TWENTY FOUR

39.9K 742 6
                                    

#KMMB

Payong magulang. Payong magulang lang  naman ang sinabi nila. Pero kahit na ganoon . Nakaramdam ako ng matinding kaba. Takot. Pagkalungkot.

Bakit?

Dahil alam kong tama sila .

Mas bata si Dylan at hindi malayong maghanap siya ng mas bata sa akin . Marami na akong lalaking nakilala . At alam lahat sila , mas gusto ang babaeng mas nakababata sa kanila .

Dapat tanggapin ko 'yon . Dapat asahan ko ng mangyayari 'yon . Pero , ang buong pagkatao ko , hindi nakikisama. Ayaw tanggapin na balang araw ay iiwan ako ni Dylan para sa babaeng kasing edad o mas bata sa kanya.

Tang ina.

Nahihirapan akong mag-isip . Gusto ko siyang makausap . Gusto kong marinig ang boses niya. Gusto kong malaman na walang ibang babae na nakahawak sa kanya .

Pero anong magagawa ko? Sa mga oras na ito alam kong nasa eroplano pa siya .

Pero paano kung may makilala na siya sa eroplano palang? Paano kung sa pagtapak palang niya sa airport ay may makabangga siyang babae at magkakilala sila? Paano kung — Ugh ! Nagiging OA na yata ako .

Hindi ako makatulog kakaisip . Mababaliw na yata ako . Bwisit . Gusto kong malaman ang kalagayan nila Dylan ngayon .

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko . Napahawak na lamang ako sa aking ulo dahil sa sakit na nararamdaman ko .

Anong oras na ba ako nakatulog kagabi? Bwisit. Tinignan ko ang orasan ko , alas sais palang . Ang aga pa . Pero bakit may malakas na tugtugan na sa labas ? Ang iingay nila !

Muli akong nahiga at nagtakip ng unan sa mukha . Sinubukan ko pang matulog pero mukhang nananadya ang nagpapatugtog . Mas nilakasan niya pa ito kaya mas narinig ko pa .

Iritatado akong tumayo at naglakad palapit sa bintana upang silipin ang nangyayari . Bakit may tugtugan ?

At ng makita ko ang labas ay halos mapanganga ako . What the fcking hell !?

We've got a coca cola bottle shake shake .

We've got a sugar do you wanna taste taste?

Nasa baba lang naman sila Carly at ang apat niyang kuya at ang ilang kapitbahay namin na sumasayaw .

We take it all around the globe
Baby everywhere we go
Make it hot when maracas shake shake

Nakangising kumaway sa akin si Carly ganun din ang apat niyang kuya na topless pang sumasayaw . Bwisit . Anong trip nila!?

Hindi ko na sila pinanuod pa . Sinara ko na ang bintana ng aking kwarto at agad nagtungo sa banyo .

Ano na naman kayang pakulo ng mga Revelente !? Sigurado akong si Carly ang may kagagawan nito !

Ng matapos akong maligo ay agad akong nagbihis . Tshirt at shorts lang , hindi naman kasi ako aalis.

Wala akong nakitang tao sa kusina , kahit sa sala. Wala sila. Lumabas ako ng bahay at doon ko sila nakita .

Nakaupo silang lahat at nakapalibot sa isang kahoy na lamesa . Marami pa akong nakitang tao na nakaupo din sa kani-kanilang mga upuan at lamesa.

Agad nangunot ang noo ko dahil dito. Sa pagkakaalala ko ay January ang fiesta dito . Mag-November na ! Anong mayroon!?

Tawa ng tawa si Daddy at Mommy sa panonood sa magkakapatid na Revelente habang sumasayaw ng kantang hindi ko maintindihan .

Keep my mouth busy ✔Where stories live. Discover now