CHAPTER 7

4.5K 10 2
                                    

*beep*

*beep*

*beep*

*beep*

Sunod-sunod na pagtunog ng phone ni Alexa. God! Nakakairita!

"Pwede bang i-silent mo nalang kung di mo titignan!" Masisira tuloy yung mask ko sa mukha. Ayokong pumangit kaya nga nandito ako sa Spa.

"Hayaan mo sya! Tapos na ko sa Tanley na yun." Sabi nya habang nagpapaprick sya sa mukha. "Aray ate! Dahan-dahan naman."

"Bakit ba kasi? Ano bang ginawa mo dun at hinahabol-habol ka?" Pagtataka kong tanong sa kanya.

"Masarap kasi ako." Sabay tawa ng malakas.

Nakakaloka talaga 'tong babae na 'to. Hindi mo akalain na ganun sya kagaling magpa-ikot ng mga lalake. Remember sya yung nag-isip ng larong 'to?

Mas mukha lang akong malandi dahil hindi naman ako boyish katulad nya pero hell! Mas makati pa sya sa laing. Haha!

I didn't know where and how Alexa learned all of that.

Lagi naman kaming magkasama pero ewan ko. Siguro natural talent nya na yang panglalandi.

Well, kailangan kong matuto kung ayokong maangusan nya ko.

We are BFFs but at the same time RIVALS.

Maya-maya pa ay may pumasok na namang client dito sa spa. Wow! Afford nya rin pa lang magpa-spa rito.

As far as you know, first class Spa and Wellness Center ang Faces of Grace. Why? Because my mom owns it.

Heard it right. Halos lahat ata ng businesses dito meron kami. My mom focuses on Wellness and Beauty. Kaya naisipan nyang magpatayo ng gaya nito. Malls, Spas and many more.

Tita Gertrude on the other hand, focuses on Bank businesses. All kinds of banks. You name it Tita has it. Kaya napakarami naming Credit Cards.

May mga businesses din naman na sosyo sila. Alam mo na, kahit sa mga negosyo BFFs pa din sila.

Naisip ko nga, buti nalang hindi nila kami pinipilit na pag-aralan ang mga businesses nila.

Tignan mo naman, Arts Majors kami. Kahit saang anggulo mo tignan hindi talaga rerelate sa mga negosyo nila.

Maybe someday uunti-untiin nila kami. Hinahayaan lang muna kaming mag-enjoy ni Alexa.

Or worse, ipakasal kami sa mga lalakeng di naman namin gusto para humalili at magpatakbo ng negosyo nila.

God! Fix Marriage is not my thing.

Naniniwala pa rin ako sa True Love. Sa ganda kong 'to ipapakasal lang ako sa hindi ko type at gusto!

Gusto ko rin naman ng mala-Fairy Tale na Love Story kahit alam kong super corny nun.

Siguro alam na rin yun ni Alexa. Na balang araw ipagkakasundo rin sya ng mga magulang nya. Kaya habang maaga pa nag-eenjoy na sya sa mga lalakeng pinaglalaruan namin.

"Good afternoon, Sir Alex!" Narinig kong bati ng receptionist sa taong nagbukas ng pinto kanina.

"Hi! The usual please." Sagot nya doon sa babae.

"He sounds familiar." Ani Alexa.

"He's name is also Alex." I told her.

"What th--" Biglang bangon sa bed ni Alexa. "Wait lang ate, may titignan lang ako saglit." Paalam nya sa facialist nya.

Hay nako. Hindi mo talaga sya mapipigilan sa kahit anong gawin nya.

"Oh my God!" Halos mapatakip sya ng bibig sa nakita.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 03, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The SEX Buddies (On-Going)Where stories live. Discover now