GAYA-GAYA!

159 2 0
                                    

GAYA-GAYA

(EXO - Baekhyun's Fan Fiction)

***

"Ewan ko sa'yo!" angil ko sa kanya saka padabog na naglakad papunta sa upuan ko. Uwian na kasi. At hindi ko maintindihan ang isang 'to at nag-iisip bata nanaman. Tss.

"Ewan ko sa'yo!" panggagaya niya sakin. Kahit ang tono at ang matinis na boses ko ay ginaya niya. Napairap nalang ako sa kawalan habang inaayos ang mga gamit ko. Naramdaman ko ang presensya niya sa likod ko kaya hinarap ko siya. Nakangiti lang siya roon na parang hindi alam na naiirita ako sa ginagawa niya.

"Ano ba talagang problema mo, Byun Baekhyun? Ha?" nakapamewang kong tanong pero tinignan niya lang ako. Maya-maya ay binuksan niya ang bibig niya. Akala ko ay sasagot na siya nang matino pero..."Ano ba talagang problema mo, Byun Baekhyun? Ha?" napanganga ako sa sinabi niya at napakamot sa ulo sa sobrang inis. Aish! Bahala ka sa buhay mo!

Kinuha ko na ang bag ko at padabog na lumabas ng room. Bwisit na lalakeng 'yun, hindi nanaman makausap ng matino. -___-

Malapit na ako sa gate nang sumabay siya sa paglalakad ko. Huminto ako at tinignan siya ng masama. Ganun lang din ang ginawa niya-tinignan niya lang ako-nanlalaki ng konti ang mga mata niya at medyo bukas ang bibig? Tss. Inosente look. Di ako tatablan niyan!

Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Ganun lang kami for about a minute nang..

Isara niya ang bibig niya at... Thet! 'Wag yang isang 'yan. Kahinaan ko ya--!

*POUT*

Wala na, nagpout na siya. Geez. Ang kyuuuuuut niya! Gusto ko siyang kurutin sa pisngi! >/////<

Pero kailangan mong pigilan ang sarili mo, alalahanin mo inis ka sa kanya. Naiinis ka sa kanya! Waaaah!

Tumalikod nalang ako ulit bago ko pa ma-torture ang pisngi niya. Nagpatuloy na ako sa paglakad, ganun din naman siya.

"I lost my nind

Noreul choemmannasseultte

No hanapego modeungoseun

Get in slow motion

Nege marhejwo ige sarangiramyon~~"

Naramdaman ko ang biglang paghawak niya sa kamay ko habang kumakanta siya. Napangiti ako. Bakit ba nakaka-inlove ang boses ng isang 'to? Kaya ang daming may crush sa kanya e. Hmp!

Kanta lang siya nang kanta habang naglalakad kami. Ang sarap sa feeling ng ganito. Payapa.

Tumingin ako sa kanya. Napansin niya 'yun kaya napatingin lang din siya sakin.

"Hmm?" –Baek.

Tumingin lang ulit ako sa daan at umiling. "Wala. Sige, kanta ka lang.."

"Wala. Sige, kanta ka lang.."

Biglang nag-init ang ulo ko dahil ginaya nanaman niya ko. Ano ba talagang problema ng lalaking to?!

"Tss." 'yun lang ang nasabi ko saka ko binawi ang kamay kong hawak niya. Nakakainis. Akala ko okay na e. Bumalik nanaman siya sa pag-iinis niya.

"Tss." siya.

"ANO BA TALAGANG PROBLEMA MO HA? KANINA KA PA EH!" sigaw ko sa kanya sa sobrang inis. Tss. Sino ba naman kasing hidi maiinis sa ginagawa niya diba? Muntanga lang e, hindi makausap ng matino!

"Ano ba talagang problema mo ha? Kanina ka pa eh!"

gaya niya ulet sakin. Naglakad nalang ako nang mabilis. 'Yung pamartsa? Para halatang galit!

GAYA-GAYA! | EXO-Baekhyun One ShotWhere stories live. Discover now