Yung maliit na bar lang malapit kanila Ivy yung napili namin. Tatlo lang talaga kami at wala ng ibang kasama, ayoko na din namang magalit si Gel. Light lang din ang inumin na inorder namin para makapagmaneho pa ako. Matagal tagal na din na kaming tatlo lang talaga yung nagbobonding, nakakamiss din sobra.

                Wala na akong planong iopen yung napagawayan namin ni Angelie kaso itong si Ivy, umandar nanaman ang girl instincts at nagsisimulang magtanong, hayun napakwento na din ako.

“Grabe pare, iniyakan mo si Angelie?” tawa ng tawa si Mike.

“Mike, kalian ka pang natutong umiyak?” sinegundahan naman ni Ivy.

Parang mga tanga, naasar tuloy ako. para kasing ang sama ng nagging tingin ko sa sarili ko nung oras na nagaaway kami, hindi ko nalang din talaga napigilang umiyak. Ganun nga siguro kung nagmamahal ka, walang babae o lalaki sa pagiyak, basta maramdaman mo nalang talaga, tutulo at tutulo yung luha mo.

 

Bzzz… bzzz. Nagvibrate yung cellphone ko, pagkakita ko si Ruth.

               

From: Ruth 0915*******

Mike, you busy?

Me: Not really, just hanging out.

From: Ruth 0915*******

Can I talk to you?

                Tumawag sya. Umiiyak. Nagaway din daw kasi sila ng boyfriend nya. Parang kami lang ni Gel. Nagseselos daw kasi yung boyfriend nya sa mga classmates nya. Ever since nakilala ko si Ruth, nagging panatag na yung loob ko sa kanya. Nakakapagopen kasi din ako sa kanya dahil halos pareho kami ng kalagayan yun nga lang, may pagkamakitid din yung understanding nya kaya madalas, dinadaan sa inom. Kinomfort ko nalang sya, syempre kaibigan mo na din yung tao at masakit din sa loob mo na naririnig mo syang umiiyak. Nung bumalik ako sa table namin pagkatapos magusap, tinatanong nila kung si Angelie yun, hindi ko naman dineny na si Ruth nga. Supportive naman itong si Ivy, bakit ganun ang mga babae? Pinipilit nilang intindihin lahat?

****

                Malapit na magfinals, awa ng Diyos nasama ako sa graduating class. Ang hirap, yung ibang athletes Octoberian pero kahit papano nakahabol naman ako ngayong March. Mas maaga ang exams at syempre ibig sabihin nun, kailangan ng mas maiiging pagrereview. Hindi ko din inakala na apat na taon lang talaga ako sa kolehiyo kasi naman nung first year, nakatatak na sa isip ko na limang taon ako dito dahil nga player ako pero naayos ko naman lahat. Parang hindi ko lubos maisip na bagong pintuan nanaman para magtrabaho. May offer sakin ang NBA at hindi ko pa din alam kung itutuloy ko o hindi. Ang daming nasa isip ko, si papa aalis na din pabalik ng states at gusto kaming isama ni mama saka nalang daw susunod si Ate pagkakasal nila nung boyfriend nya. Iniisip ko nalang din manirahan dito sa Pinas, at least nandito ang basketball at nandito si Angelie. Ayoko ng magadjust ulit, Masaya na ako kung anong meron ako ngayon.

                Lately, nagging mas madalas ang paguusap namin ni Ruth. Naawa din kasi ako, laging nalang daw nasa inuman, naglalasing dahil away sila ng away ng boyfriend nya. Si Aly kinausap ko na din para alalayan si Ruth kaso daw ayaw magpapigil.

****

                Tinamaan ng magaling, feeling ko highschool kami ngayon. Pride and Prejudice kasi yung play namin sa foreign lit. mas gusto ko pang maghanap ng papasukan ng OJT kaysa magpractice sa ganito eh. Si Mike parang sira lang naman na tinatawanan ako, kasi isa ako sa 5 magkakapatid ng mga Bennet. Problemado pa ako kasi wala akong isusuot. Ang lakas kasi talaga ng trip ng prof namin, hindi daw sa room ipapalabas yung play, sa auditorium daw kaya grabe nalang ang nerbyos ko at ito pa, lahat ng mga section na hinahawakan nya, irerequire nya na manuod. SAAN DUN ANG HUSTISYA? Grabehan lang talaga.

                Nakwento sakin ni Mike yung friend nya na si Ruth. Una medyo nagseselos talaga ako pero nung sinabi nya yung story nung girl, parang naintindihan ko kasi alam ko gaano kahirap makipagaway sa boyfriend lalo na yung seloso tulad nalang nitong higante na natutulog sa gilid ko.

                Saturday ngayon, trip lang naming magrelax ng konti, nasa la mesa eco park kami. Andaming nagpipictorial, nakakatawa lang, may mga pre nuptial photo shoot, debut o yung iba, mga trip lang basta may hawak na SLR, kunwari model. Maraming nagpipicnic pero itong kasama ko, trip nya matulog lang sa ilalim ng puno, walang kalatoy latoy. Buti sana kung magaan eh ang bigat ng ulo. 

                “Mike.” Kinakalabit ko sya.

                “Hmm?”

                “San ka magtratrabaho?” tanong ko.

                “Ewan, di ko pa alam eh.”

                “tatanggapin mo yung offer ng NBA?”

                “Ikaw, gusto mo ba makita boyfriend mo ulit naglalaro sa Araneta?”

                Parang tanga to, sya tinatanong ko, ang sagot tanong din.

                “Di nga?”

                “Siguro, hindi ko pa din talaga napagiisipan eh.” Hayun, sumagot din ng matino.

                March na din kasi, medyo matagal na din pala kami, magfifive months na. bakit ganun? Parang feeling ko yung five months, parang five years. Parang ang tagal na namin magkasama and honestly, sana sya na lang talaga makasama ko forever.

                Ganito pala magmahal talaga. Kahit na ang bigat bigat nitong lalaki na nakapatong sa balikat ko, kahit na madalas oily yung mukha at pawis na pawis kakapractice, kahit na parang gago na minsan may laway pa yung labi kapag hahalikan ako sa pisngi, kahit na minsan pupunta sa bahay amoy alak, okay lang. oo, kadiri pero kapag mahal mo, wala ka na talagang pakialam. Kahit na mabaho pa yan, pangit, masungit, walang kwenta, lahat ng imperfections nya, nagiging perpekto. Tsaka sino nga ba ang perperkto? Meron ba? Wala naman diba? Nagiging perpekto lang ang isang tao kung yung kapareho nya ay tatanggapin lahat ng imperpefections nya para paging perpekto.

               

*********************************************************************************************

IF YOU LIKE THIS CHAPTER, PLEASE DONT HESITATE TO LEAVE A COMMENT AND VOTE! :)) THANK YOU FOR READING! 

Liempo ( A story of Rival Colleges)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin