na long sleeves si Guen at gray na short shorts .

Gusto kong matawa . Para kasing may color coding silang magkapatid. Ano kaya ang kulay ng isa pa?

Pinapasok muna nila ako sa bahay nila . Patuloy lang sa pakikipag usap sa akin si Gretchel habang si Guen ay maghahanda raw ng makakain .

Nang matapos makaluto si Guen ay agad na kaming kumain . Nakisali na rin si Guen sa usapan namin. Napunta sa tattoo ang usapan namin , napansin kasi nila 'yung akin .

"Cousin's goal pala ito" natatawang sabi ni Gretchel .

"Bakit naman?" tanong ko .

Tinuro ni Guen ang tiyan niya sa bandang kaliwa . "I have tatts on my tummy."

"Ako sa batok." napa 'Oh' nalang ako. Hindi halata sa kanila . Lalo na si Gretchel .  "Flower din tattoo ko . Daffodil." dagdag pa ni Gretchel.

"Gumamela akin." napangisi ako. Cousin's goal nga , bukod sa pare-parehas may tattoo , parehas din na bulaklak.

"Cousin's goal , does it mean na mayroon din ang isa niyo pang kapatid?" they both nodded and smile .

"Rose din ang kanya katulad sayo , mula sa kamay hanggang siko ang tattoo niya." tumango-tango ako . Na-excite tuloy akong makita ang itsura ng tattoo niya.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ng may isang babaeng nag-salita . Binati niya ng "Good morning" si Gretchel at Guen . Mukhang bagong gising.

Naka-sandong itim siya at maong pants na may tastas banda sa tuhod. Agad kong napansin ang kanang kamay niya habang ginulo ang buhok niya . May tattoo nga.

Kung titignan maigi , masasabi kong bunso siya . May pagka-chinita din ang mga mata niya at higit na mas maputi kaysa sa mga Ate niya .

"Magkasing puti kayo." mahinang sabi ni Gretchel .

"Anong pagkain?" dire-diretso itong naupo . Maliit lang ang lamesa at apat lang din ang upuan kaya sa tabi ko siya napa-upo.

Nangunot ang noo naming tatlo . Hindi ba niya ako nakita? Nangunot din ang noo niya sa dalawa niyang Ate. Tila nagtataka sa paraan ng pagtitig sa kanya .

Nakatitig lang din ako sa kanya ng hindi sinasadyang bumaba ang tingin ko sa katawan niya . Napansin ko ang sando niya . Malaki ang punit nito sa tagiliran . Sadya yata 'yon. Pansin ko din ang katawan niya — sa banda dibdib niya . Wala siyang suot na bra. Binalik ko ang tingin sa mukha niya . Nakatingin na rin siya sa akin .

"Shit!" agad siyang tumayo at naglakad palayo sa kusina. Napatawa kaming tatlo .

Pagbalik niya , naka-Tshirt na siya. Maayos na rin ang buhok niya at mukhang naghilamos na rin.

Tumikhim si Guen. "He's Dylan , 'yung sinasabi ni Tita Clara." tumango naman siya at humarap sa akin . Inabot niya ang kanang kamay niya . Nakipag-kamay ako.

"Gail Watsons." saglit akong napatitig ako sa kamay niya. Halos sakupin na ng bulaklak ang buong kamay niya . Paikot naman ang tangkay ng rosas sa braso niya hangang sa siko . Pansin ko din ang mga tinik na parang nagpe-fade .

"Dylan Lilcon." pagpapakilala ko .

Nakangisi na pareho si Guen at Gretchel matapos namin magkamayan ni Gail . Napapangiti nalang ako , para kasing nakakaloko .

"Bagay kayo." nagkatinginan kami ni Gail sa sinabi ni Gretchel. Saglit na nagulat pero agad din nakabawi . Nagkabay pa kaming magsalita habang tumatawa .

"Incest."

Keep my mouth busy ✔Where stories live. Discover now