Na-realize ko tuloy kung gaano ako kaswerte. May kapatid ako na may sapat na oras para sa akin. Minsan, labis-labis pa nga ang atensyon na binibigay ni Kuya tapos, binabalewala ko lang. Samantalang si Ezra, kapos na kapos. Siguro, iniisip niya na wala namang may pakialam sa kanya. Kaya todo hanap siya ng atensyon. Gusto ko tuloy siyang yakapin para maramdaman naman niyang may taong may pakialam pa din sa kanya.
Kaya nga kami magkaibigan. Friends care for each other. And that is why I care for him.

See that? Bumalik na 'yong pakialam ko sa mundo. Dahil sa kanya. Ipinakita lang naman sa akin ni Ezra 'yong napakahalagang bagay na meron ako na hindi ko pinahahalagahan.

Nakangiting siniko ko siya para naman pagaanin ang mood niya. "Hindi ka naman nag-iisa. Nandito naman kami ng mga kaibigan mo. Ikaw lang itong biglang dumistansya sa amin. Bakit nga ba?"

Napansin kong biglang natigilan si Ezra. Alam ko e. Nararamdaman ko na may malalim siyang dahilan. Ayaw niya lang sabihin. At nakakatampo na ayaw niyang sabihin. Akala ko ba magkaibigan na kami?
Friends na kami, dapat wala nang lihiman.

"Akala ko kasi ayaw mo talaga akong kaibigan. Detached ka pa din maski ini-acknowledged mo ang friendship natin." sabi niyang itinuloy ang pagkain.

Iyon lang ba talaga? Bakit iba ang pakiramdam ko?

"Well, dapat talaga hindi na ako makikipagkaibigan kasi nag-decide akong maging selfish hanggang sa huling hininga ko. Nag-decide ako na hihintayin ko nalang ang expiration ko. Minsan nga gusto ko pang madaliin. Pero sinampal mo kasi ako ng katotohanan na may sinasaktan akong importanteng tao sa buhay ko. Hindi ko tuloy alam kung magpapasalamat ako sayo o dadagukan kita. Kaya eto. Nag-U-turn na naman ako. Nag-decide akong umasa ulit at maghintay ng donor. Kapag hindi pa kami makahanap ng donor dito hanggang magsara ang school year, baka lumipad kami ng US para do'n na magpaopera. Iyon naman kasi talaga ang plano namin noon pa. Pero bago kami nakaalis, naaksidente sina Mom---"

"Talaga?! Magpapaopera ka na?"

Nagulat ako no'ng bitawan ni Ezra ang cutleries na hawak niya saka niya ako inabot at niyakap ng mahigpit. Parang mas higit pa 'yong tuwa niya sa naging reaksyon ni Kuya noong sabihin ko ang desisyon ko.

"Well, yes. Noong na-confine ako, nag-undergo na din ako sa mga test kaya medyo natagalan din ang pagbalik ko sa school." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Thanked God! Akala ko, forever ka nang magmamatigas e."
Tumatawang sabi niya habang pinapakawalan ako.
"Pero medyo nagtataka ako. Bakit hindi ka masungit ngayon? Hindi mo din minamaltrato ang kagwapuhan ko?"

Kunwari inirapan ko siya. Pero kasi, sa totoo lang, nae-enjoy ko itong light conversation namin. Itong open ako sa kanya at ganoon din siya sa akin. Mas masarap kasi talaga ang may kaibigan ka na napaglalabasan ng lahat ng saloobin mo. Kesa sa sinasarili. Siguro, ito din ang dahilan kung bakit maginhawa na ang pakiramdam ko. Magmula pa kagabi na nagkaayos kami.
Teka, speaking of kaibigan...

"May atraso ka pa pala sa akin, Ezra."

Kunot-noong bumaling sa akin si Ezra. Tinampal ko naman ang noo niya na may mga unwanted lines. Sagabal sa magandang tanawin e.

"Aray naman!" reklamo niya na hinaplos ang noo.

"Teka, bago mo ako maltratuhin, paki-explain ng atraso ko. Wala akong maalala e. Sa pagkakatanda ko nga, ako na ang pinakamabuting kaibigan na meron ka." Nang-aasar na naman ang ngisi niya.

Sinimangutan ko si Ezra saka ko tinusok 'yong hipon na binalatan niya.

"Mabuting kaibigan ba 'yong siniraan mo ako sa mga long time friends ko?"

Nagkamot siya sa batok. Alam kong gets na niya ang sinasabi ko.

"O? Ano? Hindi ka makatanggi? Bakit mo sinabi na may lahi akong mangkukulam?" Sita ko sa kanya sabay pandidilat ng mata.

MELANCHOLY OF A WALLFLOWER (Completed and published)Where stories live. Discover now