Pt. 3

23.2K 535 45
                                    

"HIJA, hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa ni Mama," sabi ni Mommy Esmee. "Alam namin ang kalakaran ng mga kabataan ngayon. Mapupusok kayo."

Hindi nakasagot si Dahl.

"Alam mo naman siguro ang kuwento ni Zaq?"

Napatingin siya sa mukha ng kausap. "Kuwento ho?"

"Iyong tungkol kay Jill...?" Siniko ni Lola Tetchie ang manugang kaya nasapo ni Mommy Esmee ang bibig. "Hala. Hindi pa yata nag-o-open si Zaq sa 'yo."

"Kuwan, nabanggit niya ho si Jill pero wala naman siyang in-elaborate masyado," nananantiyang saad ni Dahl, curious kung sino ang Jill na iyon. Hula niya, ex-girlfriend ni Zaq. Pero anong kuwento kaya iyon?

"Hay, sabagay malalaman at malalaman mo rin naman. Ang maulit ang nangyari kay Jill, iyan ang gusto naming iwasan ng Mama ngayong nagdala na sa wakas ng nobya si Zaq dito. Ang akala namin hindi na siya makaka-move on. Halos masira ang buhay ni Zaq sa nangyari kay Jill, pero mukhang finally nagmo-move on na talaga siya ngayon."

"And that's thanks to you, hija," sabi ni Lola Tetchie. "Nakita kong muli ang saya sa mga mata ng apo ko."

"Dahl, hija, what we're trying to say is... Mama and I think you and Zaq should get married as soon as possible. I mean, hindi ko hinuhusgahan ang mga taong nag-e-engage sa premarital sex. We're religious people, pinalaki naming may takot sa Diyos si Zaq at ang kapatid niya, kaya lang... iba na nga ang mga kabataan ngayon. Jill was a wild young woman at inasahan na namin na noong sila ni Zaq, may ginagawa na silang milagro. Pero since nagpi-Pre-Med na si Zaq noon at nagpaplanong magdoktor tulad ng ama at lahat halos ng miyembro ng pamilya Erazo, inisip namin na magpa-practice siya ng safe sex sa mga girlfriends niya. It turned out he was but a young man, mapusok at careless, katulad din ng Jill na iyon.

"So, nabuntis nga si Jill, kaso hindi pa naman sila ready sa responsibilidad. Hindi namin alam na nagpa-abort siya. Dinugo pero inilihim nilang dalawa. Naimpeksiyon si Jill. She died."

"Oh." Kaya pala ganoon na lang ang concern ni Zaq kay Sam sa ER kanina.

"Kaya nga sa obstetrics and gynecology gustong mag-specialize ni Zaq. Konektado pa rin kay Jill at sa guilt niya sa nangyari. That was eight years ago at sa loob ng panahong iyon, parang doon na lang umikot ang buhay ng anak ko. Sa guilt niya sa nangyari."

"Kaya tuwang-tuwa kami nang sorpresahin kami ni Zaq tonight at nag-uwi ng nobya."

"Kaya ang gusto sana namin ni Mama ay ang makasal kayo ni Zaq bago pa man kayo magsiping... o kung ginagawa n'yo na iyon, bago ka pa man mabuntis."

Na-shock si Dahl doon. "Er, Tita, responsable na po si Zaq ngayon. Doctor na siya at maedad na rin naman, saka tiyak na natuto na 'yon sa nangyari kay Jill. Saka 'wag n'yo pong isipin na nagse-sex kami ng anak n'yo. H-hindi po. Hindi rin po ako kumporme sa premarital sex. Hindi naman po sa sobra akong conservative or anything, hindi lang po ako talaga... I mean, hindi naman po sa asexual ako or anything, basta hindi pa po panahon." Napangiwi siya, ramdam ang pamumula ng mukha.

Mukhang natuwa naman ang dalawa sa sinabi niya. "I really like you, hija," deklara ni Lola Tetchie. "Bihira na ang katulad mo."

"Kuwan po kasi, three months pa lang kami ni Zaq. Parang nasa getting-to-know-each-other stage pa rin po kami."

"Gusto ko nang magkaapo, Dahl. Kung hindi nangyari iyong kay Jill, di sana mga seven years old na ang bata at malamang dalawa o tatlo na sila."

Parang may kumurot sa puso ni Dahl sa sinabi ng ginang. Mukhang pinanghihinayangan talaga ng mga ito ang anak sana ni Zaq sa Jill na iyon.

"The Good Samaritan" by Kumi Kahlo [COMPLETED]Where stories live. Discover now